“Hoy Kenzie! Tignan mo may gwapo oh.” Sabi ng aking mga kaibigan
Nasa perya kami ngayon, nageenjoy dahil birthday ko ngayon... at etong mga kaibigan ko kanina pa ako hinahanapan ng jowa.
“eh ano naman kung may gwapo, Tsaka wala naman akong pake jan.” Sabi ko sakanila habang nakangiwi yun bang pigil na ngiti
“Hay nako birthday na birthday nagsusungit!!” Sabi ni Aliyah
“Ang KJ mo naman, buti nga hinahanapan ka pa ng jowa eh” Sabi naman ni Jacob.
Naghahanap kami ngayon ng makakainan dahil gutom na kami at magdidinner na din kaya naghanap nalang kami ng makakainan...
“Ano kaya masarap kainin?” tanong ni Jacob.
“Ako.” sagot naman ni Aliyah sakanya habang humahalakhak
“Hay nako ewan ko sainyo dalawa!!” bakit ko ba kayo naging kaibigan????
“Sus, porket iniwan ganyan kana... ay charot” Sabat ni Aliyah.
Sa totoo lang ang sakit... kasi miss ko na siya at wala akong magawa. Sinusubukan kong kalimutan siya pero wala.
Iniba ko nalang yung usapan.
“Don nalang tayo kumain sa Sizzling Eatery!!” Sabi ko.
sumangayon naman sila...
Ang sizzling eatery na tinuro ko ang lagi naming tinatambayan ni xymoun, Bumalik ang mga alaala sakin dahil sa sinabi ni Aliyah kanina...
Nakarating na kami sa Sizzling Eatery At hindi ko akalain... nandoon si xymoun.
Nakita ko ulit si xymoun...
Si xymoun na minahal ko ng sobra.
Si xymoun na hanggang ngayon mahal ko pa din.
Si xymoun na pinaglaban ko kahit hindi pwede.Nagiisa lang siya, kumakain ng lagu naming inoorder nung nagsasama pa kami...
T-Bone Steak
Tumakbo ako palabas ng Sizzling Eatery...
Ayoko na.
Tama na.
Sasaktan mo nanaman sarili mo.
Xymoun, Mahal pa din kita.yan ang gusto kong sabihin pero hindi ko masabi. Ayaw lumabas ng mga salitang yan sa aking bibig.
Hinayaan ko nalang at kinalimutan kong nakita ko muli si Xymoun.
YOU ARE READING
Unexpectedly You
Random"Itigil na natin 'to." "Hindi tayo pwede." "Tama na." Mga salitang lumabas sa bibig ko nang malaman nang pamilya mong merong "Tayo". Sumuko na sa laban. Hindi tayo pwede. "Ipaglalaban kita. Kahit ayaw mo na." "Kung hindi para sayo, para saakin." Mga...