Chapter 26 Party

1.1K 32 0
                                    

Chapter 26

Party

Kyla Pov

Kanina pa ako nahihilo sa kaibigan kong ito kanina pa kasi pa ikot-ikot sa loob ng kwarto niya.

"Pinapunta mo ba ako dito para panuorin kang kaikot-ikot?"naiiritang tanong ko, tumigil naman siya at umupo sa tabi ko.

"Sorry, na si stress lang kasi ako kung ano ang isusuot ko" yumuko siya pag katapus niyang sinabi yun.

Napanganga lang ako sa kanya.

"Seriously?! Yan ang pinuproblema mo?" Napatingin naman siya sa akin.

"Oo nga! Alam first time kung makasama ang mokong sa isang party kailangan kong mag paganda at isa pa para hindi na siya tumingin pa sa iba ano" sagot niya sa akin

Nakakuha siya ng batok sa akin tiningnang niya lang ako ng masama.

"Ewan ko sayo mag search ka sa internet! Bahala ka diyan sa buhay mo"tumayo na ako aalis na ako dito sasakit lang ulo ko sa kanya. Tinutopak nanaman siya.

"Oyyy! San ka punta?"hawak niya kamay ko at pinigilan niya ako.

"Uuwi na!" inalis ko yung kamay niya sa kamay ko.

"Waggggg! Dito kana mag bihis" lumaki butas ng ilong ko dahil sa narinig ko.

"Bakit ako mag bibihis?" Kumunot ang noo niya.

"Hindi kaba pupunta sa party ni Leo?" Tanong niya! Ako pupunta? Wag na oyyyy!

"Ako?! Hindi ako pupunta ano, ano nanaman gagawin ko doon?" Umupo na ako sa tabi niya ayaw akong paalisin eh.

"Pupunta ka sa ayaw at sa gusto mo!" sigaw niya. Ito nanaman po kami nagiging childish nanaman siya.

"Ba-" hindi ko na napatuloy yung sasabihin ko kasi tinakpan niya yung bunganga ko.

Kinuha niya ang phone niya, anong naman yung trip nito. May pinindot siya at narinig akong nag ring. May tinatawagan niya.

"Hello? Bakit na patawag ka iha? Andiyan si Kyla diba?" Si mommy yun ah. Hindi ako makapag salita kasi graveh yung pag takip niya sa bibig ko.

"Hello po tita, andito po siya, kaya po ako tumawag kasi po pupunta po kami ng party ni Kyla birthday po ng boyfriend niya, okay lang po ba tita?" Gaga to ah! Kinagat ko kamay niya kaya na tanggal yung pag takip niya sa bibig ko.

"Mommy! Wag ka--"

"Tumahimik ka Kyla, yes payag ako pero Kyla uwi ka agad mag uusap pa tayo at may boyfriend na pala anak ko" tuwang tuwa ng sagot ng Mommy ko.

Tumingin lang ako ng masama kay Lacel at tawa lang ng tawa ang babaeng ito.

"Okay po tita salamat po ha, sige po bye na po"sabi ni Lacel! boyset! Naiinis ako sa babaeng ito, nag babye na si Mommy kaya pinatay niya yung phone.

"Gaga ka! Kung ano ano yung sinabi mo may Mommy bawiin mo yun!" Sigaw ko namunula na siguro ako sa inis!

"Ouch ha!" Nakahawak pa siya sa bandang puso niya. "Tuwang tuwa nga si Tita ayaw mo yun pag nag katuluyan kayo ni Leo hindi kana mahihirapan kay tita" proud na sagnot niya sa akin at humiga pa sa kama niya.

"Boyset! Bawiin mo yung kung ayaw mong pag hiwalayin ko kayo mg Boyfriend mo" napatayo naman siya sa na rinig niya.

"Hoyyy! Graveh ka! Babawiin ko lang yun kung sasama ka sa akin sa Party" naka cross arm pa siya. Aish! Bakita ba may baliw akong kaibigan.

"Okay! Okay sasama na ako siguraduhin mo lang na babawiin mo yung sinabi mo kay Mommy!"

"Yey!" Pumalakpak pa! " Mamayang gabi sigurado akong magugustuhan ka ni Leo ang galing ko talaga" sabi niya at lumabas na siya sa kwarto niya.

Last Forever (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon