Hi journal!
Dahil mabait ako,syempre pumasok ako sa school. And as expected,marami na ang nanunudyo sakin kay Jefeil. Pati mga kaibigan ni Jefeil ay nang-aasar nadin sakin. Sa tuwing makikita ng mga kaibigan ko sina Jefeil ay palagi nila akong tinatawag.
Kanina nga habang wala kaming klase sa last subject,nag-usap-usap kami nina Zhyys tas biglang dumating si John at Joel.
John: Hi Jefeil!
Ako:Suntok you want?
John:Puso ni Jefeil you want?
Ako:Opkurs! HAHAHA
Joel: Kakanta kami ngayong friday para sa opening ng buwan ng wika. Baka may gusto kang i-suggest na kanta.
Ako:Wala akong maisip eh.
Zhyys:Hoy kung magpapraktis kayo i-topic nyo si Mal kunwari para malaman natin ano ang reaksyon niya.
Joel:(Umupo sa tabi ko)Sure! sasabihin naming "Alam mo ba? Ang galing kanina ni Mal sa reporting,nakaka-inlab"
John: Oo nga at napaka joker niya! Ang talino talaga nitong si Mal.
Zhyys: Yan! Ganyan! Tapos i-record niyo para malaman namin ang sasabihin niya.
Joel: Tapos tatanungin namin siya kung sino ang crush niya tapos isasagot niya ay si Mal. Yieeeeee.
John:Pero nakakalungkot kung ibang pangalan ang isasagot niya Owwwwws. Pero Mal nagplano kaming gumawa ng Fanpage tas ikaw ang gagawin naming admin.
Joel:Oo nga!tapos months later marurumored dating kayo ni Jefeil yieee.
Ako:Woooooy. He's too handsome for me at ang daming kong tigyawat no!
John:Hindi naman yan mahalaga kung marami kang tigyawat eh.
Joel:At alam mo bang maganda ka kahit may tigyawat ka?
Ako:Chaaaaar. Sana ol may guts na magsinungaling HAHAHA...
John: Support lang kami sayo Mal kasi alam naming mabait ka. Kung ibang tao pa siguro yan hay naku! Ewan ko na lang. Maganda nga pero pangit naman ang ugali.
Jian:Diba MU sila ni Kishe?
Lahat sila ay tumingin sakin.
Ako: Adunno.
John:Hindi naman. Matagal na yun.
Joel:At naging sila naman talaga pero wala na ngayon. Grade 9 pa tayo noon.
Zhyys:May pag-asa ka pa Mal.
Ako:Gagoooo HAHAHA.
Hanggang dito muna ako kasi tinatawag na ako ni mama para kumain. Bye journal.
YOU ARE READING
Journal Ni Mal (ON HOLD)
Teen FictionIsa lang namang babae nagka-crush sa isang lalaki and whatsoever. ENJOY