#1

32 6 0
                                    


Pearlscent


6:55 Am


Tagaktak na sa pawis si Pearlscent Dimagiba nang takbuhin nya ang napakalayong building mula sa school gate. Hindi nya kayang ma-late sa kanyang first day of class bilang transferree sa
Trenton Inter-High University.  5 minutes na lang ang natitira at kahit gaano kalawak at kalayo ang itatakbo nya at kataas ang building ang aakyatin nya kasi nasa 3rd floor pa ang room nya, ay alam nyang makakaya pa rinnyang tunguhin ang classroom nya.


Kasalanan kasi ng tiyahin at tiyuhin nya na kung bakit nahuli sya ng gising. Napuyat sya kagabi dahil nagpaparty ang mga ito dahil lilipat na daw sya sa isa sa mga pinaka-elite, sosyal,
prestihiyoso at top-graded na school sa bansa. Nag-asawa kasi ng mayayamang Canadian ang dalawa nitong anak at dahil dun naging instant asensado na sila, kasabay nun ay pinalipat sya
agad ng Senior High sa Trenton Inter-High University. Para tuloy nagkaroon ng napakaagang fiesta ang barangay nila at ipinambalita pa yun ng kanyang tiyahin, pinag-novena pa sya
at nagkaroon pa ng disco sa tapat ng bahay nila. Masaya lang daw sila dahil nakapasa daw sya dun at baka malamang may mahanap daw syang mayamang boyfriend dun.


'Wow. hanep fre.


Sa parte nya, labag man sa kalooban nya na lisanin ang public school na nakasanayan na nya, ay wala na syang magagawa. Ayaw na nyang bigyan ng sakit sa ulo ang tumatayong magulang nya. Kahit araw-araw syang ni-rereport sa school dahil sa mga gulo na pinapasukan nya, ay kailanman hindi sya pinagbuhatan ng kamay ng mga ito. At yun ang ikinahihiya nya. Kaya pinangako nya sa kanyang sarili, na sa bagong paaralan na papasukin nya ay kasabay nun ang pagbabago nya sa kanyang sarili. Napahingal agad siya habang napakapit sa pader ng makarating sa building. Tumingin agad sya sa relo at napangiti.


4 minutes pa.

Tumayo sya at nagmamadaling tinahak ang katabing hagdanan nang bigla syang napaatras at napabalik sa unang palapag nang makita nya ang gropo ng mga estudyanteng nagsibabaan.


'Anak ng.. Ano to lokohan? Hindi marunong bumasa na upstairs
ang hagdanan na to?


Napabuntong-hininga na lang sya para kontrolin ang halimaw na nagsisimulang maghari sa kanyang katinuan. Kailangang sanayin na nya ang kanyang sarili na kontrolin ang emosyon nya dahil ang sitwasyon ngayon, ay hindi na katulad ng dati.


3 minutes...


2 minutes...

'Aba't....


Hindi na mabilang ni Pearlscent kung nakakailang buntong-hininga na sya sa loob lamang ng dalawang minuto para pigilan lang nya ang kanyang sarili na hindi maaway ang mga ito.
Nakita nyang parang sinasadya pa ng mga ito na bagalan ang paggalaw nila at huminto pa sa may hagdanan para tumawa at ituloy ang kwentuhan. Alam naman nyang hindi sya pwedeng
sumuong at sumingit sa mga ito.


1 minute...


Narinig nya ang pagtunog ng pangalawang school bell, hudyat na magsisimula na sa lesson ang mga profs. Napapikit na lang sya ng hindi na nya mapigilan ang namumuong galit. Napadilat
sya at napatiimbagang. Wala na talaga, mukhang mauunsyami ang plano nyang pagbabago dahil lang sa mga ito. Akmang sisigawan na sana nya ang mga ito ng biglang may pumanhik,
na ikinatingin ng mga ito.

I Was ThereWhere stories live. Discover now