Chapter 9

8.9K 225 14
                                    

2 days nadin ang nakaraan at wala akong natatanggap na flowers at Gifts.. posible kayang sumuko na siya?Muntikan na siyang sumuko noon kaya baka ngayon natuloy. pero naalala ko pa ang mga sinabi niya.

10:30 na pala ng umaga,bumangon ako at lumabas ng kwarto naabutan ko naman sila buern na naguumagahan.

"Hindi niyo manlang ako ginising,kumain na pala kayo."

"Anyare? ang aga nang gising natin ngayon ah!"nagpagpag ng kamay si archie kumakain kase siya ng pandesal .. nakita ko naman ang paglalapag ni kendra ng pancit canton sa lamesa..

"Aga natin ngayon po mudra haha"

"Hindi ko din alam eh.*sigh*Maliligo na ako.Trip kong maaga ngayon pumasok."

."Ay Oh,may inaabangan ka no!" Bungisngis na tawa ni buern at sabay subo ng pancit canton sa bibig.

"Hindi,wala akong inaabangan!hindi ko inaabangan si Karylle.."nagkatinginan naman si buern at archie.

"ay,si Jhong yung tinutukoy ko.. ay oh! *Smirk* si K pala ah!"siniko siko pa ni buern si archie si archie naman nabigla sa sinabi ko ,kahit kelan talaga ..

"Karylle,ngayon ko lang narinig na tinawag mo siya by her name,lagi kasing "yung babaeng yun" "weirdo" ang sinasabi mo..."masayang sambit ni archie.

"Nasaan ang ibang beks?Kulang kayong mga nanggugulo ah.."

"Parating na meme dont you worry!"tumalikod na ako at dumeretso sa Restroom,kaya lang kailangan ko bumalik dahil nakalimutan ko yung towel ko..

narinig ko naman ang pag uusap ni buern at archie...

"By the way,speaking of Karylle,wala ata siya sa radar ng boss natin ah?"

"Oo nga ang tahimik this past few days,anu kayang nangyare?"

"Baka nag bakasyon?"

"Hindi eh nakita ko yun sa may hallway,she said Hi pa nga eh."

"Kaloka...Anu kayang nangyare?"

Nagbakasyon ayun talaga akala ko.Hmmmn nasa ABS pa pala siya eh.pero bakit di siya nag pa pakita?

"Maaam"

Teka alam ko na tong ginagawa niya!She's making me miss her , haha Not gonna happen..

"Maam"

Pero infairness nasanay ako sa presensya na,namiss ko yung mga ngiti at tawa niya yung panggugulong ginagawa niya...

"SIIRRR!!"

"AY kendra,bakit ka nanggugulat?"nakatayo na pala siya sa harapan ko,hindi ko napansin...

"SIR eto po yung Towel niyo..."

"Salamat.."

-----------------------------

Nasa Studio na kami at dumeretsong DR,its only 11:30 in the afternoon kaya tatambay muna kami sa DR...

"Nagugutom ako..."i blurted out..

"Dapat kase nagdrive thru or nagtakeout tayo.."

"Ok lng mamaya mer..." i stopped at mid sentence baka wala pala,hindi na nga nagpaaaramdam si K at wala png gifts na nadating..nagsawa na kaya siya? Sumuko?

"Di bale meme bibili kami!"napansin ata nila na malungkot ako ,nagiba kase expression ng mukha ko ..Lumpit siya sa akin at tinapik ako sa braso ko

"OK lang talaga ako buern.."

"hindi ,pengeng pambili.."akala ko naman kinokomfort ako

Umalis na sila at naisipan kong maglakad lakad sa ABS.Teka umaasa ba akong makita siya?Ang labo mo naman vice.

BET KITA BAKIT?| ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon