Sandy 's POV
Hindi maari ito. Bakit naman sinumpa ni Ate Sabrina ng ganito ang anak ko?
Mawawala siya na parang bula kapag hindi siya nahalikan ng isang lalaki. Wala ngang nagkakagusto sa anak ko, wala nga siyang kaibigan sa eskwelahan nila. Paano siya hahalikan ng isang lalaki?
"John paano na to? ". Tanong ko sa asawa ko.
"Hindi ko rin alam, Sandy". Sagot nya.
"Bakit kasi isinumpa pa siya ni Ate? Kawawa naman ang ating anak ". Ako
"Siguro kailangan muna nating ilayo si Anna kay Sabrina". Sabi nya
"At saan no naman papapuntahin si Anna?". Tanong ko
"Sa mundo ng mga tao". Sabi niya
Natigilan ako sa sinabi nya. Sa mundo ng mga tao pupunta si Anna para malayo lang kay Sabrina?
Diyos ko po
"Bakit doon pa? " Ako
"Kailangan nyang malayo kay Sabrina. Kaya pumayag ka. Para sa ikabubuti ni Anna". Sabi nya
Tumulo ang luha ko.
"Sige. Papayag ako". Sabi ko
Papayag ako para sa ikabubuti ng anak ko.
Niyakap ako ni John.
------
Anna's POV
Anong gagawin ko? Paano na ito?
Bumaba sa hagdanan si mama at papa. Dala ang isang maleta.
Ano ito lalayas sila? Iiwan nila ako?
"Anak. Kailangan mong umalis dito. Para malayo ka sa Tita Sabrina mo". Papa
"Saan naman po ako pupunta?". Ako
"Sa mundo ng mga tao. Sumama ka muna sa Tita Marie mo". Mama
Tama ba ang rinig ko. Sa mundo ng mga tao?
"Pero paano po kayo? ". ako
"Huwag mo na kaming intindihin anak, tatapusin namin ang problemang ito". Papa
Tutulo na sana ang luha ko pero pinigilan ko. Ayokong umiyak sa harapan nila baka umiyak din sila.
"Tara na, Anna". Sabi ni tita.
"Sige po". Ako
Hinalikan ako ni mama at papa sa noo.
Umalis na kami ni Tita.
----
"Tita nandito na po ba tayo?" Tanong ko.
Mahigit isang oras na kaming bumabyahe.
"Oo Anna. Nandito na tayo". Tita
Bumaba na kami ng kotse.
At pumasok kami ng building.
Pumunta si tita sa counter at umupo naman ako
"Nice nress ngirl". Sabi ng katabi ko sa upuan.
Ano daw? Hindi ko naintindihan sinabi nya.
Tinawag siya ng isang babae.
"Singe, mye!". sabi nung katabi ko.
Hindi ko pa rin naintindihan ung sinabi nya.
Ngo ngo ata.
"Anna, halika na punta na tayo sa kwarto natin". Tita
Umakyat na kami papunta sa kwarto namin.
"Nandito na tayo". Tita
Binuksan ni tita ang pintuan at..... Whoah!
Ang ganda sa loob!
"Ang ganda po tita". Sabi ko
"Buti naman nagustuhan mo kahit maliit lng". Tita
"Okay lang po yan tita. Atleast may titirahan tayo". Ako
Ngumiti sa akin si Tita.
At pumasok na kami ng kwarto.
--- Chapter 5 ---
(Soon)
BINABASA MO ANG
Magic Between Us
Teen FictionIsang witch girl na si Anna Vedan ang sinumpa na habang buhay na walang kaligayahan. Kailangan mahalikan siya ng isang lalaki sa kanyang kaarawan kundi mawawala siya na parang bula. Pero kapag siya naman ay nahalikan, hindi siya mawawala pero ang la...