"Goo!! Bench!!!!! Go, go, go Bench!" buong lakas kong pagchi-cheer sa crush ko dito sa campus namin.Syempre naman ah. Kailangan talaga ng support mula sa'kin. But, hindi niya 'ko kilala. Wala tayong magagawa jan, atleast, all I can do is to give him inspiration. Lol.
Agad ko namang naagaw ang atensyon niya pati kasama niyang naglalaro.
Oh no... This can't be..
Panong hindi ako maaalerto eh diretsa siyang tumingin sa mata ko. At sabay sigaw nang,
"THIS IS FOR YOU BABE!"
What the hell is happening on Earth? Tangina. Hindi ako makapaniwala na tinawag niya 'kong babe!
Ewan ko na lang kung anong sumapi sa 'kin at ...
"WAAAHHHH!!!! GO BENCH!!!!!! I LOVE YOU!" wala sa sariling sigaw ko.
Kinindatan niya naman ako.
"Watch and Learn!" sabi niya at shinoot ang bola. And Boom!
Nashoot! Patuloy ang hiyawan ng mga estudyante habang ako'y natulala. Pinagmamasdan si Bench na naglalakad papunta sa'kin.
Kaso,
Nilagpasan niya lang ako.
Pagtingin ko sa likod niya ay yakap-yakap niya na si Frazel. Ang girlfriend niya.
Oo. He has a girlfriend. Tanga na kung tanga. Pero umasa ako. Tangina lang talaga.
Meron nga palang nagmamay-ari na ng puso niya at si Frazel 'yon. Si Frazel at hindi ako.
Hindi ako...
Mapait na lang akong napangiti. Sinong bang nagsabing kilala niya ako?
Tss. Ilusyonada! Sabi ko sa sarili ko..
--------------------------------------
- heiress_jess -
BINABASA MO ANG
ONE-SHOT STORIES COMPILATION
Fiksi RemajaSabay-sabay nating subaybayan ang iba't-ibang kwento ng pag-ibig. Mapa-happy ending man ito o tragic. Magkakasama nating saksihan ang kapangyarihan ng mapaglarong tadhana sa magkaibang paraan, pagkakataon at tao.