Felix' POV
Pupunta ako ng locker ko
Dumating si Francine
Hay naku! Siya na naman.
"Hi Felix! Punta na tayo sa canteen". Francine
"Sandali lang, may ilalagay lang ako sa locker ko". Ako
"Okay". Francine
Nakita ko si Anna, Emily at Nathan na naglalakad sa hallway.
Mukhang ang saya niya ngayon.
Buti naman hindi na siya malungkot at umiiyak.
Hinawakan ako ni Francine sa kamay ko.
Ito na naman tayo. Nakita na naman niya si Anna.
Tumingin sa amin si Anna.
Lumungkot yung mukha niya.
Pero nagpatuloy lang sila sa paglalakad.
Paglagpas nila sa amin, binitiwan ko agad yung kamay ni Francine.
"Ano ba!". Francine
Hindi ko siya pinansin at tumingin agad ako kay Anna.
Pasensya ka na Anna. Hindi ko talaga masabi sayo na mahal pa kita...
Sorry talaga.
------
Anna's POV
Nakita ko sila Felix at Francine sa hallway na naglalakad at nagkaholding hands.
Bakit ayaw ako tigilan ni Francine?
Talagang ipinapamukha niya sa akin na sila na talaga.
"Bibili na ako ng pagkain natin". Nathan
Pumunta na si Nathan sa counter.
"Wag kang titingin sa table nila Felix". Emily
"Okay, sige". Ako
Hindi na ako titingin ayaw ko nang makita silang magkasama.
Nasasaktan lang ako.
"Dalawang araw na lang pala". Emily
"Oo nga". Ako
"Ma-mimiss kita". Emily
Tumulo luha niya.
"Ano ka ba Emily, ikaw naman ngayon ang umiiyak". Ako
"Hindi ko mapigilan eh". Emily
"Naku Emily, naiiyak na din ako". Ako
"Pasensya na. Basta mamimiss kita". Emily
Niyakap niya ako.
Parang ayokong mawala pero hindi pwede.
Sana hindi na lang ako sinumpa.
Dumating na si Nathan
"O bakit kayo nag-iiyakan diyan?". Nathan
"Ano ka ba Nathan, dalawang araw na lang birthday na ni Anna. Ibig sabihin, dalawang araw na lang mawawala na siya". Emily
"Oo nga pala, Anna. Eh bakit kayo umiiyak? Baka mamaga na naman yung mata ni Anna". Nathan
"Sige tama na to, kumain na tayo". Anna
"Oo nga, ang dami dami ko pa namang inorder na pagkain". Nathan
"Sige kain na tayo. Siya nga pala Anna, aattend ka pa rin ba sa prom natin?". Emily
"Oo, hanggang hating gabi lang ako. Pagkatapos nun mawawala na ako". Ako
"Pinapaiyak mo ba ako?". Emily
"Hindi Emily". Ako
Nag ring cellphone ko.
Si Mama nagtext
Anna, babalik muna kami ng tita mo sa lugar natin. May gagawin lang kami at pag uusapan.
"Sino yan?". Emily
"Si mama, aalis daw muna sila ni tita. Babalik sila sa lugar namin". Ako
"Ahh. Pwede ba dun muna kami matulog ni Nathan mamaya?". Emily
"Oo naman!". Ako
"Sige, sabi mo yan ah". Nathan
Ngumiti ako sa kanila.
Buti na lang may kaibigan akong katulad nila.
Sinusulit nila ang mga araw na kasama ko sila.
Isa silang tunay na kaibigan.
--- End of Chapter 23 ---
BINABASA MO ANG
Magic Between Us
Teen FictionIsang witch girl na si Anna Vedan ang sinumpa na habang buhay na walang kaligayahan. Kailangan mahalikan siya ng isang lalaki sa kanyang kaarawan kundi mawawala siya na parang bula. Pero kapag siya naman ay nahalikan, hindi siya mawawala pero ang la...