Anna's POV
Dalawang araw ang nakalipas nung pinagtapat ni Felix ang totoong nararamdaman niya para sa akin
Nagulat nga si Tita ng sinabi ko yun ehh
Hindi daw siya kasi makapaniwala.
Anna, mahal kita
Hayy ! Sumasakit na yung utak ko kakaisip sa sinabi sa akin ni Felix.
Nagring cellphone ko
Si Emily nagtext sa akin
Anna punta ka na lang dito sa bahay ng 1:30 pm
Oo nga pala birthday ng mama niya.
Lumabas ako ng kwarto.
"Tita 1:30 pm daw po tayo pumunta kanila Emily". Ako
"Okay sige. Siya nga pala Anna, may binigay na sulat ang mama mo sa akin". Tita
Buti na lang nagpadala ng sulat si mama.
Namimiss ko na kasi siya eh pati si papa.
Binigay sa akin ni Tita yung sulat at binuksan ko.
Dear Anna,
Kamusta ka na dyan anak? Nagkaroon ka na ba ng bagong mga kaibigan?
Ayos lang kami ng papa mo dito. Kaya wag ka ng magalala sa amin. Siya nga pala, meron na bang lalaking nagkakagusto sa iyo dyan? Pasensya na kung naitanong ko sayo yan. Nagaalala lang naman ako para sayo.
Dalawang buwan na lang kasi birthday mo na.
Tumulo yung luha ko.
Sana maging mabait ka sa tita mo at huwag kang maging pasaway.
Huwag kang susuko sa sumpa, magpakatatag ka lang. Gagawan namin ng paraan para hindi na matuloy ang sumpa.
God bless you anak, Mahal na mahal ka namin ng papa mo.
----- Mama
Opo mama susundin ko po kayo
Magpapakatatag ako at hindi ako susuko.
"Ayos ka lang, Anna?". Tita
"Opo, ayos lang ako". Ako
------
Emily's POV
Birthday na ngayon ni mommy.
Sana matuwa siya sa regalo kong sweater para sa kanya.
Ilalagay ko na sana sa paper bag ng natapunan ito ng juice na iniinom ko.
NOOOOO !!!
Kainis na juice to !!!
Paano na to ngayon ?!
May biglang pumasok sa kwarto ko
Si Anna !
"Hi Emily!". Anna
Tinago ko sa likuran yung sweater
"H-Hi Anna!". Ako
"Pinapunta ako dito ng mama mo. Ano yang tinatago mo sa likuran mo?". Anna
Paano na to, makikita niya.
"Ahh, w-wala to". Ako
Lumapit siya at hinablot yung sweater.
"Regalo mo sa mama mo?" Anna
Wala na, nakita na niya
"Oo, pero natapunan ng juice. Hindi ko alam gagawin ko". Ako
Tinignan ni Anna yung sweater.
Ano ng gagawin ko?
Alangang di ko na ibigay yung sweater kay mama.
Sayang naman
Hay!
*Isip isip*
Si Anna ay isang witch kaya may powers siya
Biglang pumasok yan sa isip ko
Oo nga pala nohh, witch si Anna kaya may powers siya.
BINGO !
"Anna, isa kang witch di ba?" ako
"Oo, bakit?" Anna
"Pwede mo bang tanggalin yung juice dyan sa sweater na yan?" Ako
Tumingin siya sa akin
*pout* "Please Anna". Ako
"Sige, para sayo". Anna
"Yehey! Thank you Anna!" Ako
Hinug ko siya.
-------
Nathan's POV
Kakadating ko lang kanila Emily.
"Hello po Tita, Happy Birthday!" Ako
"Thank you, Nate. Si Emily nga pala nasa kwarto niya kasama si Anna. Umakyat ka na lang". Tita.
"Sige po". Ako
Umakyat ako sa taas.
Pagkaakyat ko sa taas may nakita ako lumiliwanag sa kwarto ni Emily.
Ano yun ?
Nilapitan ko.
Sumilip ako. Nakabukas kasi ng kaunti yung pintuan.
⊙_⊙
Ano yun ?! Si Anna may p-powers ?!
Nahulog yung bag ko
Anu ba yan !!
"Sino yan?". Nagsalita si Emily
Binuksan niya yung pinto
Tatakbo sana ako pero nakalabas na siya at nakita na niya ako ehh.
"Nathan?!" Emily
Lumabas si Anna
⊙_⊙
Reaksyon ni Emily at Anna
"S-sorry, hindi ko sinasadyang makita yun". Ako
Hinila ako ni Emily papasok sa kwarto niya.
Sinarado niya yung pinto
"Wag na wag mong sasabihin kahit kanino yung nakita mo kanina ah". Emily
"Oo, promise". Ako
"Nathan please, wag mong sasabihin na may powers ako". Anna
"Bakit ka pala may powers?". Ako
"Isa akong witch". Anna
Tama ba dinig ko?
Isa siyang witch ?!
Paano nangyari yun ?!
"Wag mong sasabihin kahit kanino na isa akong witch, kahit kay Felix". Anna
"Oo, huwag mo din sasabihin kay Felix, magpromise ka". Emily
"Oo, sige promise. Hinding hindi ko sasabihin yun kahit kanino". Ako
"Salamat Nathan". Anna
"O sige na. Bumaba na tayo. Baka hinihintay na tayo ni mommy". Emily
So, isang witch si Anna.
Hindi ko ito pwedeng sabihin sa ibang tao kahit kay Felix
Nangako kasi ako eh.
Wait lang bakit ayaw nila ipaalam kay Felix ? Ano namang masama dun eh kaibigan naman namin si Felix.
Teka lang...
Oo nga pala, tungkol sa mga magulang ni Felix.
Kaya hindi ko talaga pwedeng sabihin.
Baka magalit pa siya kay Anna.
--- End of Chapter 15 ---
BINABASA MO ANG
Magic Between Us
Novela JuvenilIsang witch girl na si Anna Vedan ang sinumpa na habang buhay na walang kaligayahan. Kailangan mahalikan siya ng isang lalaki sa kanyang kaarawan kundi mawawala siya na parang bula. Pero kapag siya naman ay nahalikan, hindi siya mawawala pero ang la...