"Huy Aly! Kanina ka pa tinatawag 'no! Lutang ka nanaman!" tawag sa 'kin ni Rosh. Ang pinakamadaldal sa'min.
Napapitlag na lamang ako, "h-huh? S-sorry ano ba 'yon?"tanong ko. Napairap naman siya sa'kin.
"Psh. Tawag ka ni mayor! Magwalis ka daw dun ng mga nagupit na papel! My god hindi ka na nakakatulong ha!" sigaw niya pa. Buti na lang walang tao dito sa kinaroroonan namin.
Nandon kasi sila sa dalawang representatives ng section namin. Halatadong support na support sila eh.
Napayuko na lang ako at dumiretso na sa broom box saka kumuha ng walis at dust pan.
Naglakad ako papunta kung saan maraming nagkalat na papel at isa-isa ko itong winalis. Dinakop ko na rin ito.
Sandali naman akong napatingin sa gawi ng mga kaklase ko kung saan inaayusan ang mga representatives namin.
Hindi ko mapigilang mainggit kay Hailey. Halos nasa kanya na rin kasi ang lahat. Well, she's not that kind but I don't think that it will still matters to everyone. As far as I know, they only base to your physical appearance and your money without knowing your personality.
Napatingin naman ako kay Troy. He's my long-timed crush. Pero nanatili lang itong sekreto. Palihim na pagtingin sabi nila. Nasa kanya na rin ang lahat. Gwapo, mayaman, sikat... gentleman.
Habang nakatingin ako sa kaniya, ewan ko kung anong meron dahil napatingin siya sa direksyon ko. Hindi lang 'yon ang nagpagulat sa'kin.
Ngumiti siya..
Nakangiti siya habang nakatingin sa'kin. Pero bakit? Imposible. Yes, that's pretty impossible. I'm just a nobody. Baka naman 'yung nasa likod ko lang 'yong nginingitian niya.
Nalungkot ako sa isiping 'yon. Lumingon ako sa likod ko kung sinong nginingitian niya. Pero...
WALA.
Pag lingaw ko ulit sa kanya, naglalakad na siya papunta sa direksiyon ko habang iiling-iling at nakangiti.
Nakatayo lang ako hanggang sa makapunta na siya sa harapan ko.
"Finally, nahuli rin kitang nakatingin sa'kin," sabi niya.Kinakabahan ko naman siyang sinagot "Ah e-eh k-kasi" hindi ko talaga alam sasabihin ko eh.
"Contest ko ngayon sa Intramurals, wala ka man lang bang good-luck kiss sa'kin?"
—————————————
- heiress_jess -
BINABASA MO ANG
ONE-SHOT STORIES COMPILATION
Teen FictionSabay-sabay nating subaybayan ang iba't-ibang kwento ng pag-ibig. Mapa-happy ending man ito o tragic. Magkakasama nating saksihan ang kapangyarihan ng mapaglarong tadhana sa magkaibang paraan, pagkakataon at tao.