Anna's POV
Ilang araw na lang at prom na namin at..
Birthday ko na.
Ang lungkot kasi mawawala na ako. Hindi ko na makikita si Mama, si Tita, si Emily, si Nathan at si Felix.
Sana hindi na lang ako mawala.
Nagring cellphone ko.
Si Emily tumatawag.
Kinuha ko yung cellphone ko at sinagot ko yung tawag.
"Hello". Ako
"Anna, papunta kami ni Nathan dyan sa bahay niyo. Gusto ko pag dating namin diyan, nakabihis ka na". Emily
"Bakit? Para saan ?". Ako
"Basta kailangan nakabihis ka na". Emily
"Sige". Ako
"Okay, bye!". Emily
Binaba na nya.
Tumakbo ako sa kwarto at kinuha ko yung twalya ko at pumunta na ng banyo.
Binilisan ko na yung ligo ko.
*Shampoo shampoo*
*Sabon sabon*
*buhos buhos*
Tapos ! O di ba, ganyan maligo.
Nagpunas na ako at lumabas na ako ng banyo.
Binuksan ko yung cabinet ko.
Ano kaya isusuot ko ?
Ahh! Ito ma lang
Kinuha ko yung long sleeve na kulay pink at yung pantalon.
Nagbihis na ko.
Pagkatapos nagsapatos na ako ay lumabas ako ng kwarto.
Nagtoothbrush ako.
Siyempre kailangan hindi bad breath.
Pagkatapos may nagdoorbell.
Sila na ata yun.
Binuksan ko yung pintuan.
"Hi Anna! Ready ka na?". Emily
"I was born ready". Ako
"Hahaha! Ngayon ka lang ata masaya ah". Nathan
"Kailangan maging masaya din paminsan minsan. Ayaw ko nang mamaga mga mata ko". Ako
"Tama yan. O tara na?". Emily
Nagpaalam kami kay mama at kay tita at umalis na kami.
----
Nakasakay kami ng kotse.
Saan kaya ako dadalhin ng mga to?
"Anna, isuot mo itong blindfold". Emily
Aba may blindfold pa ah. Surprise?
Alam nyo ba hindi ako mahilig sa mga surprise kasi dati prinank ako ng mga kaklase ko sa school namin dati, akala ko surprise. Pagkatanggal sa akin ng blindfold, binuhusan ba naman ako ng malamig na tubig.
Kaya ayaw ko na ng surprise.
Kinuha ko yung panyo at nilagay ko sa mata ko.
"Baka mamaya, joke lang to ah". Ako
"Hindi naman Anna". Emily
"O baba na tayo". Nathan
Bumaba na kami ng kotse.
"Dahan dahan". Emily
Lumakad na kami
"Ang tagal naman". Ako
"Sandali lang, wag kang excited". Emily
Lumakad pa kami
.....
Tumigil kami sa paglalakad.
"O, nandito na tayo". Nathan.
"Tanggalin mo na blindfold mo". Emily
Tinanggal ko yung blindfold
At pagkatanggal ko...
Wow..
Nasa isang garden kami.
May table na naka set dun sa gitna.
Tapos may banner. Nakasulat, 'We Love You, Anna'.
"Para to sa akin?". Ako
Naiiyak na ko ahh.
"Oo Anna, para sayo lahat yan". Emily
"Wag kang iiyak, dapat masaya di ba?". Nathan
"Oo naman". Ako
Pumunta na kami ng table.
Kumain kami at nagkwentuhan.
Kasama ko si Emily at Nathan. Wala nga lang si Felix.
Kamusta na kaya siya?
Hindi man lang kami nagkaka usap kahit nasa harapan ko lang yung upuan niya.
Talagang iniiwasan niya ako.
Pero di bale, masaya naman ako ngayong araw na to.
Sana ganito palagi
At sana hindi matapos itong araw na to.
Hayy.
--- End of Chapter 22 ---

BINABASA MO ANG
Magic Between Us
Teen FictionIsang witch girl na si Anna Vedan ang sinumpa na habang buhay na walang kaligayahan. Kailangan mahalikan siya ng isang lalaki sa kanyang kaarawan kundi mawawala siya na parang bula. Pero kapag siya naman ay nahalikan, hindi siya mawawala pero ang la...