Chapter 06

3.3K 66 0
                                    

Chapter 06

Eliza Pov.

Nandito pa rin ako sa salas nanunuod ng tv samantala si Dave nasa kusina pa rin. Di ko masyado magets ung pinapanuod ko gawa kasi ni Dave kahapon nanuod ng NBA yan tuloy di ko maintindihan.

Maya maya naka amoy ako ng masarap parang may niluluto sa kusina bigla naman nagsink sa utak ko si Dave baka nagluluto siya. Tumayo ako at nagpunta sa kusina, nakita ko si Dave naka apron siya at may hawak na sandok.

"Dave wala ka pahintulot na magluto ka ha!!",,, Sabi ko at nakapameywang pa,

"Kailangan pa ba?? Saka favorite natin tong niluluto ko",,, sabi niya pero di siya lumingon sa akin at naghahalo ng niluluto niya

"Talagang lang ha!! Hulaan ko Caldereta yan nu!!",,, Sabi ko at umupo

"Oo naman dinamihan ko na din ang luto baka kasi sina Mom dito kumain ulit",,, sabi ni Dave na busy sa pagluluto

Tumango na lang ako at pinanunuod siya magluto. Gusto kasi ni Dave magtayo ng sariling restaurant pero ayaw siya payagan nina Tita Janica kasi masyado pa bata si Dave at baka daw mapabayaan ni Dave pag aaral niya.

"Excuse Mam Eliza pinatay ko na ung TV kasi di na po kayo nanunuod",,, sabi ni yaya na bigla sumulpot sa likodan ko

"Ay salamat yaya saka pausap po pakuha naman po ng cellphone ko nasa study table ko siya sa kwarto ko",,, sabi ko at tumango naman si Yaya at umalis na

Maya maya nakarating na si Yaya dala ung cellphone ko at thank you ako sa kanya. Binuksan ko ung Facebook ko at ang daming notification ko at may one message pa, binuksan ko muna ung message nakita ko si Ashley pala kaya binasa ko

Ashley
  "Bhest may bago ka ba book diyan"

Chat niya kaya nagreply ako

Me
  Yes what kind of book??

Afte ng one minute nagreply na siya

Ashley
  About History

Reply niya kaya napa isip ako kung meron ba ako

Me
I think meron dalhin ko na lng bukas

Reply ko at nag thank you siya kaya tiningnan ko ung notification ko ang dami na pa naglike nung post ko halos nasa 1k n siya.

Famous pala ako hehe, ang dami kasi nagsasabi cute daw ako kahit nerd lalo na daw kung wala ako salamin baka daw maging dyosa na ako, pero malabo di ko alisin ang salamin ko kasi malabo ang mga mata ko.

"Alam mo Eliza mas ok kung maghahain ka na ng kanin at plato diyan sa table kasi malapit na maluto to, 6:45 pm na pala",,, sabi ni Dave habang tumingin sa relo niya

Nag log out na ako at naghain na ako ng kanin at naglagay ng plato. May bumusina sa labas kaya dali dali ako lumabas para salabungin. Si Mommy at Daddy dumating na pero di nila kasama sina Tita at Tito

"Daddy nasan po sina Tita",, tanong ko

"Umuwe na sila, may problema kasi ang company natin",,, sabi ni Daddy at halata sa mukha niya ang pagod at stress ganun din si Mommy

"Naghanda pa naman si Dave ng pagkain natin",,, sabi ko, tapos sila umupo sa sofa na pagod na pagod. Bigla naman dumating si Dave masaya nakangiti

"Good evening Tito and Tita nasan po sina Mom",,, tanong ni Dave na pawisan na napagod yata sa pagluluto

"Naku iho!! Malaki kasi problema natin sa company",,, sabi ni Mommy

Ang Dyosang NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon