#5

11 6 0
                                    

New friends


Excited na tinungo ni Pearlscent ang restroom nila at nagbihis agad ng P.E uniform para sa araw na yun. Ito kasi ang pinakapaborito nyang subject sa lahat. Kahit mahina sya sa mga academic subjects, pero pagdating sa mga sports, paniguradong sya ang magtatagumpay nun. 

Ang Datu-Puti National High School lang naman ang nag-overall champion sa inter-school competition national for the last two years dahil yun sa pamumuno nya. Dahil salat nga sila sa pera, donasyon at mga guro, sya na lang ang naatasan ng principal na mamuno dahil alam nitong ilag sa kanya ang mga estudyante at mapapasunod nito sila sa lahat ng gusto niya. Hindi naman nagkamali ang principal sa desisyon nya pagka't dahil dun, nanalo nga sila.

 Pasalamat na rin sa kooperasyon ng mga estudyante na sa kalauna'y naging kaibigan nya. Dahil dun, unti-unting gumanda ang pangalan ng school at marami-rami na ring mga estudyanteng nagsisiaral dun. 

'Sayang. Wala na sya dun.

Napasigaw na lang sya ng bigla ng mawalan sya ng balanse at napatumba ng tuluyan sa sahig. 

"Ouchie" saad nya habang hinihimas ang kanyang puwet. Hindi nya namalayan na may caution pala sa naturang sahig na yun na basa ang sahig. Narinig pa nya ang munting tawa sa mga estudyanteng nakakita.

'tse!Ingudngod ko kayo rito eh.

  Papatayo na sana sya ng makita nyang may isang napakagandang babaeng nasa harapan nya at dali-dali syang itinayo.

"Are you alright?" alalang saad nito habang pinapatayo sya. Waring nahihipnotismo naman sya sa kagandahan nito at kinusot-kusot pa nya ang kanyang mga mata para tiyakin kung nanaginip ba sya o hindi, baka mamaya'y nagmamalik-mata lang sya na may anghel sa harapan nya, at tinulungan sya sa pagkakadulas pero napapitlag sya ng matantong totoo pa talaga ito.

"Okay lang ako, Miss. Salamat." saad nya rito. Ngumiti ito sa kanya, sapat para makita nya ang biloy nito at ang perpekto nitong ngipin.

'Napakaganda talaga nya. Sya ata ang pinakamagandang babae nakita ko sa buong buhay ko.

Maamo ang maliit nitong mukha, makipot ang mga labi nito, matangos ang ilong nito, bilugan ang mga mata nito na parang manika at matataas ang mga pilik-mata nito. Makinis at maputi ang balat nito na pinalutang pa sa perpekto nitong balingkinitan na katawan. Hanggang beywang ang straight, mabango at malambot nitong maitim na buhok. Malambing ang boses nito, hindi tulad nya, na kahit simpleng bati lang ay parang naninigaw na. Kung susumain, lahat ng bagay na nakikita nya rito ay wala sya nun. Opposite na opposite talaga sila. Nagmumukha tuloy syang basahan pag katabi nya ito.

 'Nakakalow ng self-esteem te!

Nakita nyang hindi ito gumalaw bagkus ay napatitig ito sa pin ng lanyard nya.

"Whoah. Are you a fan of Attack on Titans?" saad nito na sobrang namangha sa pangyayari.

"Oo. Ikaw din?" saad nya at nagulat rin sya dahil hindi nya akalain na may interest pala ito sa anime.

"Of course, I am. Omg. I'm so happy. I like you already." mahinhing saad nito sa kanya. Sya naman ay tuwang-tuwa sa pangyayari.

"Ako rin. Wala kasi akong masyadong kakilala na into anime kaya napapanis ang laway ko. Good thing, nakilala kita." saad agad niya rito.

"Yeah. We can be best of friends. I'm Stephanie McBride anyways. How about you?" tanong nito sa kanya.

'Stephanie? McBride? Di ba sya yung babaeng gusto ni Julian. Tutang ina. Ang ganda pala talaga ng crush ng crush ko. Wala-wala talaga ako rito.

I Was ThereWhere stories live. Discover now