Chapter 23
Dave Pov.
Higit higit ko si Roxanne, papunta kami ngayon sa garden, naiinis ako nalalaman na ni Eliza ang tungkol sa Ate niya, naaawa ako sa kanya naglihim sina Tito para di mag alala si Eliza sa tuwing lalabas siya ng bahay.
"Babe san mo ba ako dadalhin, medyo nasasaktan na ako hihi",,, maarteng sabi ni Roxanne, lalo ako nainis kaya mas lalo hinigpitan ang kapit sa braso niya, medyo nasaktan na siya pero di ko siya pinansin
Sa totoo lng napapansin ko si Roxanne na nagbabago ugali niya, pinapakita na niya ang tunay niya ugali kaya ung mga gumawa nang walang kwenta namin fans club mga nagsi alisan dahil palagi sila inaaway ni Roxanne. Nakarating na kami sa Garden at binitawan ko na si Roxanne,
"Babe your so sweet talaga i love you babe",,,, sabi ni Roxanne, nababaliw na yata tong si Roxanne
"Bakit mo sinabi kay Eliza nang ganun ha!!",,, Sigaw ko at bigla nagbago ang expression ng mukha niya at nakasmirk siya
"Di ba yun di naman ang sasabihin kay Eliza kaya inunahan na kita, bakit ano akala niyo sa amin mga bobo alam namin na kasabwat niyo mga magulang ni Eliza at alam din namin ang mga plano niyo hahaha",,,, sabi niya di ko alam ang iisipin ko, feeling ko kasi may problema sa pagiisip si Roxanne.
Naiinis ako at gusto ko suntukin si Roxanne, kung di lang siya babae baka nasaktan ko na talaga siya.
"Oh bakit ganyan ang tingin mo sa akin babe, di ka makapaniwala nu!! Actually alam namin hinahanap niyo din si Marciano ang taong umapon kay Elice hahaha, malabo niyo mahahanap si Manong kasi ipapaligpit na namin siya para wala kayo pag asa mahanap si Elice, hahahahaha",,,, sabi niya at tumawa siya na parang demonyo. Paano niya nalalaman ang lahat ng ito maaring may ispiya sa bahay namin.
Naalala ko ung yaya namin, hindi kaya siya ung ispiya namin. Kailangan ko imbestigahan ung yaya na yun. Hindi pa rin tumitigil si Roxanne sa pagtawa.
"Paano mo nalaman ang lahat na ito ha!! At bakit niyo ginagawa ito sa amin ",,,, Sigaw ko at tinitingnan ko siya ng masama.
"Hahaha Sobrang laki ng kasalanan ng pamilya ni Eliza sa amin, nang dahil sa kanila naluge ang hotel namin dahil lahat ng customer napunta sa kanila, kaya ung pera na dapat sa amin ibibigay ng customer kinuha namin, and thankful kay Elice whahahahaha",,,, sabi niya, napatigil siya sa pagtawa at bigla nag iba ang mukha niya
"So may kinalaman kayo sa pagkidnap kay Elice",,,, sigaw ko at lumapit ako sa kanya
"A..a...anong si..sinasabi mo..??",,, Sabi niya at nauutal pa siya, ngayon lumilinaw na ang lahat sa amin at bigla tumakbo palayo si Roxanne.
Bigla ko kinuha ang cellphone ko at tinext kina Mom ang natuklasan ko. Maghintay ka lang Eliza babalik din tayo sa dati. Makakasama na rin tayo palagi. Teka ano ba tong iniisip ko.
"Bro masyado ka pa indenial pa, ayaw mo pa tanggapin na hindi lang kaibigan ang turing mo kay Eliza",,,,
Bigla na lng pumasok sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Kyle. Indenila ba talaga ako. Pero sa totoo lng ang laki nang ginanda ni Eliza nung inalis niya ang salamin niya. Pero napapaisip ako anong dahilan ni Eliza para magbago siya ng look.
Pero nabighani ako sa ganda ni Eliza hindi ko alam kung nainlove ako kanina sa kanya oh nagulat lng sa pagbabago niya. Hindi ko alam kung paano malalaman kung mahal ko na ang isang tao dahil di ko pa ito nararamdam. Oo marami na ako naging girlfriend pero hindi ko sila mahal parang libangan ko sila. Sabi nila masarap daw magmahal.
Napatingin ako sa langit at nakita ko ang dalawang ibon lumilipad na magkasama
"Ano nga ba ang Love??",,,,. Napabuntong hininga ako, at naisipan bumalik na sa Classroom.
Pagdating ko sa classroom naabutan ko sina Kyle, bigla naman lumapit sa akin si Ashley at galit
"Alam mo may kapatid si Eliza bakit di mo sinabi kay Eliza, anong klase kang kaibigan ha!!",,, Sigaw ni Ashley at galit na galit
"Wag kang OA Ashley, pwede huminahon ka",,,, sabi ni Kyle at hinawakan sa braso si Ashley
"Ano ka ba Kyle?, Alam mo ayaw ni Eliza sa sinungaling teka bakit ganyan ka magreact wag mo sabihin alam mo",,, sigaw ni Ashley, grabe ang lakas talaga ng boses ni Ashley buti na lng kami lng ang nasa room pa
"Oo alam ko lahat at may dahilan ang lahat",,, sigaw din ni Kyle,
Napabitaw siya sa braso ni Ashley, nabigla siya at nasabi alam din niya, tumayo si Ashley at galit na galit
"Anong dahilan mo sabihin mo??",,, Sabi ni Eliza na umiiyak
Bigla kumirot ang puso ko sa tuwing nakikita ko umiiyak siya at nasasaktan ako. Napatungo ako at hindi makatingin ng diretsyo kay Eliza.
"Eliza hindi sila ang dapat magpaliwanag sayo kundi magulang mo kaya tumahan ka na magiging ok din ang lahat",,, sabi ni Brix.
Sa totoo lng natuwa ako sa sinabi niya kahit naiinis pa rin ako sa paglapit niya kay Eliza. Huminahon naman kaming apat at si Eliza pilit na pinapatahan ang sarili niya, kaya lumapit ako sa kanya at pinunasan ko ang luha niya.
Bigla ako natigilan ng makita ko ang mga mata niya. Hindi ko alam ang nararamdam ko pero may kung ano parang lumilipad na butterfly sa tiyan ko. Medyo malapit ang mukha namin sa isat isa nakikita ko ang pinagbago nang itsura niya. Ngayon ko lng naramdaman ang ganitong feeling, ito na ba yung sinasabi nilang Love.
"Ehem...",,, Nagulat kaming lahat sa nagsalita, lumingon ako si Melanie lng pala kasama si Jessa
"Epal ka din girl nu!! Nandun na ehh!! ",,, Sabi ni Ashley at halatang nasa mukha ang panghihinayang, napakunot naman noo ko sa sinabi niya
Hindi umimik si Melanie at lumapit kay Eliza. Dumaan siya sa harap ko at tiningnan ko siya ng masama pero yumuko lng siya. Parang may kakaiba kay Melanie ngayon.
Nang makalapit na siya kay Eliza bigla niya itong niyakap, nagulat kami sa inasta ni Melanie ngayon. Nagkatinginan kaming apat nina Brix.
"Eliza sorry for everything, naiingit lng kasi ako sayo palagi ikaw na lng ang president sa klase tapos ikaw lagi ang top one",,,, sabi ni Melanie habang nakayakap kay Eliza.
Hindi ko alam, pero masaya ako para sa kanilang dalawa lalo na nang makita ko ngumiti si Eliza, nakakamiss ang mga ngiti niya. Nag uusap silang dalawa ni Eliza kasama si Jessa at Ashley. Eto naman si Kyle bigla nangangalabit kaya napatingin ako sa kanya.
"Inlove ka na bro kay Eliza",,, pang aasar na naman ni Kyle sa akin, sinuntok ko siya ng mahina sa balikat.
"Loko ka talaga Bro magkaibigan nga lng diba ikaw talaga puro malisya",,, sabi ko kay Kyle pero tumatawa lng sila ni Brix.
"Indenial pa pala si Dave",,, sabi ni Brix at nag apir silang dalawa, aba pinagkakaisahan yata ako ng dalawang ito.
"Mga loko kayo, akala ko may gusto ka kay Eliza",,, tanong ko kay Brix at nag iba ang mukha niya medyo sumeryoso
"Oo pero may narealize ako isang bagay",,, savi ni Brix at nakangiti siya,
"Pucha ang dalawang pare ko inlove na,",,, sabi ni Kyle, napatawa naman kami ni Brix,
"Diba inlove ka na din kay Ashley haha aminin mo na kasi pare",,, asar ni Brix kay Kyle, bigla naman namula si Kyle lalo tuloy kami nagtawanan
"Mukhang masaya kayo ha!! Pwede ishare naman",,, sabi ni Ashley at nakameywang pa
"Oh! Kyle share daw ",,,pang aasar ni Brix, lalo tuloy namula si Kyle at napakunot naman ang noo ni Ashley
Nagtawanan kaming lahat kasama sina Eliza alam din yata nila may gusto si Kyle kay Ashley. Masaya ako kasi ok na kami ni Eliza. Mga ngiti mo talaga ang nagpapasaya sa akin Eliza.
____________________________________
Papabilisin ko na po ang story na to medyo naiiga na ang utak ko hehe sensya na po 😊✌
Please VOTE, COMMENT , SHARE and especially FOLLOW ME 😊😘
Thank you for continued reading love you all 😊😘😍
Shiela_Almonte_

BINABASA MO ANG
Ang Dyosang Nerd
Novela JuvenilIsang maladiyosa sa kagandahan si Eliza Mae Vergara kahit nerd siya. Mabait, matalino at Palakaibigan si Eliza. Kababata niya kaibigan si John Dave Arellano. Matalik na magkaibigan ang pamilya nila dalawa. Isang play boy si Dave pero kahit ganon mab...