Chapter 20

74 3 4
                                    

(This is dedicated to @maway20 thank you for voting ^_^)


Hi there journal!


Nandito na ako ngayon sa campsite. And guess what kung sino ang nandito.


Walang iba kundi si Kit. Yung sinsabi ko sayong crush ko noon for four years? Dito kasi kami nagkakakilala kaya walang duda na magkikita talaga kami dito sa camp.


Nagpapansinan naman kami ni Kit pero di masyado yung parang close na close na talaga, sakto lang. Hindi niya alam na gusto ko siya.


Pero noon pa yun journal ha.


So kanina, sinalubong ako ng mga naging kaibigan ko dito. Nagkumustahan muna kami at nagchika-chika ganurn. Tas nagpaalam akong mag-cr muna.


So dito na.


Pagkatapos kong mag-cr ay nakasalubong ko si Kit. Umakto akong hindi ko siya nakita. Hindi rin naman niya ako nakita. Nilagpasan niya ako pero ilang sandali ay naglakad siya ng paatras hanggang sa magkaharap kami.


Kit: Hello


Ako: (nagulat kunwari) Uyy helloo hehe.


Ta's nagkamayan kami. Hoy journal alam ko ang iniisip mo! Naghugas kaya ako ng kamay.


Kit: Kumusta?


Ako: Okay lang, ikaw?


Kit: Eto okay lang din. By the way may group ka na?


May 4 groups kasi dito sa camp. May mga contest kaya kung sinong group ang may pinakaraming panalo obviously sila ang defending champion.


Dahil may group ko syempre sumagot ko journal.


Ako: Group 4


Kit: Oyyy ayos. 4 din ako! Apir!


Ako: Apir!


Sa totoo lang mas gusto kong hindi kami magka-grupo kasi naman journal alam mo namang marupok akoooo. Baka magkagusto ako ulit sa kanya mahirap na. Haysss. Pero wala na akong magagawa, kagrupo na kami eh.


Konting chika muna kami at nagpaalam na siya kasi nakalimutan niya na may pupuntahan pala siya bago niya ako nakita hahaha.


Anyway, nag-opening kaninang 7pm. May pa-dramang handog ang nag-host ng camp. Pagkatapos ay nagmeet ang lahat ng kagrupo.


Hindi naman ako na-out of place kasi marami naman akong kakilala na mga kagrupo ko. Pati ang leader at assistant leader ay kaibigan ko rin.


May meeting kami at nagkaroon ng pagpapakilala. Nasa likod ko pala nakaupo si Kit kasama ang mga kaibigan niya. While ako katabi ko rin ang mga kaibigan ko.


Tas eto journaaaaaal. You wouldn't believe kung sino pa ang nandito. Pati nga ako nagulat ehhhh.


Andito si Jefeeeeeil!


I'm like watdaaaaa!?


At kagrupo pa kamiiiii.


Hindi kasi ako nakinig sa mga nagpapakilala at nang biglang nagtanong ang leader namin na si Kuya Teddie kung sino ang mga first time na sumali sa camp ayon doon ko siya nakita kasi pinatayo ang mga first timers.


Takte naman ooohhhh!


Pero sige okay lang.


Okay lang talaga.


Okay na okay talaga hehe.


As in, very okaaaay.


Hindi talaga okay ehhhhhhh.


Hayst.


Sige journal, tulog na lang muna ako. Bye. Mwaahh.



PS.

Nasa tabing kwarto natutulog ang mga boys ng group 4 habang kaming mga girls ay nandito.




********


Hi everything! Don't forget to click like, share and comment down below for suggestions. Also don't forget to subscribe to my youtube channel and click the notification bell to get notified when I post another video. 


HAHAHAHAHAHAA takte naging vlogger na.


Eto na.


Hi everything! Please don't forget to vote and comment. Magparamdam naman kayo my lovely readers. I wuvyuu all.


Atsaka may idagdag akong characters, beke nemen makahiram ng pangalan niyo hehe.


Babyeeee. Keep safeee.


PS.

Sorry po kung hindi uniform ang spacing kasi minsan nag-uupdate ako sa phone minsan naman po sa computer. Anyway lovelots. Mwah

Journal Ni Mal (ON HOLD)Where stories live. Discover now