CHAPTER FIVE

4.2K 106 13
                                    

ISANG linggo na ang nakakalipas matapos ang una niyang date kasama si Wayne. Sa loob ng ilang araw na iyon, naging totoo ito sa sinabi nito sa Papa niya. Nanligaw nga ito sa kanya. Halos gabi-gabi pagkagaling nito sa practice game nito, ay dumadaan ito sa bahay nila o kaya naman sa Fairytales para lang bigyan siya ng kung anu-ano. Na-appreciate naman niya lahat ng iyon, at natutuwa siya dahil magalang at mabait ito. Ngunit, ang puso niya ay tila ba hinahanap ang presensiya ng iba.

Sa loob ng isang linggo din na iyon, ay hindi sila halos nagkikita ni Jefti. Hindi man lang ito pumupunta kagaya ng nakagawian nito. Kahit text o tawag ay hindi man lang nito ginagawa. Kaya sa tuwing tumutunog ang cellphone niya, puno ng pag-asa ang puso niya na si Jefti iyon. Ngunit palagi siyang bigo.

Sabado ng hapon. Dahil weekend, wala siyang trabaho sa Fairytales. Wala din naka-book na event para sa araw na iyon. Kaya ang drama niya ngayon, ay tumunganga. Lumabas siya at pumunta sa tindahan ni Kim.

"Kim," aniya dito. Nagtagpuan niya itong nanonood ng koreanovela.

"Uy, Sam! Ano na?" bati nito sa kanya.

"Wala akong magawa eh." Sabi niya.

"Punta ka kay Jefti, nandoon siya sa Restaurant n'ya." anito.

Umingos siya, saka sumulyap sa tinutukoy nito. Umiling siya.

"O bakit ganyan ang reaksiyon mo? Nag-away ba kayo ni Jefti? Himala." Sabi pa nito.

"Hindi naman. Hindi lang kami nagkikita. Ewan ko diyan, busy yata." Paliwanag niya.

Ito naman ang umingos. "Weh? Busy? Talaga sinabi n'ya 'yon?" paniniguro pa nito.

"Oo," usal niya.

Nagkibit-balikat lang ito.

Ilang sandali pa, dumating ang iba pa nilang mga kaibigan. "Kumusta na sa Fairytales?" tanong ni Marisse sa kanya.

"Okay naman. Medyo pahinga kami ngayon. Walang masyadong event." Sagot niya.

Pagkatapos maayos ang problema nito sa ngayon, ay nobyo na nitong si Kevin. Nag-lie low ito sa Fairytales, para bigyan naman ng oras ang pag-ibig nito at ang family business ng mga ito na balita niya ay malapit ng magbukas.

"Balita ko nanliligaw si Wayne sa'yo ah." Sabi pa ni Razz sa kanya.

"Grabe, huwag nga natin pag-usapan 'yan. Na-stress lang ako." Aniya.

"At bakit? Ayaw mo ba sa kanya?" tanong ni Kamille.

"Hindi naman sa ayaw, kaso, kaibigan lang talaga turing ko sa kanya." sagot naman niya.

"Sinabi mo na ba sa kanya 'yan?" tanong din ni Sumi.

"Oo, noong first date namin. Pero nakiusap siya sa akin na bigyan ko daw muna siya ng pagkakataon para patunayan niya ang sarili niya." paliwanag niya.

"Tindi ah! Loverboy ang dating!" sabi pa ni Jhanine.

Hindi lang niya masabi na ang siyang nakaka-stress talaga sa kanya ay ang hindi paglapit sa kanya ni Jefti. Naputol ang pag-iisip niya ng biglang may lumipad na papel sa harap niya. Napapitlag siya at napaatras. Dinampot niya iyon, saka siya napangiti. Eroplanong Papel. Isang tao lang ang alam niyang gagawa niyon sa kanya.

Mabilis na naghanap ang mga mata niya, maging ng puso niya. Mayamaya, isang eroplanong papel na naman ang lumipad sa harap niya. Agad siyang tumingala. Natawa siya dahil naroon at nakaupo sa itaas ng malaking sanga si Jefti, habang kumakain ng mangga.

Car Wash Boys Series 6: Jefti TinamisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon