The Duel
"The number you have dialled is either unattended or--""Hindi ikaw ang gusto kong makausap. Si Stephanie okay?" saad nya at saka ini-end ang call. Hindi na nya mabilang kung ilang beses na nyang tinawagan si Stephanie simula pa kaninang alas dose. Nagri-ring pa ang cellphone nito kanina pero kani-kanina lang ang babaeng robot na ang sumasagot sa kanyang tawag.
Kinagat nya ang pang-ibabang labi para pigilin ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Kanina pa nya gustong maiyak sa pangyayari pero pinigilan lang nya dahil hindi nya gustong maging katawa-tawa. Hindi naman kasi sya bobo o manhid, alam naman nya na inindyan na sya ng mga kasamahan nito at lalong lalo na si Stephanie nang hindi ito sumipot kaninang 1:30 pero nagpakatanga parin sya para mag-antay pa hanggang alas 4 at nagbabakasakaling baka sumipot pa rin ang mga ito. Kahit isa man lang sa mga ito.
Pero wala.
Kanina pa tapos ang Attack on Titans pero nawalan 'ata sya ng gana para manood sa movie na yun at mukhang kakasuklaman na nya ang ito iyon. Hindi nya akalain na sya lang pala ang excited sa get-together na yun and to think, nagpa-bake pa sya ng puto sa kanyang tiyahin para sa mga ito at pumunta pa sa lugar, isang oras bago ang exact time na usapan nila.
Ganun sya ka-excited. Pero malas talaga sya, hindi ganun ang nararamdaman ng mga ito.Kinakagat-kagat uli nya ang kanyang labi at pinahid ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Napangiti sya ng mapait ng may nakita syang group of friends na nagsisitawanan sa kiliran nya at ganun din sa may bandang harapan nya, sa may isa pang kiliran nya at sa kaliwa at kanang banda nya.
'Mapang-asar talaga ang tadhana diba? Eh di ako ng mag-isa! Ako na ang inindyan! Ako na ang walang gustong makipagkaibigan!'
Napatayo sya at lumakad palayo sa lugar na yun. Hindi na nya alintana ang mga tao na paroo't parito dahil busy sya sa kakaisip na kung bakit hindi sumipot ang mga ito sa usapan.
"Ay miss! Ano ba yan. Mag-ingat ka naman!" narinig nyang angil sa kanya ng isang matandang babae ng nakabangga nya ito. Humingi naman sya ng tawad rito at inismiran lang sya. Magpapatuloy na sana sya ng lakad ng bumalik ang huwisyo nya sa kasalukuyan at manlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita.
Hindi nya namalayan na napapunta na pala sya sa napakaraming tao na kung saan may pa event ang sikat na mga vloggers sa mall, kaya padagdag ng padagdag ang mga taong nakapalibot sa kanya. Biglang nanlamig ang buo nyang katawan at naramdaman nya ang bawat butil ng pawis na tumulo sa noo at sa kanyang likod. Hindi na nya maintindihan ang pangyayari at kahit ang mga lenggwahe nila at ramdam nya ang pagtigas ng kanyang katawan.
'Lord. Wag ngayon, please.'
Bago pa sya nakapag speed dial sa kanyang tiyahin ay hindi na nya tuluyan naramdaman ang sarili nyang katawan at wala na syang ulirat sa pangyayari. Ang alam lang nya ay humihinga pa rin sya kaya nanalangin siya ng taimtim. Ramdam na nya ang unti-unting pagwala ng ulirat at ang unti-unting pagbagal ng kanyang hininga.
Pumikit na lang sya at hinayaan na kunin na sya ng langit
"Miss, okay ka lang ba? Namumutla ka ah?" narinig nyang saad ng lalaking katabi nya pero hindi na nya makuhang imulat ang kanyang mga mata."Hala Miss! Okay ka lang? Miss, miss! Tulong--""She's with me. I'll take care of her now."