Chapter 01
Eliza Pov.
"Hoy ang daya mo naman",,,sigaw ko, kasi apat na moves lang dapat pero lima ung ginawa niya
"Haha hindi kaya oh tingnan mo bilangin mo pa",, sabi ni Dave habang chill lang uminom ng juice.
"Aish nakakainis ka tlaga ayaw ko na nga",,, sabi ko at lumabas na ng kwarto ko at nagpunta sa salas para manuod ng tv.
"Hoy Eliza pikonin ka talaga",,,sigaw niya habang pababa ng hagdan
"Ewan ko sayo",,, sabi ko,
Tumabi siya sa akin at umakbay sa akin habang kinuha ung remote at nilipat sa basketball.
"Ano ba Dave? Nanunuod ako ng teleserye bakit mo nilipat",,, sabi ko at pilit na inaagaw ang remote
"Teka muna titingnan ko lang ung laro oh!! Panoorin mo matatala ung warriors wag ka malikot",,, sabi niya at tinaas ang kamay niya para di ko maabot palibhasa kasi matangkad.
Seryoso na nanunuod si Dave ng basketball ako naman eto nakaupo habang namumula na ako sa inis kasi matatapos na ung paborito kong palabas.
"Good evening Mam and Sir",,, sabi nung yaya namin, napatingin ako sa gawi ng pinto at dumating na pala sina Mommy and Daddy kasama sina Tita Janica at Tito Davien mga magulang ni Dave
"Good evening din yaya where's my little baby",, sabi ni Mommy at nakatingin lang ako sa kanila
Tinuro ni yaya kung nasan kami, tapos tiningnan ko si Dave seryoso pa rin nanunuod ng basketball di man lang napapansin nandito ang mga magulang niya.
"Oh baby bakit hindi maipinta ang mukha mo",,, sabi ni Mommy habang natatawa pa
"Alam ko na Mhars baka gawa na nman ng anak ko yan",,, sabi ni Tita Janica at tumango naman ako
"Dave ano naman ginawa mo sa unica hija ni Pareng Elmer??",,, Sabi ni Tito Davien
"Dad wala ako ginagawa sa kanya, natalo lang kasi siya sa snake and ladders na nilalaro namin kanina",, sabi ni Dave at chill lng siya
"Hoy John Dave Arellano hindi ako pikon sa laro natin kanina,",,, sigaw ko at inirapan siya
"Hahaha iha relax ka lang ano ba ginawa ng anak ko",,,sabi ni Tito at umupo silang apat sa sofa
"Kasi Tito inagaw ni Dave ung remote nanunuod ako ng paborito kong palabas",,,sabi ko at inirapan lang siya tapos tinawanan lng ako
"Oh basketball pala Dave ang pinapanuod mo sino na lamang sa kanila",,, sabi ni Daddy
"Daddy naman",,, sabi ko at nagpout ako
"Haha iha di ko naman masisi itong anak ko, basketball pala pinapanuod niya",,, sabi ni Tito Davien
Napabuntong hininga na lang ako kasi tatlo sila ako nag iisa. Lumapit si Tita Janica at si Mommy sa akin.
"Alam mo iha sadya ganyan ang mga lalaki adik sa basketball lalo na kung NBA ung pinapanuod nila",,, sabi ni Tita Janica habang hinihimas ang buhok ko
"Wag ka mag alala anak ibibili kita ng TV sa kwarto mo ok ba yun",,, sabi ni Mommy at nabuhayan ako
"Talaga Mommy thank you",,, sabi ko at niyakap si Mommy
"Honey wag mo masyado ispoiled yang baby girl natin",,, sabi ni Daddy na busy sa panunuod
"Anong spoiled ka diyan ikaw ang bibili ng Tv at pera mo ha!! No more but ok",,, sabi ni Mommy at si Daddy wala nagawa kaya natawa na lng kami nina Tita at Tito

BINABASA MO ANG
Ang Dyosang Nerd
Teen FictionIsang maladiyosa sa kagandahan si Eliza Mae Vergara kahit nerd siya. Mabait, matalino at Palakaibigan si Eliza. Kababata niya kaibigan si John Dave Arellano. Matalik na magkaibigan ang pamilya nila dalawa. Isang play boy si Dave pero kahit ganon mab...