Chapter 47

713 26 2
                                    

SUPER THANK YOU PO AKO SA MGA READERS KO NA NAG COMMENT SA LAST CHAPTER NA INSPIRE PO AKO LALONG PAGANDAHIN YUNG STORY KO. THANK YOU THANK YOU GUYS :) THIS CHAPTER IS FOR ALL OF YOU.

Chapter 47

PAUL POV

Pinaliwanag ko na lahat sa kanila kung anong nangyari kay Lacel at ang sakit nito. Matapus kung ipaliwanag sa kanilang lahat ang nangyari narinig kung umiiyak sina Kyla at Mommy ni Lacel. nasasaktan sila sa mga narinig nila pati nga rin ako nahihirapan na sa mga mangyayari, hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko pag kinuha nila si Lacel sa akin.

Nakayuko lang ako, mga ilang secondong tumahimik ang lahat ang tanging narinig ko lang ay yung mga snob nila Tita at Kyla.

"Pano nagyari to Paul?" Inis na tanong ni Bench."Maayos ko naman siyang iniwan sayo ah, bakit nag kaganito siya bakit nangyari sa kanya to! sabihin mo." napaangat yung ulo ko, at nakita ko siyang susugod sana sa aking pero pinigilan siya ni Leo.

"Tumigil ka Bench" mahinahon na sabi ni Tito kaya napatingin kami sa kanya."Kami na ang bahala sa Anak namin Paul, Iuuwi ko siya ngayun." doon na lumakas ang kabog ng dibdib ko at anytime tutulo na ang luha sa mga mata ko.

Yun, Yun ang mga salitang ayokong marinig ang pinakanatatakutan kung mga salita, salita na mag papahiwalay sa amin ni Lacel. Alam ko nadadating ang araw na to ang araw na kukunin nila sa akin si Lacel.

"Ti-Tito Ako nalang hu kaya ko naman po." pag mamakaawa ko sa kanya. napatingin naman siya sa akin.

"Sakit yun ng pamilya namin Paul, sa ngayun maayos pa siya, hindi magtatagal pati pag-ihi hindi niya na mapipigilan alam ko hindi mo matatagalan yun." seryosong yung tono ng pag sasalita niya.

"Tito napaghandaan ko na po ang lahat ng mangyayari kaya wag niyo po siyang kunin sa akin nag mamakaawa po ako." pag mamakaawa ko, sa ganitong panahon dapat nasa tabi lang niya ako para ipaalala sa kanya lahat.

"Alam ko ang nararamdaman mo Paul pero anak namin siya responsiblidad namin siya kaya paubaya mo na siya sa amin." tama naman si Tito pero ayoko talagang malayo sa kanya ng isang araw lang.

"Tito Please ako po ang mag-aalaga sa kanya, lahat po gagawin ko para sa kanya please po ako nalang hu ang mag-aalaga sa kanya, alam ko po na responsibilidad niyu po siya pero Tito hindi ko po kayang wala po ako sa tabi niya sa panahon na wala na siyang maalala." doon na tumulo ang mga luha sa mata ko nakanina ko pa pinipigilan.

"Hindi naman namin siya ilalayu sayo Paul, kami lang ang mag aalaga, pwedi ka naman pumunta sa bahay kung gusto mo siyang dalawin hindi naman kita pagbabawalan."

"Tito 1 week na lang hu, 1 week po na ako ang mag aalaga sa kanya pagkatapus po noon kayo na po ang mag aalaga sa kanya gusto ko lang po iparamdam sa kanya na mahal ko siya kahit anong mangyari na nasa tabi niya ako kahit hindi niya na ako makikilala kaya tito please sana dito pag bigyan niyo na hu ako." Last chance ko nalang to kailangan ko ng mag makaawa kung kailangan kung lumuhod sa harapan niya gagawin ko para kay Lacel.

"Kung yan ang gusto mo, may tiwala naman ako sayo Paul pero isang linggo lang kukunin namin siya sayo." doon na guminhawa ang yung pakiramdan ko parang nakalaya ako sa kaba na nararamdaman ko.

"Salamat po Tito hindi ko po kayo bibiguin." nakangiting pasalamat ko sa kanya.

"Pero Paul tandaan mo wala na siyang maalala sa huli mismo sarili niya hindi niya na makikilala kaya sana wag mong paasahin yung sarili mo na gagaling siya, Ikaw na bahala sa kanya." Tinap niya yung balikat ko. tumango naman ako.

tama naman siya eh, pero hindi ko muna iisipin yun, sa ngayun papakita ko lang sa kanya kung gaano ko siya ka mahal at handa kung gawin ang lahat para sa kanya.

isa-isa kung hinatid yung parents ko at parents ni Lacel pa labas ng unit.

"Paul Ikaw na bahala sa anak ko ha? mag iingat kayo." matamlay na sabi ni Tita, maga na yung mga mata niya.

"okay po Tita wag hu kayong mag alala." Tumago siya tumingin ako sa Daddy ni Lacel tumango lang siya at inalalayan ng umalis si Tita.

tumingin ako sa Parents ko na malungkot na nakatingin sa akin.

"Anak alam ko nahihirapan ka ngayun wag mong kakalimutan na andito lang kami para sayo." sabi ni Mommy at niyakap niya ako.

"Salamat Mom" Humiwalay siya ng yakap sa akin.

"Anak Makakaya mo yan." tinap ni Daddy yung balikat ko. tumango lang ako at uamlis na sila.

ang naiwan nalang sa unit ay yung mga kaibigan namin kabilang na rin si Bench. Pumasok na ako ng unit. nahimik lang sila lahat. alam ko hindi sila makapaniwala sa nangyari at sa narinig nila.

----

Kyla Pov

Alzheimer? merong Alzheimer si Lacel? paano mangyayari yun eh kay bata bata ng kaibigan ko? ang pagkakaalam ko ay pang matandang sakit lang yun.

bakit nangyayari sa kabigan ko to? bakit kailangan niyang mahirapan ng ganito? alam ko noon parang may mali sa kanya pero hindi ko inaakala na ganitong kalala ang mangyayari sa kanya.

nakita kung bumalik na si Paul sa unit, tahimik lang kaming lahat hindi makapaniwala sa narning namin.

nakita kung tumayo si Bench at lumapit kay Paul hianwakan niya ito sa balikat, naramdaman ko natatayo sana sa tabi ko si Leo kaya piniglan ko siya. umiling ako. umupo naman siya.

"Paul Pacenxia kana kanina nabigla lang ako sa nangyari." mahinahon na sabi ni Bench kay Paul.

"Wala yun alam ko naman na mabibigla kayo. Pati nga ako nabigla, sorry kung ngayon ko lang nasabi sa inyu guys, hindi kasi namin alam ni Lacel kung paano namin sasabihin sa inyu." Paliwanag ni Paul.

"Okay lang yun Paul, alam ko naman nanahihirapan ka, kayo ni Lacel naiintindihan ko Paul, Pwedi ko bang makita si Lacel?" gusto ko lang makita yung kaibigan ko.

tumango naman si Paul, tumayo na ako at nag madaling pumasok sa kwarto ni Lacel, dahan dahan kung binuksan yung pinto. pumasok ako at nakita ko yung kaibigan ko mahimbing na natutulog.

lumapit ako sa kanya, umupo ako sa gilid ng kama niya. hinawakan ko yung kamay niya,

pati ba ako Lacel makakalimutan mo rin? paano na ako friend? sino yung mangungulit sa akin parati? alam mo na simula palang naging mag kaibigan tayo hindi ko na kayang mawala ka sa akin parang kapatid na ang turing ko sayo.

friend kanino ko ibabalita na mahal ko na si Leo? kung makakalimutan mo rin naman sino ang mag aadvice sa akin sa mga bagay bagay?

friend naman eh! wag ka naman mag biro ng ganyan oh! wala kang sakit diba? hindi mo ako makakalimutan diba? tuloy tuloy lang ang pag patak ng luha ko sa mga mata ko.

ito lang ang tandaan mo Lacel kahit anong mangyari ikaw lang ang kaibigan ko ikaw lang ang loka loka kung kaibigan, mawala man ang alaala mo hindi kita iiwan at yung mga alaalang nawala na yun nasa akin namin pwedi kung ikwento ang lahat ng yun sayo.

Mahal na Mahal kita friend. sana makaya mo ang lahat ng to alam ko nahihirapan kana sa mga nagyayari wag ka mag alala way awa ang Diyos.

hinalikan ko siya sa noo. tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko naman si Leo at Paul na tahimik na nakaupo sa sofa. lumapit ako sa kanila. wala na si Bench siguro umalis na siya.

"Paul aalis na rin kami, Paul magpakatatag ka kung may mga problema na hindi mo na kaya wag kang mahiya na lumapit sa amin Paul." Tumayo siya at tumango sa akin. niyakap ko siya. "May awa ang Diyos Paul, may awa." naramdaman ko naman na tumango siya.

humiwalay ako sa pag kayakap sa kanya. at kinuha ko naman yung bag ko, nakita kung tinap ni Leo ang balikat ng kaibigan niya at sumunod na sa akin palabas ng unit.

isa itong malaking pagsubok sa relasyon nilang dalawa ni Lacel. Laking pasasalamt ko Kay Paul na labis ang pagmamahal sa kaibigan ko kaya niyang gawin ang lahat para sa kaibigan ko.

---

ahhhh! Last 3 Chapter nalng palungkot na pa lungkot na yung chapter sumasakit yung puso ko sa updates ko ah! hope you l;ike it guys. :)

Last Forever (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon