SEVEN YEARS LATER...
"KUMUSTA ang training ng mga magiging empleyado?" tanong ni Gogoy sa kay Jefti.
"So far, so good. In due time, puwede nang mag-start ang operation ng Mondejar Cars Incorporated." Sagot niya.
"Kaka-double check ko lang ng buong security system, everything's set." Sabi naman ni Miguel.
"So, kelan na ang opening natin?" tanong ni Jester.
"Next Month," sagot naman ni Kevin.
"Marisse, nakahanda na ba 'yung mga gagamiting opisina sa showroom?" tanong ni Gogoy.
"Oh yes! Wala ng problema doon. At ang computers na gagamitin ay i-install nila next week." Sagot nito.
"Exciting 'to!" masayang komento ni Wesley.
"Right. I can't wait to see the cars." Sang-ayon naman ni Wayne.
"Speaking of that, kelan ang shipping ng mga kotse?" baling ni Gogoy kay Kevin.
"Darating na 'yon in two weeks."
"Ayos na ba sa Customs? Baka mamaya magka-aberya pa." tanong naman ng kadarating lang na Lolo nila.
Mabilis silang lumapit dito, at nagmano sila pati sa Lola Dadang nila. Kakagaling lang ng mga ito sa Pampanga. Naisipan nitong bisitahin ang bahay nito doon kasama si Inday, ang kasambahay nila. Kasama rin sina Mark, Karl at Glenn.
Naupo muna ito sa bakanteng silya doon sa dining area kung saan sila nagme-meeting.
"Marisse, kuha ka ng tubig para kila Lolo," utos ni Marvin sa kakambal.
"Ayos na po, Lolo. Nalakad ko na rin po 'yon," sagot ni Kevin.
Nagdala ng isang pitsel na malamig na tubig at ilang baso si Marisse. Pinaglagay pa nito ang dalawa ng tubig sa baso. Saka inabot dito.
"Kumusta ya ing bale Pampanga?" tanong ni Marvin sa wikang Kapampangan, na ang ibig sabihin ay 'Kumusta po ang bahay sa Pampanga?'
"Ayus neman. Simap sesesen deng mayap. Maging ang mga koleksiyon ko ay nasa mabuti pa rin kalagayan," sagot nito. 'Ayos naman. Mabuti na lang naaalaagaan ng maayos' ang sabi nito sa una. Ang tinutukoy nito ay ang koleksiyon nito ng mga Vintage Cars.
"Kumusta ya ing byahi, 'Lo?" tanong naman niya dito.
Umiling ito saka tinuro ang Lola niya. "Oyni apu mu! Mangapali ne! Kaya wala kaming ginawa kundi huminto ng huminto. Binabalisawsaw na naman." reklamo nito.
Nagtawanan sila. Ihi daw ihi si Lola Dadang kaya naiinis si Lolo Badong. Mayamaya ay inagaw ni Lola Dadang ang tungkod nito at inamba sa esposo nito.
"Heh! Damuhong 'to! Nagreklamo ka pa! Alam mo naman itong pantog ko! Mabilis mapuno!" depensa nito sa sarili.
"Aruuu! Napaka-pikon mo, nagbibiro lang ako." Depensa din nito sa sarili.
"O siya, maiwan ko muna kayo't magpapahinga na ako. Hapong-hapo ako sa byahe." Paalam ni Lola Dadang.
"Goodnight Lola!" sabay-sabay nilang wika.
"I think that's it for now. Mag-meeting na lang ulit tayo few weeks before the grand opening. Kung magkaaberya man bago ang opening day, please let me know." Paalala naman ng isa sa pinsan niyang si Gogoy. Ito ang napagkasunduan nilang maging CEO ng Mondejar Cars Incorporated. Bilang pinakamatanda sa kanilang magpi-pinsan.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 6: Jefti Tinamisan
Romance"You're all I ever wanted. And nothing in this world can ever compare the joy that you bring in my life." Teaser: Wala pa man din muwang sa mundo ay magkaibigan na si Jefti at Sam. Sanggang-dikit. Partners in Crime. Punching Bag. Crying Shoulder. C...