Chapter 18
It's a Date?? 😱😱
Lacel Pov
Kanina pa kami ikot ng ikot sa School. Napagod na din kami ni Kyla kaya umupo muna kami sa isang bench.
"Kyla kain muna tayo na pagod ako"sabi ko sa kanya.
"Okay! Tara! Nga pala san na si Danpaulskie?" Tanong niya sa akin habang nag lalakad kami papuntang canteen.
Oo nga nasan na ba ang lalaking yun? Iniwan nalang kami bigla ni Kyla kanina habang nag lalaro kami. Aish! Hindi man lang nag paalam.
"Ewan ko dun" sabi ko nakibit balikat.
Nakarating kami ng canteen at bumuli na ng pag kain. Umupo na kami para makakain na kami. Yey!
Kain kwento lang yung ginawa namin ni Kyla.
"Oy ayan na pala si DanPaulskie!" Tinuro ni Kyla yung sa likod ko kaya tumingin ako sa likod.
"Oy san ka--" hindi ko na patuloy yung sinabi ko noong hilahin niya nalang ako patayo.
"Hihiramin ko muna siya Kyla" sabi niya kay Kyla. Ako nkatingin lang sa kanya ewan ko anong trip nito.
"Okay bye ingat" sabi ni Kyla nakangiti pa.
Hinila niya na ako pa labas ng canteen. Hindi na ako nag salita baka hinahanap lang kami ni Ms. Mendosa. Bakit kailangan pa ako kaladkarin ang drama nito.
--
"Hoy Mokskie san mo ba ako dadalhin?" Kanina ko pa siya tinatanong hindi naman sumasagot. Andito kasi kami ngayun sa sasakyan niya kanina pa kami bumabyahe.
Tumingin ako sa kanya na seryosong nag dadrive. Bahala siya kung ayaw niya akong kausapin di wag matutulog na lang ako.
Zzzzzzzzzzzzz
----
Aray ang sakit ng likod ko. Namamulat ako ng mata ko, hala! Gabi na pala last day pa ngayun ng school fest. Omg tumingin ako sa paligid ko. Nasa sasakyan pala ako ni Moks, tumingin ako sa tabi ko hala?! Bakit wala siya dito?! Iniwan niya ako sa di ko alam na lugar?! Takot ako!! Bubuksan ko sana yung pinto ng may nakita akong sticky notes bintana ng kotse. Kinuha ko ito at binasa.
Payatot! Tulog mantika ka!
Sundan mo lang yung mga
Rosas pag baba mo.
-Mokskie
Ano namang trip ng Mokong na to?! Bumaba na ako sa kotse at may nakita akong mga rosas sa daan nanka form na parang daanan. Sinundan ko naman yung mga rosas.
Habang nag lalakad ako tuwang tuwa ako kasi Garden yung place. Wow! Alam niyo naman kung gaano ko ka gusto to.
Napatigil ako kasi may nakita akong magandang landscape ng nasa gilid ng dinaanan ko ang gaganda pa ng bulaklak.
Pinuntahan ko yun. Wow! Ganda kasi nakasquare design ng grass sa gilid at sa gitna niya mga ibat-ibang bulaklak. Gusto ko tong gawin sa garden ko. Sino kaya designer nito.
Nilibot ko ang paningin ko at may nakita akong sticky notes, kinuha ko at binasa.
Hoy payatot! Sabi ko na nga bang pupunta ka dito! Hoy balik na sa rosas at sundan mo!
-Mokskie
Ayy! Oo nga pala nakalimutan ko masyado akong na tuwa sa mga bulaklak. Tiyak na umousok nanaman ang ilong noon.
Sinundan ko yung mga rosas at sa dulo pala nito ay may malaking bilog ng bonsai at sa gitna nito ay isang table dalawang chairs na may candle. Parang candle light dinner to ah! At may isang gwapong nilalang ang nakatayo at may hawak na yellow roses. 😍😍
BINABASA MO ANG
Last Forever (JaDine)
FanficSusubukan mo bang pumasok sa isang sitwasyon na alam mo na pareho kayong dalawang masasaktan! lahat ba ng memories ay matatagu nila o may isang mawawala na lang ng hindi mo alam. the memories of their Love will be Last Forever? or will keep it forev...