PAPUNTA na sila sa parking area mula sa hotel kung saan binaba ang lahat ng pasahero ng naturang yate. Doon din kasi nito pinarada ang kotse nito. That day was the best day of her life. Kahit na nabahiran ng lungkot ang araw na iyon, dahil sa magiging busy ito sa trabaho. Masaya pa rin siya dahil, they just had a wonderful and romantic dinner over cruise.
"Ano? Nag-enjoy ka?" tanong nito.
Tumango siya. "Oo naman." sagot niya, sabay sulyap sa kamay niyang hawak nito. Hindi na siya nagprotesta pa. Hinayaan na lang niya, dahil ayaw din naman niya ang ideyang bibitiwan siya nito. At gusto niya ang pakiramdam na nakakulong ang kamay niya sa kamay nito. She felt safe and totally secured.
"Ganito ka ba ka-sweet sa mga babae mo?" pabirong tanong niya.
Kunot-noong tinignan siya nito. Pagkatapos ay pinisil ang ilong niya.
"Aray!" daing niya, sabay hampas sa kamay nito.
"Kung makapagsabi ka ng "mga babae". Miss Samantha Lei Gonzales, for your information. Ikaw lang trinato ko ng ganito," pagmamayabang pa nito.
Natawa siya. "Joke lang 'to naman," aniya.
"Ikaw? Ilan na sa naging boyfriend mo ang gumawa sa'yo ng ganyan?" balik-tanong nito.
Nagkibit-balikat siya. "Waley," sagot niya.
Napailing ito habang natatawa. "Nahahawa ka na sa pananalita ni Olay ah?"
Ngumisi lang siya dito. Habang naglalakad, bigla silang napahinto ng harangin sila ng tatlong lalaki. Pawang may kalakihan ang katawan ng mga ito at may dalang balisong ang isa. Nabalot siya bigla ng takot. Hinawakan ng mahigpit ni Jefti ang kamay niya, pagkatapos ay tinago siya nito sa likod ng matipunong katawan nito.
"Jefti," bulong niya. "Halika na, umalis na tayo." Natatakot na wika niya.
"Huwag kang lalayo sa akin. Diyan ka lang. Kapag sinugod nila ako, tumakbo ka agad, humingi ka ng tulong." Sa halip ay sabi nito.
"Huwag ka ng lumaban. Baka kung mapaano ka pa." aniya.
"I'll be fine." Wika nito, pagkatapos ay hinarap nito ang tatlong lalaki.
"Ano bang gusto n'yo? Pera? Cellphone? Ibibigay namin sa inyo. Huwag n'yo lang kaming sasaktan." Sabi pa nito.
Nagtawanan ang tatlo. Maging ang tunog ng tawa ng mga ito ay nakakatakot. Halatang mga halang talaga ang kaluluwa ng mga ito.
"Mayroon pa bukod doon." Anang isa.
"Ang kasama mo." Sabi naman ng isa.
Nanlaki ang mata niya. Napayakap siya sa beywang ni Jefti ng mahigpit. Habang pinoproteksyunan naman siya ng mga braso nito. Nangilabot siya ng husto. Hindi siya papayag na mapunta sa tatlong demonyong iyon.
"Pasensiya na, Pare. Pero hindi ko siya pwedeng ibigay sa'yo." Sagot ni Jefti.
"Bakit hindi? Hihiramin lang namin s'ya." Sabi naman ng pangatlo.
"Kunin n'yo na lahat nang pera ko, pati kotse ko kung gusto n'yo. Pero hindi ko puwedeng ibigay pati ang babaeng mahal ko!" sagot ni Jefti.
Gulat na napalingon si Sam dito. Sa gitna ng panganib, biglang nabalot ng saya ang puso niya. Hindi niya alam kung tama ang narinig niya, o naghahalucinate lang siya dahil sa takot. Nang lumingon ito sa kanya at nagtama ang mga mata nila. Nakita niya ng malinaw ang pag-ibig nito para sa kanya. Gusto niyang lumundag sa saya. Tila pinawi niyon ang takot niya.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 6: Jefti Tinamisan
Romance"You're all I ever wanted. And nothing in this world can ever compare the joy that you bring in my life." Teaser: Wala pa man din muwang sa mundo ay magkaibigan na si Jefti at Sam. Sanggang-dikit. Partners in Crime. Punching Bag. Crying Shoulder. C...