5 : All souls' Day

182 6 0
                                    


"Oh anong balak mo?"tanong sakin ng kaibigan kong si Jing.  Tipid ko naman siyang nginitian.

" Ano pa ba eh di sasamahan ulit ang buong pamilya ko". Sagot ko sa kanya habang nag-iimpake.

"Are you sure? Taon-taon mo na yang ginagawa. Siguro it's time na para tanggapin mo na. You can stay with us Elise"

"Salamat na lang Jing" I refuse.

------------------------------------------------------

"Ma,Pa,bunso. Miss na miss ko na kayo. It's been 10 years. 10 years na ang nakalipas magmula nung na-massacre tayo at ako lang ang natira. Ewan ko ba kung anong purpose bat tinira pa ko eh. Ako na lang mag-isa. Oo , alam ko anjan si Jing p-pero--" I paused. Hindi ko na mapigilang umiyak.

"--I'm sorry po Ma, Pa, bunso. Ilang beses na kong dumdalaw dito pero lagi pa rin akong umiiyak. Bat ba kasi nakaligtas pa ko sa saksak ng mga mamamatay tao na yon? B-bakit kailangan ako pa?"

Pinunasan ko ang luha ko. Inabot ko ang bag kong kanina pa basang-basa dahil na rin sa lakas ng ulan. Kinuha ko dito ang kutsilyong dala ko. At dahan-dahan kong itinarak sa pulsuhan ko.

Noon ng bata pa ako takot ako sa kamatayan. Pero sa pagkakataong ito, ako na mismo ang lalapit sa kanya.

Nakaramdam ako ng hapdi at pumusitsit ang dugo mula sa pulso ko ngunit di nagtagal ay nawalan na ko ng buhay.

- 👑

(Note: Kung may kinakaharap ka mang problema sa buhay, tuloy lang sa buhay. Wag mong sayangin ang pagkakataong ibinigay sayo na mabuhay. Tandaan, mayroong mga taong dumadanas at nagsa-suffer sa malalalang sakit na gusto pang mabuhay ngunit ikaw heto buhay na buhay at hinihiling na kunin na ng kamatayan. Nawa'y isipin niyo ang magiging kahihinatnan.)

Para sa may pinagdadaanan, cheer up! Always remember, God is with you.

ONE-SHOT STORIES COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon