Chapter 5

39 0 0
                                    

Anna's POV

Hayy ! Panibagong araw na naman

"Anna ready ka na ba pumasok sa bago mong school? ". Tita

"Opo tita". Ako.

Kukunin ko sana yung wand ko pero kinuha agad ni tita.

"Hindi mo pwedeng gamitin itong wand mo dahil hindi ka naman mag aaral dito ng magic". Sabi ni Tita

"Ahh ganun po ba. Sige po". Ako

"Basic magic lang yung pwede mong gamitin dito,pero wag mong ipapaalam sa mga tao na may powers ka.Tara na alis na tayo". Tita

"Okay po".  sabi ko

Umalis na kami at pumunta na sa bago kong school.

May kotse naman kami kaya hindi na kami mag aantay ng sasakyan sa labas.

Ano kayang itsura ng school?  Sana kasing ganda ng Molivia High.

Buti na lang walang pag aaral dun tungkol sa magic. Ibig sabihin wala nang mga orb...  WOOPP !! WOOOPPP !!

(After 30 minutes)

Nandito na kami sa school.

Wew.. Ang laki din pala ng school na ito.

"Tara na pasok na tayo". Sabi ni Tita.

Pumasok na kami sa loob.

"Doon ka pumunta sa admission office kasi may pupuntahan pa ako". Tita

"Sige po". Ako

Naglakad na ako papunta sa admission office.

Sana naman mababait yung mga kaklase ko at walang mayayabang. Sana magkaroon na rin ako ng mga kaibigan.

Pero paano ako magkakaroon ng kaibigan?  Sinumpa ako at isa akong witch. Siguro wala na...

*boogsh*

Nalaglag mga gamit ko. May nakabunggo na naman kasi ako ehh.

"Ay sorry po! ". Ako

Pinulot ko mga gamit ko.

"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh". Sbi nya.

Aba ang sungit nitong lalaking to ah. Hindi na nga ako tinulungan pulutin mga gamit ko eh.

"Sorry po ahh !". Sabi ko sa naiiritang boses.

"Dapat lang". Sabi nya.

Bwiset na to. Hindi rin naman siya tumitingin sa dinadaanan nya eh. Dahil busy sya sa cellphone at may nakapasak pa sa tenga nya.

Mabigyan nga ng karma to

Matalisod ka sana. Ginamitan ko sya ng powers ko.

Hahahahaha ! Natalisod nga siya. Hahahaha!

"Buti nga sayo ". Sabi ko sa pabulong na boses.

----

Hay sa wakas! Makakapunta na rin ako sa room ko.

"Nandito ka na sa room mo Ms. Vedan". Sabi ng babae.

"Sige po, thank you ".

Umalis na yung babae.

Pumasok ako sa room at..

"Nandito na pala ang bago nyong classmate ". Sabi ng Teacher.

Pinatayo ako sa harapan. Ito ang ayaw ko kapag bago ako sa isang paaralan eh, yung kailangan pang magpakilala.

"Introduce yourself". Teacher

Hay naku!

"Hello everyone!  I'm Annalisa Vedan. Nice to meet you". Ako

"Okay class. She is Annalisa Vedan, your new classmate". Teacher.

May nakita akong bumulong na lalaki sa katabi niya.

"Annalisa? Ang baduy. Parang Monalisa". sabay tawa.

Bulong ba yun?  Bakit rinig dito?

Tinignan ko siya na nanlilisik na mata.

Tatahimik ka rin pala sa tingin ko ehh. Kung hindi lang ako nasa harapan nasapak na kita.

Tinignan ko ang mga kaklase ko.

..

Teka lang.... Siya ba yung lalaking nakabunggo ko kanina sa hallway?

Tumingin siya sa akin.

WHAT THE HECK?!

SIYA NGA! !

"Okay,  Anna. Pwede kang umupo dun sa bakanteng seat na un". Teacher

Naku po sa likod niya ? No way!

Pero kailangan eh. Alangan umupo ako sa sahig.

"Sige po ma'am". Ako

Pumunta ako sa upuan ko. Medyo okay naman kasi nasa gitna. Pero nasa harapan ko yung lalaking nakabunggo ko kanina ehh.

Hindi pa rin nagsosorry tong lalaki na to kahit alam nyang nandito na ko sa likod nya.

Hayaan mo na nga yan Anna. Makakahanap ka rin ng kaibigan mo. At hindi siya yun.

*Lingon Lingon*

Ngumiti sa akin yung babae sa right side ko. At nginitian ko din sya.

Sana maging friends kami. I mean Bestfriends.

--- Chapter 6 ---

(Soon)

Magic Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon