Chapter 08
Eliza Pov.
"ELIZA....",,,sigaw ni Dave na di kalayuan sa pwesto namin at bigla siya tumakbo at nilapitan si Roxanne
"Roxanne are you okay??",,, Sabi ni Dave at inaalalayan tumayo, sumunod sa kanya si Kyle at Brix
"Anong nangyayare dito??", ,,, Tanong ni Kyle at nilapitan si Ashley na namumula ang pisngi gawa ng sampal ni Melanie
"Yang si Eliza yang tinutulungan ko na nga sinampal pa ako",,, sabi ni Roxanne at mahinhin lang akala mo anghel nagpapaawa
"Sinungaling ka Roxanne ikaw tong nauna alam mo ba Dave ung sugat ko sa labi gawa ni Roxanne yun sinampal nila ako nina Melanie nang malakas kaya nagsugat",,, sabi ko at tiningnan ng masama si Roxanne
"Bakit ba kayo nag aaway ha!! Bakit hawak ka ng dalawang tong",, sabi ni Kyle at inilayo si Ashley sa dalawa
"Nakita ko kasi inaaway nina Melanie sina Eliza, tapos hawak nina Melanie si Ashley, lumapit ako para tulungan sila kasi pinsan ko naman si Melanie kakausapin ko na lang tapos si Eliza nagalit sa akin wag daw ako makisali isa daw ako hadlang sa pag ibig niyo Dave kasi may gusto pala sayo si Eliza",,, sabi ni Roxanne habang naiyak
Aish bwesit na babae to binaliktad pa napairap ako
"Wag ka maniwala diyan Dave hindi yun totoo sila tong tatlo pinagtutulungan kami ni Ashley",, sabi ko, pero ung mukha ni Dave seryoso nakatingin sa akin
"Totoo yun Dave maniwala ka kay Eliza",,, sabi ni Ashley
"Hahahaha Dave totoo ang sinabi ni Roxanne inaaway namin sila pero tong pinsan ko bwesit nakisali at sinasaway kami tapos bigla nagalit si Eliza",,, sabi ni Melanie at naka smirk pa
"Sinungaling ka",, sigaw ko
"Tama na Eliza akala ko kilala na kita, parati kita inalala gawa ng responsibilidad kita kasi hinabilin ka ni Tito Elmer sa akin kasi unica hija ka nila at kababata kita, iniwan ko kahapon si Roxanne sa park para puntahan ka sa school nagtxt si Tito nun na isabay kita yun pala nasa bahay ka na kaya pinauwe ko na si Roxanne kahapon at magtaxi pauwe, planado mo to nu!! Para maghiwalay kami ni Roxanne dahil lang may gusto ka sa akin",,, sabi ni Dave na galit na galit
Di ako makapaniwala na mas papanigan pa ni Dave si Roxanne ganoon ba niya kamahal si Roxanne para ung kaibigan niya simula pagkabata ay itataboy niya para lang sa isang babae. Ramdam ko tumulo ang luha ko sa sakit na sinabi niya
"Simula ngayon Eliza hindi na tayo magkaibigan tandaan mo to Eliza kahit kailan di kita magugustuhan, tara na Babe",,, sabi ni Dave at umalis na sila ni Roxanne, lalo ako napaiyak sa sinabi ni Dave
Tapos si Melanie at Jessa kumaripas ng takbo papalayo sa amin, ako naman nakayuko at umiiyak
"Hindi ako makapaniwala na mas kakampi siya kay Roxanne kaysa sa atin",,, sabi ni Ashley na halatang galit
"Ngayon lang kasi nagseryoso si Dave sa isang babae tapos napapabayaan niya gawa nang responsibilidad niya kay Eliza na bantayan kasi unica hija si Eliza",,, sabi ni Kyle
"Wala siya kwenta kaibigan",,, sigaw ni Ashley at nagwalk out sinundan naman siya ni Kyle. Napaupo na lng ako sa bench at nagiiyak
"Eliza ok ka lang ba??",,, Sabi ni Brix, tumabi siya sa akin at hinihimas ang likod ko
"Sa tingin mo ok ako, saka sorry pala kung nagwalk out kanina, ok lng naman sa akin ligawan ako, nainis lng ako kay Dave sa inasta niya",,, sabi ko at pilit na pinapatahan ang sarili ko
BINABASA MO ANG
Ang Dyosang Nerd
Ficțiune adolescențiIsang maladiyosa sa kagandahan si Eliza Mae Vergara kahit nerd siya. Mabait, matalino at Palakaibigan si Eliza. Kababata niya kaibigan si John Dave Arellano. Matalik na magkaibigan ang pamilya nila dalawa. Isang play boy si Dave pero kahit ganon mab...