RENZ &ACE
" Hello Pearl! Did you bring some puto-boomboom with you?'Nabaling ang kanyang atensyon mula sa librong binabasa nya sa tatlong babaeng nasa harapan nya. Wala kasi ang mga teachers dahil nagmemeeting ang mga ito kaya chill lang sila ng umagang iyon. Nag-aantay lamang sila ng breaktime nila na ilang minuto nalamang nalalabi.
Sina LuzViMin pala.
Nagpasya syang tawaging LuzViMin ang tatlong ito, dahil bukod sa parating magkasama sila, ay halos pare-parehas na rin ang tono ng pananalita nito, galaw at pati pananamit. Ang tanging pinagkakaiba lang ng mga ito ay ang noticeable na nunal nila. Si Luzon ay nasa bandang noo, si Visayas, ay nasa gilid ng kaliwang mata at si Mindanao ay nasa gilid ng upper lip.
"Sorry, hindi ako nakagawa kagabi eh. Pero pangako bukas, magdadala ako.""Awwweee.. Youre so sweet naman Pearl! Thank you soo much!" sabay na saad ng mga ito na animo'y nasa declamation. Napangiti naman sya kahit na umalis ang gropo. Ito na pala ang naging resulta nung get-together nila last month, at naging parte na nga sya ng tuluyan sa mundo nila na hindi nya lubos maisip. Lahat binabati na sya na hanggang ngayon, na-o-overwhelm parin sya sa pangyayari
Parang gusto nya ulit maihi sa kilig.
"Stupid."
Narinig nyang anas ng katabi nya pero hindi nito masisira ang kanyang araw. Masyado na itong maganda para dungisin lamang ng isang mokong na katulad nito. Nakakapagtaka at andito pa ito sa upuan nito, prenteng nakasandal habang nagbabasa ng manga na naka-focal eutopia headset pa.
Kapag kasi gantong pagkakataon na wala ang teachers nila ay malamang sa malamang wala na ito sa kinauupuan nito, gaya ng ginawa ng iba nilang kaklase, pwera nalang kina Miracle at pati na rin ang kasama nitong SSC dahil may meeting din ito ngayon, si Miracle na may urgent meeting din sa club nila at pati narin ata si Julian. Halos di lumampas ng sampu ang bilang nilang nandun.
'Tsk. Paiba-iba ang trip ni koya mokong'
"Magandang umaga saiyo, Ginoong Mokong. May nahanap ka na bang matibay ebidensya laban sa akin upang ako ay mapatalsik sa aking trono?" pang iinis nya rito.
Napatitig ito sa kanya at nagtaka na kumbakit hindi man lang ito nainis sa pang-aasar nya. Datapwa't hindi nya din mawari kung anong naglalaro sa isipan nito dahil sa sobrang blanko ng ekspresyon ng mukha nito. Kung sabagay, simula nung gabing inamin nya rito ang kanyang sakit, ay nagbago na ang pakikitungo nito, though naasar pa rin sya sa pagtrato nito sa kanya ay hindi na ito katulad ng dati na puno ng galit sa tuwing magkakaharap sila. Nakipagpaligsahan parin ito sa pakikipagtitigan sa kanya at sya ulit ang unang umiwas. Nandito na naman ang weird na pakiramdam na sa tuwing tinitigan nya ito ng matagal ay parang nagiging pamilyar sa kanya ang mga mata nito. Na para bang.. ewan.
Weird.
"Baliw."
Narinig nyang saad nito pero binelatan nya lang ito para mawala ang werdong nararamdaman nya.
"You've been smiling like an idiot since you came here, stupid. You look like a clown.""Pakialam mo at saka try mo ding ngumiti paminsan-minsan para naman gumanda ang mood mo at ng hindi ako ang iyong mapagdiskitahan at bwesitin." Saka nginitian nya ito ng peke."I can do whatever I want to, Stupid." saad nito at saka gumanti rin ito ng peke sa kanya. Bago pa sya makipagtarayan rito ay tumunog na ang school bell, hudyat na para sa breaktime nila.Nagtungo agad sya sa school canteen dahil malamang naghihintay na doon sila Samantha gaya ng nakagawian. Kumaway agad ito ng makita sya at tinungo ang mesa nga pinaguukupahan ng mga ito pero bago pa sya nakaupo ay awtomatikong nahagip ng kanyang mga mata ang bultong nagpapatibok ng kanyang puso.