Chapter 46

953 30 7
                                    

Chapter 46

Paul Pov

Andito kami ngayun sa condo unit ni Lacel, nagsusulat ako ng mga reminders at si Lacel namam ay nasa couch nanood ng mga pictures namin sa albums.

Nilibot ko yung mata ko sa buong unit puno ito ng mga sticky notes and arrows may mga reminders doon kung paano gamitin to o ano ang bagay na to.

Ngayun kasi nakakalimutan niya ng gumamit ng mga bagay bagay dito sa unit.

Napakasunduan na rin naming dalawa na titigil muna siya sa pag-aaral at hindi ko siya iiwan kahit hindi pa niya ako maalala sa huli.

Alam ko na pagdating ng panahon na makakalimutan niya lahat. Ako, kaya habang kilala niya pa ako habang mahal niya pa ako pagsisislbihan ko siya.

Kahit mawala ang alaala niya mag tiyatiyaga parin akong alagaan at mahalin siya. Wala akong uurungan para sa kanya.

Hindi pa namin nasabi sa parents niya kasi ayaw niya at ayaw ko rin na kunin siya sa akin pero sasabihin ko rin sa tamang panahon.

Ring!ring!ring!

"Hello?" Sinagot ko yung tumatawag sa akin.

"Paul nakasalubong ko pala kaklase mo sabi pumasok ka na daw kasi may tapusin kayong project."paliwanag ni Kyla. Tumayo ako at dinikit ko yung Sticky Notes sa Ref.

"Okay, Papunta na ako may aayusin lang ako." sabi ko at hindi ko na hinintay yung sagot niya binaba ko na yung phone.

Lumapit ako kay Lacel. "Baby kailangan mo ng uminom ng gamot." tumingin siya sa akin at ngumiti.

Sinara niya yung album na hawak niya, at tumayo na siya at lumapit sa akin.

Inakbayan ko siya at naglakad kami papuntang Kitchen.

"Mag pagaling ka baby ha?" Hinalikan ko siya sa noo. Tumango lang siya at dahan dahan siyang umupo sa upuan.

Medyo matamlay siya kasi lagi siyang nahihilo.

Ilang linggo narin ang nakalipas simula ng malaman ko na may sakit siya at ngayun ganito araw-araw ang ginagawa namin.

"Saan tayo nakatira?" Tanong ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa malayo.

"Sa ****** 536-6-2?" Alanganing sagot niya. Tumingin siya sa akin para alamin kung tama ba ang sagot niya.

Tumango ako at ngumiti sa kanya para ipaalam na tama ang sagot niya.

"Sino ako?" Aunod na tanong ko sa kanya.

"Dan Paul Villanueva" masiglang sagot niya. inabot ko sa kanya yung gamot niya.

"Sino ka?" Tapus inabot ko yung baso ng tubig sa kanya.

"Lacel Faith Sandoval" sagot niya naman tapus ininom niya na yung gamot niya.

Ngumiti siya at tumingin sa akin "Okay na ^_^ Magaling na ako agad." masayang sabi niya.

Ginulo ko yung buhok niya. "Mabuti naman." pinasuot ko na yung ID niya, baka kasi lumabas siya at hindi niya na malaman kung saan siya nakatira o kung sino siya.

Tumayo na ako at niligpit yung gamit ko naramdaman ko naman na sumunod lang siya sa akin.

"Umuwi ka ng maaga ha?" Sabi niya, kaya napatigil ako sa ginagawa ko at humarap sa kanya.

"Okay" pinat ko yung ulo niya.

"Mga 6 Pm ha?" Dugtong pa niya.

"okay, teka ano bang meron?" nalilitong tanong ko. "May gusto ka bang puntahan?" dugtong ko pa.

Last Forever (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon