Chapter 07
Eliza Pov.
Nasa school na ako ngayon, pumasok na ako sa room ko pero wala pa si Dave at sina Ashley at si Kyle. Umupo na ako saka nagreview ng mga lesson baka kasi may biglaan quiz.
"Bhest good morning ang aga mo yata",,, bati agad ni Ashley sa akin
"Masama ba maging maaga",,, sabi ko at naghikab
"Hahaha inaantok ka pa ehh!!",,, Asar ni Ashley di ko siya pinansin at sinubsob ko ang mukha ko sa desk at di ko namalayan nakatulog ako.
"Ssshhhh tulog si Eliza maaga pumasok ehh,!!",,,rinig ko kahit nakapikit ako boses ni Ashley yun
"Ano nakain ni Eliza at maaga pumasok?",,, Boses naman ni Kyle
"Ewan ko diyan",,, sabi ni Ashley minulat ko ang mga mata ko at bumungad agad si Dave na nakatingin sa akin.
"Waaaahhh",,,, napasigaw ako at inangat ang ulo ko
"Bhest nananaginip ka lang",, sabi Ashley na hinihimas ang likod ko
"Anong nananaginip?? Nagulat ako sa mukha ni Dave, pano kasi pagmulat ng mata ko si Dave agad nakita ko tapos malapit pa sa mukha ko",,, sabi ko at inayos ang sarili ko
"OA mo",,, cold na sabi ni Dave kaya kaming tatlo napatingin sa kanya,
"Klaseng may problem si Dave??",,, Sabi ni Kyle at tumango naman si Ashley
Siguro iniisip ni Dave ung problem namin sa company namin tapos ung girlfriend pa niya si Roxanne ang malaking problema kasi umaalis na sila sa company namin, sobra laki pa naman ng company nila para sa company namin.
Pumasok na ung teacher namin at umayos na kami ng upo. Habang nagkaklase dumating ung principal namin at may ina announced
"Good morning children",,, bati niya sa amin kaya nag Good morning din kami
"Mamayang pagkatapos ng lunch magaganap ang speech ng mga pinili namin maging student president ng school and Eliza Mae Vergara isa ka dun kaya be ready",,, sabi ng principal at napalunok ako,
Umalis na ung principal at nagpatuloy na kami sa klase. After ng two hour natapos na ang klase at lunch na kaya pumunta na kami apat sa canteen, nakakapanibago na si Dave ay hindi kasama si Roxanne siguro may problema sila.
"Bro anong problema??",,, Tanong ni Kyle kay Dave, nasa canteen kami ngayon at tahimik pa rin si Dave
"Ok ka lang ba??",,, Tanong ko at nakatingin sa kanya
"Wala na kami ni Roxanne nakipaghiwalay na ako",,, sabi ni Dave at ung mga mata may nabubuong luha sa gilid
"Ano bakit naman??",,, Sabi ni Ashley
"Gawa ba to ng business ng mga family natin",,, sabi ko
"Oo isa pa yun pero meron pa",,, sabi ni Dave at pinunasan ang nagbabadya tumulo ang luha niya
"Ano yun bro??",,, Tanong ni Kyle at halata sa itsura ni Kyle na concern siya sa Best friend niya
"Basta may kailangan kasi ako pagpilian",,, sabi ni Dave at halatang sa mukha niya ang lungkot,
Ngayon ko lang nakita si Dave ng ganito dahil lang sa isang babae. Ganon ba niya kamahal si Roxanne, pero ok na din wala na sila kasi ang sama naman pala ng ugali ni Roxanne.
"Seryoso ka ba sa kanya",,, tanong ni Ashley
"Oo seryoso ako kahit may iba ako nililigawan na babae siya lang yung gusto ko",,, sabi niya

BINABASA MO ANG
Ang Dyosang Nerd
Novela JuvenilIsang maladiyosa sa kagandahan si Eliza Mae Vergara kahit nerd siya. Mabait, matalino at Palakaibigan si Eliza. Kababata niya kaibigan si John Dave Arellano. Matalik na magkaibigan ang pamilya nila dalawa. Isang play boy si Dave pero kahit ganon mab...