Picture po ni Roxanne naman ang nasa taas ☝☝☝
Shiela_Almonte_____________________________________
Chapter 05
Eliza Pov.
Nasa garden ako ngayon, ginagamot ang sarili ko, nakakainis na Roxanne yun akala ko pa naman mabait yun pala hindi. Iniisip ko tuloy kung sasabihin ko kay Dave ang nalaman ko. Teka speaking of Dave nasan na ba yung lalaking yun.
"Eliza ano ginagawa mo dito??",,, Akto aalis na ako ng dumating to si Brix may hawak pa gitara
"Wala hinahanap ko lng si Dave",,, sabi ko, pero nakakunot ang noo niya
"Napano yan",,, sabi niya sabay turo sa labi ko
"Eh! Di kasi ako nag iingat hinawi ko kasi ung sanga kanina kaso bigla bumalik ung sanga ng puno kaya sa mukha ko tumama",,, sabi ko at inaayos ang salamin ko, sorry po God nagsinungaling ako
"Ganon ba sa susunod mag iingat ka patingin nga",,, sabi ni Brix at lumapit sa akin akma hahawakan ang labi ko pero iniwas ko na
"Malapit na magstart ang klase tara na",,, sabi ko at niyaya na siya pumunta sa room.
Kasunod ko lng naglalakad si Brix, wala na din masyado tao sa corridor kasi malapit na magstart ulit ang class. Nang makarating na kami sa room nakita ko si Ashley at Kyle nagtatalo na naman tapos si Dave naka head set lng at nakapikit.
"Bhest si Dave pala kanina pa nandito sa room san ka nanggaling hinanap kita kanina",,, sabi ni Ashley at umupo na ako sa upuan, buti hndi nahahalata ung sugat ko sa labi
"Sa parking lot dun ko hinahanap sila",,, sabi ko at nakayuko ako baka makita kasi nila ang pasa
"Kasama mo si Brix???",,, Tanong ni Kyle, ramdam ko gumalaw si Dave pero di ko pinansin
"Hndi nagkita lng kami sa garden tapos sabay na kami nagpunta sa room",,, sabi ko at binuksan ung libro ko para magbasa
Bigla naman hinigit ni Dave ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya napakunot naman ang noo niya at hinawakan ang labi ko.
"Aray Dave masakit",,, sabi ko at hinawakan ko ang labi ko
"Napano yan",,, sabi ni Dave pero sa tono ng pananalita niya mahinahon siya
"Bhest bakit nga may sugat ka sa labi",,, sabi ni Ashley at tiningnan ang labi ko
"Kasi ganito may sanga kasi ako hinawi kanina kaso bigla bumalik ung sanga ng puno kaya tumama sa mukha ko",,, sabi ko at hinawakan ko ang labi ko kumirot kasi gawa ni Dave
"Patingin nga, di ka kasi nag iingat",,, sabi ni Dave habang tinitingnan ang labi ko
Bumibilis ang tibok ng puso, bakit ganito hndi naman ako ganito kapag magkaharap kami ni Dave, naalala ko nga pala si Roxanne dapat ko ba sabihin sa kanya ung ugali niya.
"Ok class lets start the lesson",, nagulat kaming lahat kasi bigla pumasok ang teacher namin sa Math.
After ng tatlong oras natapos na ang klase, sabay sabay kami lumabas ng room. Nasa parking lot kami ngayon nakita ko si Roxanne naghihintay sa tapat ng kotse ni Dave.
"Hi babe hatid mo na ako??",,, Mahinhin ang pananalita niya akala mo naman anghel,
"Bakit di ka magpahatid kay Brix alam ko type mo siya",,, sabi ni Dave pero seryoso ung mukha niya
"Selos ka naman babe ikaw lang mahal ko",, sabi ni Roxanne at hinawakan ang kamay ni Dave at kinisss niya sa pisngi
"Kadiri naman",, bulong ni Ashley, ung mukha niya hndi maipinta
BINABASA MO ANG
Ang Dyosang Nerd
Teen FictionIsang maladiyosa sa kagandahan si Eliza Mae Vergara kahit nerd siya. Mabait, matalino at Palakaibigan si Eliza. Kababata niya kaibigan si John Dave Arellano. Matalik na magkaibigan ang pamilya nila dalawa. Isang play boy si Dave pero kahit ganon mab...