Chapter 48

668 26 2
                                    

Chapter 48

Paul Pov

Maaga akong nagising para gawan ng breakfast si Lacel, hindi kasi siya nakakain kagabi kasi buong gabi siyang natulog.

Ready na lahat gigisingin ko lang si Lacel, pumunta na ako ng kwarto namin. lumapit ako sa kanya para gisingin siya.

"Lacel? Gising na baby" dahan dahan niyang minulat yung mga mata niya. ng makita niya ako agad siyang ngumiti at niyakap niya ako.

"Akala ko may nangyari sayong masama, saan kaba galing?"tanong niya napakunot naman yung noo ko.

"Napanaginipan ko kasing may sumuntok daw sayo tapus everything went black." malungkot na sabi niya. bumangon na siya.

"Wag kang mag alala panaginip lang yun okay?" paliwanag ko sa kanya. lumiwanag naman yung mukha niya.

"Okay :) wag mo akong iiwan ha?"

"hinding Hindi kita iiwan. Tara kain na tayo baka lumamig pa niluto ko." tumango siya at tumayo, kumapit siya sa mga braso ko.

pumunta na kami sa Kitchen. at gagawin nanaman namin ang parting ginagawa namin ang ipaalala sa kanya ang dapat niyang alalahanin.

"Baby Panaginip din ba yung may sakit daw ako na hindi ko daw maalala ang lahat?"inosenteng tanong niya sa kalagitnaan ng pag kain namin.

"Sorry baby pero T-totoo may sakit ka."mahinang sabi na sakto lang marinig niya.

nabitawan niya yung kutsarat tinidor. Lumungkot ang mukha niya.

"Natatakot ako, Paul natatakot ako!" tumulo ang mga luha sa mata niya. tumayo na ako at niyakap siya.

"wag kang mag-alala andito lang ako sa tabi mo hindi kita iiwan sabay tayong lalaban, tahan na."

"Salamat, salamat at ikaw ang naging boyfriend ko pero Paul hindi kaba nahihirapan?"tanong niya, humiwalay siya sa pagkayakap sa akin.

"Ako ? mahihirapan? hindi nu basta para sayo hinding hindi ako mahihrapan." napangiti siya sa sinabi ko.

dahan dahan niyang nilapit yung mukha niya sa akin at naramdaman ko nalang yung mga malalabot na labi niya sa labi ko. Itong halik na may kalungkotan pero may pag mamahal.

--

hina handa ko yung gamit ko, natapus ko ng mainomin ng gamot si Lacel at andun lang siya sa sofa nakaupo matamlay medyo nahilo daw siya kanina matapus naming kumain.

kailangan ko munang tapusin yung mga kailangan ko sa school para pag tapus noon ay maarami na akong oras kay Lacel, para dalhin siya sa lugar na gusto niyang puntahan, mga gusto niyang gawin.

Tumayo na ako at Lumapit kay Lacel. Umupo ako sa Tabi niya. Kinuha ko yung box na dapat kahapun ko pa binigay.

kinuha ko yung kamay niya, napatingin siya sa akin, ngumiti naman ako nilagay ko na yung bracelet nabinili ko kahapun napatingin naman siya sa kamay niya.

"Para saan to?" Matamlay na tanong niya.

"Late Birthday Gift, Aalis muna ako baby ha?" tumango naman siya. hinalikan ko na siya noo.

tumayo na ako at lumakad na papuntang pinto.

"Bench?" tawag niya sa akin tumingin ako sa kanya.

"hmm?" tanong ko.

"Salamat, I love you." nadurog ang puso ko ng marinig ko yun.

"Ako din." lumabas na ako ng pinto pag sira ko ng pinto tumulo na yung luha ko, ang sakit marinig ang mga salitang yun.

Last Forever (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon