Epilogue

3.8K 83 2
                                        

Eliza Pov.

Ilang taon na rin nakalipas simula nung nangyare sa akin at sa aking pamilya. Si Lolo Mario ay di na naabutan buhay sa ospital dahil naubos ang dugo niya, sobrang nalungkot si Ate Melody este ate Elice pala at binigyan namin ng magandang libing si Lolo Mario. Tapos binago na rin ang pangalan ni Ate naging Melolice Joy Vergara pinagsama ang pangalan Elice at Melody pero ang tawag ko kay Ate ay Melo para short.

Kung tatanongin niyo naman ang nangyare sa pamilya ni Roxanne edi ayun nakakulong na, nalaman ng mama ni Roxanne na nakikipagsex din ang asawa niya sa anak niya at nagpaalaman may mental disorder ang asawa niya lalo na si Roxanne kaya ayun nasa mental na sila pero gumaling naman ang papa ni Roxanne at nilipat na siya sa kulungan. Pero ung kondisyon ni Roxanne sobrang malala na talaga.

Si Dave naman ayun simula nung araw na din yun iniwasan ko na siya, nung una nagtatanong siya kung bakit ko iniiwasan siya ang tanging sagot ko lang ay ayaw ko lng masaktan pa. Nalaman ko rin na matagal na pala pinagkasundo ng magulang sina Mica at Dave dahil yun daw ang sinabi ni Dave nung mga bata pa kami kina Uncle Jasper at Aunti Minda. Sobra talaga ako nasaktan kasi umaasa ako na baka magustuhan ako ni Dave syempre yun ung nababasa ko sa mga love story about childhood.

Hindi natuloy ang banda namin dahil nagquit ako pati na din si Dave halos lahat kami. Kaya walang nagawa ung dating member ng Elite Band kundi sila na ulit ang nagperform sa stage nung intrams namin. Alam niyo ba na si Ashley at Kyle ay sila na umamin si Kyle nung Valentine's Days at sila pa ang nanalo bilang Queen and king nung araw na yun. Si Brix naman ay Samantha ikakasal sila pagkatapos namin makagraduate ng college syempre alam niyo na yun. Pero alam niyo ba may gusto din pala si Brix kay Sam masyado lng indenial itong si Brix at cold. Pero magiging abay kami sa kasal nila at official sila na.

Akalain mo mga kaibigan ko ay may mga love life na samantala ako wala, marami din nanliligaw sa akin pero ni isa wala ako sinagot kasi di ko alam pero natatakot ako magmahal baka masaktan lng ulit. Si Dave ay umalis ng pilipinas at nag aral sa states kasama si Mica nung makagraduate kami ng High School. Nung una nalungkot ako kasi umalis siya ng di ko man lng pinapansin, gusto niya ako kausapin bago ang flight niya noon pero di ako lumabas ng kwarto ko at nagkulong kasi ayaw ko makita siya.

Ngayon na may nakagraduate na kami ng mga kaibigan ko ng college may mga sarili na rin kami trabaho. Nagtapos si Ashley ng college bilang guro, si Kyle naman ayun bilang isang Sea man at Si Samantha at Brix parehas sila ng kinuha bilang Engineering. Ako naman nagtapos bilang Abogado at nakapasa sa bar exam bilang Top One syempre iba ako eh!! Hehe.

Nagtratrabaho rin ako sa bagong company nina Daddy bilang board members at si Ate ang pinaka boss, ito daw ang ipapamana niya sa amin ni Ate negosyo. Kasalukuyan ako nasa restaurant kung san kami kumain at kay Dave na resto to, hinihintay namin dumating si Ate Melo kasi magpropropose si Kuya Brian ung kuya ni Brix kay Ate. Oo tama kayo nagkabalikan na sila at masaya ako kasi bubuo na sila ng isang masayang pamilya.

"Ano nandiyan na ba??",,, Sabi ni Tita Janica sa waitress

Nandito na din sina Tita Janica at Tito Davien kasi resto to ni Dave at sila na muna ang nagpapatakbo ng negosyo ni Dave habang wala pa siya.

"Nandiyan na po pumesto na kayo",,, sabi ng waitress at dali dali kami umayos.

May hawak ako isang rose na flowers ibigay ko to kay Ate saka mag memessage ng maikli sa kanya

Pagpasok palang ni Ate, medyo nagtataka siya kung bakit madilim hanggang sa binuhay na ang ilaw at halata sa mukha ni Ate ang pagkagulat. Puno kasi ng dekorasyon ang lugar at maraming petals ng bulalak ang nasa sahig. Isa isa na sila lumapit at may sinabi kay Ate hanggang sa ako na ang sunod. Lumapit ako kay ate at inabot ang flower.

Ang Dyosang NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon