Anna's POV
Iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung mapapahamak at kung sino si Sabrina.
*boogsh*
"Aray! ".Ako
May nabunggo akong babae. Di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko eh. Yan tuloy.
"Ayos ka lang ba? ". Tanong ng babae.
Wow! ang ganda niya. Parang may kahawig siya...
"Opo ayos lng po ako". Sagot ko
"Buti naman". Sabi nung babae
"Pasensya na po ah. Sige po mauna na ko". Ako
Lumakad na ako. At tiningnan ko siya. Nakangiti siya sa akin.
Nagawa pa nyang ngumiti ahh.
Pero may kamuka pa rin siya eh..
-----
Hayyy nakakapagod!
Kakauwi ko lang galing school
Nakakinis nga eh may assignment na naman kami ehh.
"Anna kain na tayo". Sabi ni mama
"Opo, magbibihis lng po ako". sagot ko
Umakyat ako sa taas at pumunta ng kwarto.
Nagpalit ako ng damit at kinuha ko ang notebook ko sa bag.
Ano nga ba ung assignment? Tinignan ko sa notebook.
"How to make a red orb". sabi ko
WHATTTTT ?! ORB NA NAMAN!
Ilan bang kulay ng orb ang meron dito sa mundo?!
Hayy buhay!!
Bumaba na ako para kumain
"Anna pwede mo dalin to sa opisina ng papa mo? ". Mama
"Ano po yan? " . Tanong ko.
"Pagkain. Hindi daw kasi uuwi ang papa mo mamaya". Sabi ni mama
"Ah. Sige po". Sagot ko.
-----
Nandito na ako sa opisina ni papa. Papasok na sana ako sa loob nang nakita ko siya na may kausap na babae.
Teka lang sino yun? Parang si mama.
Pero imposible, nasa bahay si mama ehh.
Tinignan ko siyang mabuti.
Wait a minute.. I know her. Siya yung babaeng nakabunggo ko kanina ahh. Sabi na nga ba kamuka nya si...... MAMA ?!
Paanong si mama?
"Tantanan mo na ako. Pati ang pamilya ko! " Sigaw ni papa.
Nag aaway ata sila.
"Bahala ka kung ayaw mo ! Hinding hindi ko tatantanan ang pamilya mo, lalong lalo na ang nag iisa mong anak!". Sabi nung babae
Teka lang.. ako? Bakit ako nasali sa usapan?
"Saan ka pupunta? " Tanong ni papa sa babae.
"Wala kang paki alam!".Sagot ng babae.
Umalis na yung babae.
Kinuha ni papa ang gamit niya at sinundan yung babae na yun.
Saan naman kaya sila pupunta?
Kinakabahan ako ah. Baka may mangyari ng masama.
-----
Pagka dating ko sa bahay. may naririnig akong nagsusumbatan.
Sila kaya yun?
Nasa labas ng pintuan sila mama at papa
"Mama, Papa! " Sigaw ko.
"Anak halika dito". Hinila ako ni papa.
"Oh. Andito na pala ang inyong anak". Sabi nung babae sa akin.
"Ano po bang nangyayari dito ?". Tanong ko
"Wala anak..." Papa
"Kasalanan ng magulang mo!". Sigaw ng babae.
"Ate Sabrina, tigilan mo na to". sabi ni mama.
Ate? Ate siya ni mama? Kaya pala magkamuka sila ni mama. Ibig sabihin Tita ko siya. At siya pala si Sabrina.
"Anong tama na? Hinding hindi ako titigil!". sigaw ng babae.
Nilabas niya ang kanyang wand.
"Isinusumpa ko ang inyong anak, hinding hindi na siya muling liligaya pa".
Biglang dumilim ang langit at kumidlat.
"Kapag hindi siya nahalikan ng isang lalaki sa kanyang susunod kaarawan siya ay mawawala na parang bula!". Sabi ng babae.
Ano? Bakit nya ako sinusumpa?
"Paano naman kung siya ay nahalikan ng isang lalaki?". Tanong ni papa.
"Siyempre hindi siya mawawala. Kundi ang lalaking humalik sa kanya ang mawawala ". Sabi niya. "At saka hindi lang ito basta halik. Kailangan halik ng pagmamahal".
Ibinigay niya sa akin ang sumpa.
Napaupo ako.
"Anak. Ayos ka lang?". Mama
Biglang nawala yung babae
Sabi na nga ba may mangyayaring masama sa akin.
Hindi ako makapaniwala sa nang yari.... Bakit ganitong sumpa?
--- Chapter 4 ---
(Soon)

BINABASA MO ANG
Magic Between Us
Ficção AdolescenteIsang witch girl na si Anna Vedan ang sinumpa na habang buhay na walang kaligayahan. Kailangan mahalikan siya ng isang lalaki sa kanyang kaarawan kundi mawawala siya na parang bula. Pero kapag siya naman ay nahalikan, hindi siya mawawala pero ang la...