New Friend In Disguise
5:20 PM
10 minutes na lang at mag ta-time na. Laking pasalamat talaga nila dahil wala silang panggabihang klase tuwing Friday, kaya 5:30 palang ay makakauwi na sila. Nakikinita na ni Pearlscent ang mga ngiti sa mga labi ng mga kaklase niya habang hinihintay nalang nila na tumunog ang school bell nila para enjoy-in ang nag-aantay nilang weekend. Hindi naman mapakali si Pearlscent sa kinauupuan nya at kahit kanina pa nya gustong ma-excite sa hang-out niya bukas ay hindi pa muna nya magawa. May gagawin kasi sya mamaya na hindi nya mai-imagine na gagawin nya sa tanang buhay nya.
Napalunok naman sya habang napalingon ulit kay mokong at parang naramdaman 'ata nito na tumingin ulit sya rito kaya lumingon ito. Kahit labag sa kanyang damdamin, binigyan nya ulit ito ng malaking pekeng ngiti na sinamahan pa nya ng paglaki ng kanya ilong na para bang sinasaad niya rito na nandidiri talaga sya sa kanyang ginagawa at bahagyang nagulat naman ulit ito sa kanya at muling umismid ito at hindi na sya pinansin. Hindi na sya magtataka kung ano na ang iniisip nito na kung bakit ang bait-bait nya ngayong araw na ito sa kanya. Pinigilan talaga nya ang kanyang sarili na bulyawan ito, angilan, ismiran, taasan ng kilay o kahit belatan man nya, na alam nya sa kanyang sarili na kating-kati na nyang gawin nya iyon rito.
'Kung wala sana akong favor sa kanya mamaya..'
~~~TIIIINNNGGG!
Napatigil sya sa kanyang iniisip at napatingin sa kanyang mga kaklase na excited na lumabas.
"..alright class! Please do always remember our itineraries for the upcoming school festival okay? Goodbye for now and enjoy your weekend class!" Narinig nyang saad ng guro bago ito lumabas.
Naramdaman nya ang pagtayo at marahang paggalaw ng mga kaklase niya. Sya naman ay walang tigil sa kakadalangin habang hindi alintana ang namumuong pawis sa kanyang noo.
"OI TENCS!"
"anakkangbakangayawmanaganak.. ay ano ba, Miracle. Nakakagulat ka." Gulat na saad niya rito na nakatayo na pala ang mga ito sa kanyang kiliran na hindi man lang nya namamalayan.
"Halleer. We did called you kaya, a lot of times but it seems like you're..eerr praying?...or just in a deep thought perhaps. What's wrong ba? You are being like that kaya since kanina pa." saad naman ni Sam na umupo sa tabi niya.
Napangiti naman sya sa mga ito. Pagkatapos kasi nung P.E period nila nung isang araw ay nakahanap kaagad sya ng mga bagong kaibigan sa katauhan ng mga nito. Palagi na silang magkausap at magkasama simula nun. Nagulat nga sya sa mga kwento ng buhay nila. Si Samantha Miller, ay anak pala ng isang kilalang fashion designer. Ito ang nagmamay-ari ng Miller's Creation Clothing line at kinaiilagang fashion icon sa loob at labas ng bansa. Lumaking sunod-sunoran sa mga magulang na hindi man lang tinatanong kung anong gusto ng anak. Mula sa pananamit nito, galaw at pakikitungo nito sa mga tao, pananalita at kahit sa mga gusto nito sa buhay ay nakatuon lagi sa mga magulang nito.
'Nagpalaki 'ata ng barbie doll ang parents nito. Hindi anak!