Crystal
Nagmamadaling tinungo ni Pearlscent ang locker nya ng makapasok agad sya sa loob ng paaralan. Hindi na nya alintana na wala pang katao-tao sa paaralan na iyon.
'bwesit talaga.
Hindi nya mapigilan ang sarili na murahin si Mr. Amats dahil hindi sya nakapag-assignment kagabi dahil naiwan nga nya ang gamit nya sa paaralan. Sa lahat pa naman ng subjects, Math ang pinaka-ayaw nya. Kakailanganin talaga ang isang gabing aralan para sagutan lamang ang bawat tanong na iyon. Hindi naman kasi pwedeng hindi nya sagutan ang assignment nya, kasi bukod sa mapapagalitan sya sa napaka-istriktang Math teacher nila at mapapalayas lang, mas natatakot sya sa posibilidad na mapapahiya sa kanyang mga kaklase, lalo na kay Julian.
'Pakshit kasing gagong iyon.
Kaya kinakailangan nyang pumasok ng maaga para gawin ang assignment nya. Diretso agad ang lakad nya sa kanyang room ng makuha na nya ang kanyang mga gamit at agad na sinagutan ang assignment. Pero iilang minuto na ang nakalipas ay nanatiling parang tuod lang sya sa kinauupuan nya dahil hindi nya masagot ang mga katanungang yun sa sobrang hirap.
'bwesit talaga ang lalaking iyon.
Muling mura nya sa lalaki. Napasubsob na lang sya sa kanyang desk ng kumbinsihin nya ang kanyang sarili na magpahinga muna. Hindi nya namalayan na napabalik ang kanyang diwa sa nangyari kahapon.
//FLASHBACK//
Matapos magpaalam at nagpasalamat ng maayos sa hepe dahil sa pangyayari ay lumabas agad sya at nagmamadaling sinundan ang lalaking kababago lang umalis, matapos mangako sa hepe na babalik ito para sa mga ebidensyang laban sa kanya. Naikuyom nya ang kanyang mga kamay ng makita itong prenteng naglalakad patungo sa sasakyan nito. Dali-dali nyang sinundan ito at sinabayan ang lakad nito na syang ikinatigil nito.
"WHAT?" asik nito sa kanya.
"Aba't! At ikaw pa ang may ganang magwhat-what sa akin, matapos ang pangyayari? Grabe. Hindi ka man lang ba magso-sorry?" Hindi makapaniwalang saad nya rito. Nakita nyang napaismid ito at napatiim-bagang. Muli, hindi naman nya maipaliwanag ang matinding galit nito sa mga mata nito habang nandidiring nakakatitig sa kanya.
"Why should I? I know, that you did something that's why my complaint didn't go through. Do I have to praise you for playing dirty?" saad nito na nakangisi at saka tumalikod ito sa kanya at muling naglakad pero hinarangan nya ito
"Aba't- aba't... hoy! hindi ka pa rin ba tapos sa bagay na yan. Grabe. Napatunayan na nga na mali ang akusasyon mo tapos ngayon sasabihin mo na may ginawa akong kabulastugan sa pangyayari. Aba't, suntukin mo nga ang sarili mo at ng matauhan ka! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako yung tinutukoy mo at wala akong alam sa pinagsasabi mo!!!" Hindi mapigilan bulyaw ni Pearlscent rito. Napatiim-bagang naman sya ng hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. Ibig sabihin, hindi rin nagbago ang desisyong tumatakbo sa isipan nito.
"Believe it or not, I really did think of believing in you, but the fact that you just did pretend to me like you did right now a year ago, weighs more, than believing in you..again." malamig na saad nito sa kanya at agad na iniwan syang nakatigalgal at lumakad ulit.
"Ah.. kaya pala."saad nya.
Nakita nyang huminto ito pero hindi ito lumingon sa kanya. Napangisi naman sya ng maintindihan na nya ang pangyayari.