Julian & Stephanie
"Hahaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyy"
Hindi napigilan ni Pearlscent ang mapahikab ulit habang kinukuha nya ang kanyang gamit sa locker nya. Kasalanan kasi iyon nung lalaking katabi nya na pinagkakasya nya sa pangalang Mr. Amats, kasi siguro nasobrahan sa toma sa utak at sya ang napagdiskitahan kahapon, at hindi sya pinatulog buong gabi. Buong gabi lamang nya inisip kung ano ba talaga ang problema nun at kung bakit sya pinagbantaan nito na ipapakulong eh, wala naman syang ginawang masama rito. Nanghiram pa sya ng cellphone sa kanyang tiyahin para makausap through group chat via free data ng globe- ang kanyang kagropo at inilarawan sa kanila si Mr. Amats na kung may nakaaway ba sila na ganung lalaki, pero iisa lang ang sagot ng mga ito.
'Ang gwapo naman nyan, para maging kaaway natin.'
-_____-
Kaya wala sya sa kanyang sarili ng pumasok kaninang umaga dahil madaling araw na syang nakatulog. Bangag na bangag talaga sya.Mabuti na lang talaga at hindi sya nahuli sa unang klase nila. Kakausapin sana nya ang taong yun kahapon para sabihin na hindi sya yung taong tinutukoy nito, pero hindi na ito bumalik simula nung nag-excuse ito sa first class nila hanggang sa matapos na nga ang araw na yun. Kaya nag-aabang talaga sya rito sa pang-umagang klase nila para pagsabihan ito pero hindi rin ito pumasok. Nanlulumong isinarado nya ang kanyang locker at napabuntong-hininga. May isa pa palang nakapadagdag sa kanyang kahunghangan ngayon araw na ito. Yun ay wala syang mahanap na kaibigan sa room kasi lahat sila ay may kanya-kanya ng kagropo.
Hindi naman nya maiwasang maikumpara ang mundo nya ngayon sa mundo nya noon. Mabuti pa noon, kahit public school lang iyon, hindi masyadong inaalagaan ng mga teachers, maraming gulo at away, masasabi talaga nyang, may kaibigan syang maituturing. Hindi nya lubusang maisip na ang dating lider-lideran ng lahat at ang Ms. Congeniality ng bayan, ay nag-iisa na ngayon.
'Ang hirap magbagong buhay, teh!'
Humakbang na sya patungo sa rooftop. Nakita nya sa map kahapon na may mga rooftop pala sa bawat building na ginagamit bilang taniman lang ng mga halaman at bulaklak. So, ibig sabihin, wala talagang mga taong pumupunta dun. Malaya syang makipagchikahan sa sarili at makakain ng walang makakita sa kanya. Paakyat na sana sya ng mahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na bulto ng lalaking kakaalis lang sa may kaliwang banda nya.
'tengene. nandito si Mr. Hudyo.'
Para naman syang nabuhayan ng loob at nagmamadaling sinundan ang ito. Kailangang malinis na nya ang kanyang pangalan rito. Dahil hindi pa nya alam ang pasikot-sikot ng building na yun ay malapit pa syang mawala sa kakasunod rito, hanggang lumiko ang lalaki sa likod ng building. Dali-dali nyang tinungo ang daan na yun pero napatigil na lang sya bigla ng may narinig syang ibang boses.
"Please Dwayne! Accept this please. I made this for you."
Napakunot naman ang noo ni Pearlscent at saka palihim na sinilip ang pangyayari sa labas. Nakita nya ang isang magandang babae habang nakayuko na may nilahad na isang chocolate cake sa harapan ng lalaki. Wala sa sariling napahimas sya sa kanyang tiyan.
'shit. ang swerte naman ng lalaking ito at binigyan pa sya ng cake.
"Sorry. I don't want to accept that and your feelings as well." saad ng lalaki at agad na umalis. Nakita nyang parang wala sa sarili napaupo ang babae. Napailing na lang sya. Naawa sya sa cake na hawak nito. Maraming buhay ng mga itlog ang ibinuwis para mabuo lang ang cake na yun pero ganun lang ang mangyayari.
'tsk.tsk.tsk.
Lalong napabagsak ang balikat nya sa kanyang nakita. Hindi pa nya nahabol ang lalaki, naka-witness pa sya ng torture sa cake. Nanlulumong tinahak nya ang daan pabalik at umakyat na sa rooftop.