Chapter 27 TrulyMadlyDeeply

1.2K 28 1
                                    

Chapter 27

Truly,Madly,Deeply

Paul Pov

Andito parin ako sa bahay ni Leo umiinom kami ngayun nabwibwisit ako kay Mark Lintik! Hindi ako mag rereact ng ganito kung hindi ko alam ang ugali ni Mark.

"Tol kalma lang sinasaktan mo na kasi si Lacel" sabi ni Leo

"Alam mo naman Tol kung ano at ikaw yung unang tao na ginagwan niya ng kagaguhan niya." Inis na sagot ko sa kanya.

"Kinalimutan ko na yun Tol"walang gana na sagot niya.

"Gago siya wag na wag niya lang gagalawin Girlfriend ko"nilapag ko ng malakas yung baso.

"Tol si Marie hindi ako mahal nun kaya nadala kay Mark. kung mahal ka talaga ni Lacel Hindi siya magpapadala sa kagaguhan ni Mark tandaan mo Mahal ka ni Lacel. mag tiwala ka lang sa kanya Tol" seryoso na tumingin si Leo sa akin. tama naman siya.

"Ako may tiwala kay Lacel pero Kay Mark walang wala"

Si mark inagaw yung ex girlfriend ni Leo na pinsan niya. Alam ko kung gaano ka mahal ni Leo si Marie at alam ko rin na mahal siya ni Marie pero noong dumating sa eksena si Mark nagkamalabuaan na si Marie at Leo hanggang isang araw nalaman namin na sila na ni Mark. alam ko ang pinagdaanan ni Leo kaya laki ng galit ko kay Mark. May tiwala ako kay Lacel pero noong nakita ko silang nag tatawanan at hawak pa ang noo niya, uminit yung ulo ko! ayokong hawakan siya ng iba akin lang siya. Hindi siya mawawala sa akin.!

--

Lacel Pov

Pag dating ko ng bahay naligo ako at nag bihis ng pajama at sando. Matutulog na sana ako ng pumasok si Kyla naka pajama na rin.

"Oh? Bat dito ka natulog? Bat di ka umuwi sa inyu?" Sorry Kyla ayoko lang ng makakausap ngayun.

"Ang taray te. Dito ako matutulog sa tabi mo kasi may pag uusapan tayo" sabi niya at umupo na sa tabi ko.

"Kyla wag muna ngayun please"nag tataray na talaga ko makulit kasi talaga si Kyla. Pag gusto niya gusto niya.

"Okay pero dito parin ako matutulog, hindi kita tatanongin, sige na sleep na" humiga na siya sa tabi at pumikit na yung mata niya.

Humiga narin ako. Pero hindi ako makatulog iniisip ko parin ang nangyari. Kinuha ko yung phone ko. Wala man lang text kahit isa. Hindi ba siya mag sosorry?

Kung galit ka galit din ako! Inopen ko yung twitter ko. Naiinis kasi ako kaya nag tweet ako.

@lacelfaith143 Kung galit ka, galit din ako! Hindi kasi nakikinig! 😡😡

Tweet!

Wal akong pakialam kung mabasa niya! Kung galit siya sa ibang tao wag niya ako idamay! At kung mainit yung ulo niya wag niya rin akong idamay! Nakakainis na siya ha!

--

Lacel Pov

Aish! Exam week ngayun please good vibes makisali ka sa akin ha. I want this day to be perfect.

Pag dating ko ng classroom umupo na agad ako sa upuan ko at nag review na. Busy ako sa pagbabasa ko ng may umupo sa tabi ko kaya napatingin ako sa tabi ko.

At nakita ko si Moks tumingin siya sa akin at ang cold. Fuck! I said i want this day to be perfect! Pinag patuloy ko lang yung pag babasa.

Dumating na yung teacher namin kaya nag start na yun exam. Whooo! Mabuti nalang at nakapag review ako ng mabuti.

Natapus ko ng mabuti yung exam ko. Tumayo na ako at lumabas. pumunta ako ng canteen at bumili na hindi ako kumain kanina eh.

Umupo ako sa may bandang likod ng Canteen para walang makapansin sa akin. Tiningnan ko yung phone ko. Hangang ngayun 3 araw na kami hindi nag papansinan, ewan ko pero parang lumalalim na to. Masakit isipin nasa tabi ko siya pero hindi niya magawang gumawa ng effort na maayos namin to.

Last Forever (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon