Chapter 31 Long Lost Friend

826 31 1
                                    

Chapter 31

Long Lost Friend

Don't trust too much

Don't love too much

Don't hope too much

Kyla Pov

"Kyla Okay ka lang? May problem ba?" Tanong sa akin ni Leo. hindi ko na na abutan si Bench, tumingin ako kay Leo.

"Ah wala akala ko kasi nakita ko yung kaibigan ko, tara uwi na tayo." tumango na lang siya at bumalik na kami sa sasakyan niya.

Nakarating na akong ng bahay pero lutang pa rin ako. Hindi nga ako nakapag paalam ng maayos kay Leo, hindi kasi matanggal sa isip ko kung si Bench nga yung nakita ko kanina sa Park.

Kung siya man yun dapat hindi na siya bumalik, dapat hindi na siya mapapakita pa sa amin ni Lacel, ayokong gumulo yung buhay namin uli.

Si Bench ay Pinsan ko matalik na kaibigan namin ni Lacel mula grade 2 mag kaklase na kami nina Lacel kasama si Bench. Hangang highschool ganun din pero dumating yung second year high school, dance competition ni Lacel Nawala siya, hangang hindi na panlo ni Lacel yung sayaw kasi hindi kaya ni Lacel na hindi nakikita di Bench habang sumasayaw. nabalitaan namin na umalis daw papuntang america si Bench para doon mag aral, matagal niyang pinangarap yun. Na kaya niyang umalis ng hindi nag papaalam sa amin. Pinangako naming tatlo noon na sabay kaming mag college sa US pero hindi niya tinupad yun.

Nahiga na ako sa kama ko at pinikit yung mga mata ko.

--

Lacel Pov

"Aaaaaaahhhh! Ay salamat natapus na rin"inat-inat ako, tumingin ako sa katabi ko, tumitingin pala siya sa akin, ngumiti ako sa kanya at tinaas baba kilay ko.

"Pagod ka kana baby ?" niyakap ko siya ng mahigpit,hinalikan niya yung ulo ko.

"Yes po, sakit na rin ng kamay ko pati nitong mga mata ko kakatype." napapout nalang ako, oh ano yang iniisip niyo?hahah! Mali kayo dun. nandito kami sa study table ko tinapus yung papers ko. humiwalay ako sa pag kayap sa kanya.

"Mag pahinga kana, uuwi na ako." tas hinalikan ako sa noo. ngumiti ako sa kanya kaya napangiti rin siya.

"Hatid na kita sa baba." tumango siya, at tumayo na kami. naglakad na palabas ng bahay.

Nasalabas na kami ng bahay,"Mag pahinga ka na alis na ako, I love you." hinalikan niya ako sa labi ko.

"Yes po, I Love You too, ingat ka ha" tumango siya, sumakay na siya ng sasakyan niya, napawave ako. Umalis na yung sasakyan niya.

Papasok na sana ako ng bahay ng may nahagip yung mata ko. Patingin ako sa isang bahay na malapit sa amin mga 5 bahay layo niya sa amin, naka on kasi yung ilaw eh matagal na yung walang nakatira, bumalik na ba sila?biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Wala to. Wala to, siguro may nag check lang o house keeper. pinalo ko yung ulo ko. pumasok na ako ng bahay. nagugutom na ako, pumunta ako ng kitchen, kumuha ako ng pizza sa ref napahikab pa ako. ay malamig, ay malamang Lacel sa ref galing eh. eehhhh! Cornyyyy!

Initin ko muna to, lumapit ako sa microwave napakamot ako ng ulo ko,hala paano gamitin to? ang daming button so alin ang pipindutin ko dito?

"Yayay" tawag ko sa yaya ko.

"Yes, anak?" Mabilis siyang pumunta sa tabi ko.

"Yayay paano po gamitin to?"tinuro ko yung microwave, napakunot yung noo ni yayay.

"Hindi mo alam gamitin yung microwave"nagtatakang tanong ni Yayay.

Natatawa ako sa reaksyon ni yaya." Yayay magtatanong ba ako kong alam ko?" Natatawang sagot ko.

Nakakunot parin yung noo ni yayay"Nakapagtataka lang kasi, ikaw parating gumagamit niyan ayaw mo kasi ng hindi mainit yung pagkain mo." napakunot naman yung noo ko."oh siya akin na yang pizza ako na ang mag-iinit"kinuha ni yayay yung pizza sa kamay ko. inilagay sa microwave at kung ano ano yung pinnindot. umupu lang ako sa counter.

Pinatong ko yung mukha ko sa dalawang kamay ko yung siko ko naman sa nakapatong sa table, habang si yaya naman ay gumagawa bg juice.

"Maam kanina pa po tumunog yung phone niyo sa kwarto" napatingin ako sa isang katulong namin.

"Ayy, yaya pakidala nalang po niyan sa kwarto ko" tumango naman siya yaya.

Umakayat na ako ng kwarto ko at nakita kung 5 missed call galing Kyla. Kaya tinawagan ko na siya.

"Oyyy bakit friend?" Tanong ko sa kanya. Umupo ako sa kama ko.

"Lumabas ba kayo ni Paul?" Tanong niya kaya napakunot noo ko.

"Hindi bakit naman?"

"Wala, mabuti nga at sa bahay lang kayo, nga pala dapat maaga tayo bukas para maaga natin mapass yung papers okay?"

"Okay po"binaba niya agad yung phone. ang bastos din minsan ng kaibigan kung to.

Maaga kami bukas kaya kailangan ko ng matulog ano. Sleep sleep.

--

Yow! Wazzap! Wala lang. Vote and comment thanks 😑😑

Last Forever (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon