Chapter 21

77 4 0
                                    


(This is dedicated to mae512 and lalcab thank you for voting. I wuvyuu ^_^)


***


Good evening journal!


Maaga kaming gumising kanina. Alas kwatro ng madaling araw ay gumising na kaming mga girls. Ang aga journal noh? Marami kasing campers at hindi sapat ang mga banyo sa campsite so kailangan mo talagang gumising ng maaga para wala pa masyadong tao.


Pagdating namin sa banyo, nag-abang muna kami ng ilang sandali ng mga kaibigan ko dahil may naka-ukopa pa sa limang banyo.


Ako: Kung sinong unang lalabas doon ako maliligo.


Marisse: Doon ako sa pangalawa.


Katy: Ako sa pangatlo.


Vida: Sabay nalang tayong maligo Bella.


Bella: Sure, walang problema.


So yun journal, nang may marinig akong tapos ng maligo at lalabas na, agad akong tumayo.


At alam mo ba kung sino?


Sina Jefeil at Kit. 


Hindi sila sabay na naligo sa iisang banyo journal ha. Ang ibig kong sabihin ay sabay silang lumabas sa banyong ginamit nila. Nagkatinginan pa nga sila eh.


Kit: Dito ka na Mal.


Jefeil:Dito ka na Mal


Halos magkasabay nilang sinabi yan journal pero klarong nauna si Kit. Nagkatinginan pa nga sila ulit eh.


Tumawa nalang ako journal.


Paano yung tawa?


Gantong tawa..


Ako:Ah hehe...(sabay kamot ko sa ulo)


Hahahahahahaha ganurn.


Pero ang di ko akalain journal ay nagsalita ang dalawa.


Kit: Maraming tubig dito Mal.


Jefeil: Hindi malamig ang tubig rito Mal.


Kit: Malinis dito Mal.


Jefeil: Maaliwalas dito Mal.


Kit: Mabango dito Mal.


Jefeil: May lagayan ng towel dito Mal.

Journal Ni Mal (ON HOLD)Where stories live. Discover now