Chapter 24

62 3 0
                                    


Hey journal!


Kakauwi ko lang galing sa camp. Di ako nakapag-update sayo kahapon kasi sobrang busy namin at tsaka di kami natulog kasi nga last day so dapat jamming-jamming muna ganern hahaha. Ayun nga journal as expected kami ang overall champion! Yieeeee. Oh my gaaaas.Congrats to us. Tsaka ang contest namin kagabi is drama.


Alam mo ba kung sino ang nanalooo?


Syempre kami. Sino pa nga baaa?


Alsoooo, si Kuya Gen ang bida ng drama namin. Isa siyang suwail na anak ganern hahaha. Tas ang role ko dun is malanding barkada like seriouslyyy? Hahahaha di ko na-imagine sarili ko kagabi. Si Kuya Teddie talaga nakoo yan talaga ang binigay niya role sakin. Kasali din si Jefeil, barkada din siya pero yung mabait. Naks hahaha.


Grabe ang hiya ko nun. First time ko kayang maging malanding barkadaaaa. At tsaka malandi talaga haaaa? At si Kit talaga nilandi ko nooo? I mean magjowa kami dun Maygaaad.Kahiya talagaaaa. Nasira reputasyon ko dahil dun Hahahaha. 


At nako journal, dahil dun  sa drama na yun inaasar na kami ni Kit. Hindi lang ng mga kagrupo ko kundi lahat ng tao doon. Juskoooo pooo.


Yung bida sa group 1 na si Kuya Brent ang nanalo bilang best actor. Ang galing nya kasi. While sa best actress? Nakooo journal. Akoooo! Ako yung nanalo kahit di naman ako yung bida talaga Hahahaha. Ang galing ko daw kasing lumandi Haysss.


Pagkatapos ng awarding kagabi at nakuha na namin ang mga prizes namin, nag-jamming kami ng mga kagrupo ko at yung ibang grupo ay may sariling jamming din. Naglaro kami ng games kahit hatinggabi na Hahahaha. Ang ingay namin journal as in Hahahaha.


Tas yung nakakaaliw na game at medyo awkward din is yung Will you marry me. Kung saan yung taya is may hawak na bulaklak tas ibibigay nya iyon sa kung sino man ang bibigyan niya. Tas tatanungin niya ito ng "Will you marry me?" pag nag "yes" yung binigyan, ibig sabihin mag e-exchange places kaming lahat, nakaupo kasi kami nito. Tas pag "no" naman ang sinagot magtatanong ang taya kung bakit at kailangang sumagot ng binigyan na "Because I will marry those people who are wearing necklaces churva churva ek ek" bahala na ang binigyan kung ano ang sasabihin nya. It's either yung naka-sapatos, naka-dress, may buhok, may muta ganern at kung anu-ano pa. So pag sinabi niya nun, lahat ng mga naka-necklace ay mag- e exchange ng places o lahat ng mga naka sapatos ganern basta kung ano ang sinabi ng binigyan. Gets mo ang laro journal? Basta yun na yun. Hirap i-explain eh Hahahaha.


So bakit awkward? Kasi naman po binigyan ako ni Kit nung naging taya siya.


Kit: Will you marry me?


So ayuuun todo tili ng mga kasama ko dahil lumuhod talaga siya sa harapan ko.


Mga kagrupo ko: Yes na yaaaan. Yieeeee


Napailing nalang ako journal at nag-yes. Hayssss.


At journaaaaaaal. Binigyan din ako ni Jefeil. At alam mo ba ang sinagot koo? Gusto ko sanang mag-yes pero no ang sinabi ko kasi ang lungkot ng mukha ni Mae nang ako ang binigyan ni Jefeil.


Tas eto pa journal. Diba pag nag-yes exchange places? Dahil sa nagpapanic kami at nag-uunahan sa pag-upo dahil takot kaming maging taya, ayowwn journal dahil sa katangahan ko nahulog ako sa upuan pero buti nalang nahawakan ako ni Jefeil. Oo siya talaga yung nakahawak sakin. Nagpasalamat ako sa kanya syempre pero pagtingin ko sa upuan ko ay may nakaupo na pala doon at ng tinignan ko si Jefeil ayown, nakaupo na rin siya. So wala ng bakanteng upuan kaya ako naging taya.


Kay Kuya Teddie ako nagpropose HAHAHAHAHA nagulat nga siya eh. Kaya lang nag-no siya HAHAHAHA. At alam mo ba kung anong dahilan niyaaa? Eto sinabi nya "Because I will marry those people who are wearing underwears" like watdaaa? So wala akong suot ganern? Hahahaha nakakatawa and at the same time nakakainis talaga si Kuya Teddie nakooo.


Marami pa kaming nilaro journal at nung napagod na kami ay nagkanya-kanyang pag-uusap na kami. Kasama kong nakipag-usap kagabi ay yung mga kaibigan ko plus ni Kit at Jefeil at Kuya Teddie at si Ate Reya at si Kuya Brent at yung isa pang taga group 2 na sa naalala ko ay Jireck ang name at yung kaibigan niya na si William yata yun. Nag-usap usap lang kami ganurn tas bigla akong kinalabit ni Kit. Sabi niya...


Kit: Mal, pwede ba kitang makausap?


Ako: Sure. Ano ba sasabihin mo?


Kit: Ahh pwede wag dito? Hahaha. Yung tayong dalawa lang.


Tumango nalang din ako journal at pumunta kami sa di kalayuan nila Kuya Teddie. Tas dun kami nag-usao. Bukas ko na lang sasabihin sayo kung ano ang pinag-usapan namin. Antok na kasi ako. Wala kaming tulog dibaaa?


Sige na journal. Bukas na lang ulit.


Byersss. Mwaaah.

Journal Ni Mal (ON HOLD)Where stories live. Discover now