Chapter 13

49 1 0
                                    

Takte journal!

Hindi ko na natapos ang pagsulat ko kagabi dahil sa gulat.

Anak ng!? May nagkakagusto pa pala sa mukhang ito? Putcha!

Sasabihin ko sa iyo ang ini-reply ko journal ha. Para malaman mo.

Darwin:
Gusto kita

Ako:
Taena! Bad joke.

Darwin:
Hindi joke yun. Putcha! Plano ko sana sa personal ko sasabihin kasooo..

Ako:
HAHAHAHAHA okay na nakakatawa na biro mo.

Darwin:
Hindi nga ako nagbibiro

Ako:
Ok sige. Kailan pa?

Darwin:
Since grade 5

Ako:
Weh? Ba't parang wala lang noong elementary?

Darwin:
Manhid ka kasi

Ako:
Wow haaa. Sige nga. Ano bang ginawa mo?

Darwin:
Palagi akong tumatabi sayo.

Ako:
Not enough

Darwin:
Noong grade 6 tinanong ko kung may cellphone number ka tas sabi mo may sim card ka pero wala kang cellphone HAHAHAHA malinaw na malinaw pa sa akin yun.

Ako:
Hmmm. Ano pa.

Darwin:
Nung hiningi ko sayo yung bracelet mo kasi sabi mo dyan ka na mag-aaral. At nasa akin parin hanggang ngayon ang bracelet kaso naputol nga lang.

Ako:
Last na lang. Maniniwala na ako.

Darwin:
Magbackread ka sa mga chat natin from the past years. Papansin ako sayo noon.

At nagbackread nga ako journal at napatunayan kong papansin nga sya noon.

Putcha ang awkward na!

Sana pala hindi ko na sinabi yun no?haysss. Think before you click talaga.

By the way, nasa canteen kami at tinatawag ako nila Zhyys ngayon kasi nandito din sina Jefeil. Kaso balewala lang muna siya sa akin kasi nagsusulat pa ako sayo at masyado akong preoccupied sa nalaman ko. Hays.

Ano kaya ang sasabihin ko kay Darwin? Ayoko kasing paasahin sya. Alam ko namang wala siyang chance sa akin kasi may crush nga ako. At sobrang loyal ko pagdating sa mga crush.

Dederetsuhin ko si Darwin mamayang gabi para hindi na siya umasa pa.

Journal tuloooong!

Journal Ni Mal (ON HOLD)Where stories live. Discover now