CHAPTER NINE

3.8K 99 3
                                    

"ANO ba ang gagawin natin sa labas?" tanong ni Sam kay Razz, habang pilit niyang binabawi ang kamay niyang mahigpit nitong hawak.

"Papaarawan ka! Anak ka ng tinubuang lupa! Isang linggo ka nang hindi lumalabas ng bahay ah!" sagot nito, sabay hila ulit sa kanya.

"Lumalabas ako! Pumapasok ako sa trabaho! Bitiwan mo nga ako!" depensa niya sa sarili, saka siya napahawak sa hamba ng pinto gamit ang isang kamay niya.

"Tse! Lumabas ka! Hindi mo pwedeng taguan ang problema!" anito.

"Wala akong problema!"

"Ilong mo tabingi! Huwag kang echusang palaka diyan! Pinagdaanan ko na 'yang drama mo sa buhay!" ganti naman nito sa kanya. Napasigaw siya ng pagtulungan na siya ng mga kaibigan niya. Hanggang sa makalabas na siya ng bahay nila.

Marahas siyang napabuga ng hangin. "Nakakainis naman kayo eh!" maktol pa niya.

Pabirong tinakpan ni Jhanine at Marisse ang ilong ng mga ito. Saka kinampay pa ang isang kamay ng mga ito sa tapat ng mukha nito.

"Dahan-dahan sa pagbuga 'te, medyo di maganda amoy." Pang-aasar pa na wika ni Jhanine.

Mas lalo niyang hiningahan ang dalawa. "Ewww!" maarteng reaksiyon ni Marisse.

"Ano ba gagawin ko dito? Inaasar n'yo lang naman ako eh," sabi pa niya.

Nagtawanan ang mga ito, saka siya niyakap.

"Ikaw naman oh, naglalambing lang kami. Miss ka na namin eh." Sabi pa ni Sumi sa kanya.

"Busy lang ako," sagot niya.

"Busy o nagpapaka-busy? Kilala kita, Samantha." Sabi naman ni Marisse.

"Look, I'm okay. I'll be okay." Seryosong sagot niya sa mga ito.

Tinignan siya ni Kim. "No, you're not okay. Malungkot pa rin ang mga mata mo."

"Hindi mo kailangan magtago, girl. Face him." Payo sa kanya ni Kamille.

"I can't. Hindi ko pa kaya." Sagot niya.

"Sam, I think you two have to talk. As in, you and Jefti. I think there's a misunderstanding on both sides." Suhestiyon naman ni Marisse.

"I know you care for me, Marisse. Pero hindi na kailangan. Siya mismo ang nagsabing wala ng pupuntahan ang friendship namin. Siya mismo ang pumutol niyon."

"Sayang naman ang lahat kung tatalikuran n'yo." Sabi naman ni Razz.

"I told him everything. Even what I truly feel for him. Sinabi ko sa kanyang, mahal ko siya ng higit sa kaibigan. That's my only chance, at least even before we parted our ways. Naging honest ako sa nararamdaman ko." Paliwanag niya.

Napailing ang mga kaibigan niya. "Seryoso, gusto kong sapukin sa lungs sa Jefti." sabi pa ni Razz.

"Ayoko lang talaga muna siyang makita. Hindi ko pa kaya." Aniya.

Unti-unti ay muli na naman nangilid ang luha sa mga mata niya. Napapadyak siya, saka umiling. Nang bumagsak na iyon ay mabilis niyang pinahid iyon.

"Eh, kasi naman eh. Kaya hindi ako lumalabas eh, dahil ayokong makita n'yo akong umiiyak." Garalgal ang tinig na sabi niya.

Niyakap siya ni Jhanine. "Girl, its okay to cry. Iiyak mo habang hindi pa nawawala ang sakit. Nandito kami, kahit na anong mangyari. Hindi ka namin iiwan." Sabi pa nito.

Car Wash Boys Series 6: Jefti TinamisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon