Special Chapter

1.1K 25 0
                                        

"Love." Masayang bulong ni Vice kay Karylle habang akap akap nito ang asawa.

"Oh ano yun? Susunod na ako, nag aayos lang ako ng mga gamit. Pang Garage sale ganun." Mag aayos na kase sila ng gamit upang magkaroon ng bakanteng kwarto para sa kanilang isa pang anak.

"Garage Sale eh wala naman tayong Garahe. Naka penthouse kaya tayo." Pag jojoke ni Vice na kaagad naman kinainisan ni Karylle-Sabay Kalas sa back hug nito.

"Puro ka talaga kalokohan. Nandito pa kaya yung mga boxes ko nung ano--"

"Pa tingin nga-- Ay hahaha Fan Girl Era! Tignan mo to..naka Label pa. 'Vice Pogi Ko.' " sambit ni Vice sabay tawa ng malakas.

"Wag ka ngang ano diyan. Akin na nga!"

"Ok ok sige na . Oh dun ka na sa kitchen ah. Sila Vincent baka nauna na kumain."

"Oo na sige na. Susunod na ako dun love."

Napangiti naman si Karylle. Sabay pagpag ng kamay. Binuhat niya ang kahon na nag lalaman ng ilang kagamitang nag bigay sa kanya ng mga munting alaala.

Isang Pirasong litrato na dinikitan ng Scotch tape para lamg maging waterproof. Halata mo pang matagal itong nakalagay sa pitaka dahil sa pagkakafade ng bandang gilid.

Ilang pirasong Abs-Cbn na Studio Tour pins na halos baliko na ang pin sa pag kakahablot sa ilang events na pinuntahan niya noon para sa Asawa. Halatang gamit na gamit ito sa ilang mga Bag niya.

Ilang CD na pinagka ipunan niya para suportahan ang nobyo ngunit ang ilan naman dito ay meron na siya sa kanyang Smart Phone.

Ilang pirasong Poster na may nakadikit pang mga scotch tape matapos ipagdikitan ito sa kanyang kwarto noon.

Narito din ang isang malaking Marker na nanenok niya sa Its Showtime ng ipahiram ito ni Dumbo. Wala nanamang Tinta kaya walang foul.

Ang ilan namang mga librong sinulat ng kanyang mga naging kaibigan online para sa kanyang Asawa at sa naging Loveteam nito.

Natuwa din naman siya ng makita niya ang Stuff toy niyang Little Pony na si Fluttershy na halos ang kadahilanan lamang ng pag bili ay sa pag papaalala nito  kay Vice.

Pinagpag niya ito at niyakap.

Mas lalo namang siyang napangiti ng makuha niya ang pinakahuling bagay sa loob ng kahon.

Ito ay ang kanyang napakalaking Picture frame kasama ang kanyang idolong - asawa na niya ngayon.

"Na loka talaga ako nung unang bese kong nakita yan. Sana ginandahan mo naman ang Frame. Kulang nalang kandila para sa atin dalawa."

"Wala pa akong budget noon."

"Tigilan mo ako nakikita kita nasulpot sa Davao!"

Muli naman silang nagtawanan.

"Oh bakit bumalik ka? Kumain ka na ba?" Tanong ni Karylle ng muli niyang ibinalik ang mga kagamitan sa kahon.

"Si bernard kase nandyan"

"Wala na." Biglang sulpot naman ni Bernard sabay talikod at alis.

"Oh. Anong balak mo diyan?"

"Di ko nga alam eh. Parang dapat di nakatago to memories natin to eh. Siguro akin lang pero--- Namimiss ko lang kase yung dati eh yung tayong dalawa lang yung tayo lang nila vhong. Nila kuya Kim. "

"Oh bakit kasama mo naman ako ah? Masaya naman tayo ah?"

"Oo naman Love. Kaya lang parang nagbago na talaga ang panahon. Di mo ba namimiss yung noon? Kilig lang lagi? mag aabang lang tayo ng moments. Ngayon kase parang nagkakalimutan na. " (Parang ako yung may hugot)

"Ang mas importante Love ay nangyare. Napasaya tayo. Kahit memorya na lamang ang lahat mananatili naman yun nakatatak sa isip at puso natin. Sabihin nating itinapon o pinamigay nanatin lahat ng mga nasa kahon na yan. May nag bago ba sa mga nangyare noon? Diba naging fan ka parin naman? Napasaya ka parin naman at naniniwala ako na tuwing maalala mo yun ay mapapangiti parin kita."

"Hay ikaw talaga. Ikaw naman nag insist na mag kaanak pa tayo ng isa. Si Vincent at Jackie ok na ah. Tapos ngayong dumating sa Ion. Nalulungkot ka." Pag aalaska ni Vice ng nakapamewang.

" Iba kase noon nung tayo lang eh. " Bulong ni Karylle sabay halik sa pisngi ng Asawa.

"Alam ko, Love. Pero kailangan natin mag adjust para sa mga bagong tao sa buhay natin." Umakbay si Vice sa Asawa at pinisil ang pisngi nito.

"Tara na nga kain na tayo. Gutom na ako. Kainin kita diyan eh"

"Bastos!"

"luh luh Karylle. "

-----

A/N: This chapter was made for fun. Namiss ko lang talaga sila. Never made this to spite another fandom. 🌻🌻🌻🌻🌻

BET KITA BAKIT?| ViceRylleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon