"Your quiz is 1-45. Basahing mabuti ang directions, okay? And! ERASURES MEANS WRONG" sabi ng teacher namin.
Ang dami namang nagreklamo ng sinabing 'erasures means wrong' .
"Ma'am! Hindi ba pwedeng may bura?! Masama bang gusto lang naming burahin ang masasamang alaala na naidulot ng maling tao sa'min?!!" sigaw ko naman.
Napa- 'aww' na lang at mga kaklase ko. Bentang-benta talaga sa kanila ang mga ganyang klase ng hugot.
"Hay nako! Ayan ka nanaman Beatriz sa mga hugot mo. Sumunod na lang kayo sa instructions okay? And don't cheat!" sabi naman ni ma'am sa'kin.
"Cheat ma'am? Kahit kailan hindi ko naisip mag-cheat! Pero bakit hindi pa rin siya nag-stay sa tabi ko!" sabi ko ulit. Kinareer ko na ites. Keribels na rin kasi wala naman akong love life.
"Hays! Ano nanaman ba 'yang kalolohan na 'yan Beatriz?!" sigaw sa 'kin ni ma'am. Halatang naiinis na siya. "Okay, class! Just don't mind her"
"Okay lang. Sanay naman akong mabaliwala" pahabol ko. Tinignan naman ako mg masama ni ma'am.
"Bakit kailangan mo pang magbura ng mga alaala? Kung handa ko namang bigyan ka ng bagong magagandang alaala. Kung ikaw naman ang nag-cheat, don't worry andito lang ako lagi sa tabi mo para sa'yo at handang mahalin ka. At higit sa lahat, 'pag nasa akin ka hinding-hindi ka mababaliwala." seryosong sabat naman ni Darwin. Siya 'yung pinakagwapo at matalino sa class namin. Masungit nga lang.
"Beatriz oh! Ayiiieee!!"
"Kinikilig na 'yan!"
"Syempre! Mukhang magkakalovelife na si hugot girl!"
Inirapan ko na lang silang lahat. Itong si Darwin naman seryosong nakatingin sa'kin.
"Ano na Beatriz? Will you let me make unforgettable memories with you?"
————————————————
- heiress_jess -
BINABASA MO ANG
ONE-SHOT STORIES COMPILATION
Teen FictionSabay-sabay nating subaybayan ang iba't-ibang kwento ng pag-ibig. Mapa-happy ending man ito o tragic. Magkakasama nating saksihan ang kapangyarihan ng mapaglarong tadhana sa magkaibang paraan, pagkakataon at tao.