"Kathrice.." ibinaba ko ang hawak kong frame at tinignan si Mommy."Come in, Mom.." agad naman siyang pumasok sa kwarto at naupo sa kama ko.
Tinabihan ko siya,"What brings you here mom?"
"We have a big problem, sweetie.." seryosong sagot saad ni mommy.
Agad akong ginapangan ng kaba. "A-ano po yun?"
She heavily sighed."Bukas na ang kasal ng kakambal mo kay Jace. B-but we can't find your twin, Kathrice.." naiiyak na sabi ni mommy.
So kagagawan na naman ito ng kakambal ko. Kathrine.. Hanggang kailan ka ba magiging ganto? Lagi na lang ako ang nagtatakip sa mga butas na ginagawa mo..
Napapagod na 'ko.
I faintly smiled. "What can I do now, mom?"
"I'm sorry, sweetie. K-kung masyado ata tong hihilingin namin sa'yo.. b-but.. it will be a shame to our family 'pag di natuloy ang kasal.."
Nag-iwas ako ng tingin. Of course, ako na naman ang maglalayo ng aming pamilya mula sa kahihiyan.
"O-okay mom.. If that's what I need to do.. I will. Let me guess, you want me to be the substitute bride. Am I right?" I let out a forced smile.
Niyakap ako ni mommy. "Sshh.. Sweetie. Kung ayaw mo.. then.. we'll not going to force you with this.." naluluhang sabi ni mommy.
"No mom. Kung ito ang purpose kung bakit naging kakambal ko si Kathrine. Then fine. I will.." mom just smiled and hugged me.
——————————
Wedding day. Kinakabahan ako pero go. Andito na ko. Masakit man ang mga pinagdaraanan ko pero wala akong magagawa.
I remembered. Since back then akin naman talaga si Jace. Yes. Kathrine's supposed to be groom. Ako ang kasama ni Jace.. nung mga panahong.. wala syang mapagsabihan. Ako ang kasama niya sa lahat ng bagay. Sa lahat ng oras. Ang sinabi kong pangalan ko ay Kath. Na-inloved kami sa isa't-isa at naging kami.
Masaya? Oo. Sobra.
Not until nakilala ni Kathrine si Jace. But still, Jace didn't know that I have a twin. Nagtapat sakin si Kathrine na gusto nya ang boyfriend ko. Of course, it does hurts. For fucking sake Jace's my boyfriend! I need to choose. My twin or my beloved boyfriend?
Mahirap. Ofc. I decided to take the risk. Pinaubaya ko sya sa kakambal ko. Without him knowing na yung nakakasama nya ngayon ay hindi na ako..
Kundi ang kakambal ko na.
Anong magagawa ko? Suicidal si Kathrine. And I'm afraid to lose her once na di ako nagpaubaya.
"Ma'am Kath, hinihintay na po kayo sa simbahan.."
This is it. You can do this Kathrice.
Nakarating kami nang matiwasay sa simbahan. Nakasara na ito. Anumang oras ay handa nang buksan para sa pagpasok ko.
Naagaw ang atensyon ko dumating na puting sasakyan din. Nabigla ang lahat nang bumaba roon ang babaeng replika ko. Mula sa mukha hanggang sa suot.
"Kathrine.."
"D-dalawa ang bride?" gulat na tanong ng event organizer. Kami na lamang ang nandito. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko.
"I'm the legitimate bride." Kathrine said.
Napalingon naman sa akin ang even organizer. Nagtatanong.
"Y-yes.. Tutal hindi naman na kailangan ng substitute bride.. I'm gonna take my exit now.." pilit ns ngiti ang iginawad ko sa kanila. Pumihit naman ako paharap kay Kathrine.
"Best wishes, my sister.."
For the last time, I am the almost bride..
BINABASA MO ANG
ONE-SHOT STORIES COMPILATION
Teen FictionSabay-sabay nating subaybayan ang iba't-ibang kwento ng pag-ibig. Mapa-happy ending man ito o tragic. Magkakasama nating saksihan ang kapangyarihan ng mapaglarong tadhana sa magkaibang paraan, pagkakataon at tao.