Chapter 7

9 1 0
                                    

Xymoun’s POV

* Flashback*

“Ano xymoun?!” Sigaw ng kaklase kong kupal.

“Ano bang problema mo?!” Sigaw ko sakaniya.

“Bakit ang daming nagsasabi na nilalandi mo daw ’tong girlfriend ko?!” Ako? lumandi sa girlfriend niya? hahahaha kagaguhan.

“Bakit ko lalandiin yang girlfriend mo? Kagandahan ba yan? hahaha” Well, mali ka nang kinalaban.

“Aba gago ka ah!” Hinawakan nito yung kwelyo ko at inambahan ako ng suntok.

“Mali ka nang kinalaban bro. hahahaha” tinawanan ko lang siya.

Susuntukin niya na sana ako ng pigilan siya ng girlfriend niya.

“Wag mong saktan si Xymoun!!” Sigaw ng girlfriend niya.

“Oh ano?! KAKAMPI KA PA JAN? AKO YUNG BOYFRIEND MO.” Sabi ng kaklase ko sa girlfriend niya.

Dumating na si Ms. Cruz, naabutan niyang nagkakagulo sa room.

“Anong nangyayari dito?” Sabi ni Ms. Cruz

“Tanungin mo yang isang estudyante mo.” Sagot ko.

Nadala ako ng galit, dahil wala naman akong ginagawa nadadamay ako dito.

“That was so disrespectful, Mr. Martinez.” Sabi ni Ms. Cruz

“Hindi na kita kayang i-handle. Go out.” Napalabas ako dahil nabastos ko si Ms. Cruz.

Pinatawag ako sa Guidance Office. Pinapalipat ako ng Section.

*END OF FLASHBACK*

Naging kaklase ko si Kenzie. Awkward kami sa isa’t isa.

Natapos ang class hours namin, hindi na kami nagusap. Hindi na din kami nagpansinan.

*RIIIIIIING*

nagring na yung bell ng school namin. Tumayo na silang lahat.

Hinawakan ko yung kamay ni Kenzie, bago siya umalis.

“Bakit hindi mo ako pinapansin? Kahit yung papel na binigay ko sayo hindi mo sinagot. Hindi ka din nag lunch.” Sabi ko sakaniya.

“Wala ka nang pake don.” Sagot nito sakin at inalis ang kamay ko.

“Iniiwasan mo ba ako? Ano bang nagawa ko sayo?” Tanong ko sakaniya.

“Hindi.” Yan lang ang sagot niya at naglakad na palabas ng room.

ilang beses kong tinatanong ng paulit ulit sarili ko? bakit nga ba ako nagkakaganto dito? Hindi naman kami, at walang kami.

Hindi ko maintindihan nararamdaman ko.





Kenzie’s POV

Tahimik lang ako buong klase namin dahil na a-awkwardan talaga ako pag kasama ko ’tong lalaking ’to.

Hindi ko malaman bakit ako nagkakaganito.

Hindi ko malaman mararamdaman ko. Iniiwasan ko siya para hindi ako magkagusto sakaniya, pero bakit ganto?

“Iniiwasan mo ba ako? Ano bang nagawa ko sayo?” Tanong nito sa akin.

“Hindi.” Tanging sagot ko sakaniya at naglakad na palabas ng room.

paglabas ko ay sumandal ako sa tabi ng pinto. Bakit ganon siya sakin? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Hindi. Mali ’to. Bawal ka magboyfriend Kenzie. Okay? Bawal.

Naglakad na ako palabas ng School.

Habang naglalakad ako pauwi, naramdaman kong may sumusunod sa akin. Nagmadali ako sa paglalakad. Napansin kong nagmamadali din sa pag lakad ang sumusunod sakin.

Tumakbo na ako, tumakbo din yung nasa likod ko.

*Boogsh*

Natapilok ako. Shit, Hindi pa ito katapusan ko diba? Lord Help me!! T_T

Naabutan ako nung lalaking humahabol sa akin. Tinutok niya sakin ang dala niyang kutsilyo.

“Akin na mga gamit mo!! Wag ka magsubok sumigaw kundi ibabaon ko sayo tong hawak ko.” sigaw nito sakin. Hindi na ako lumaban.

Habang nilalabas ko ang mga gamit ko ay bumagsak yung nanghoholdap.

“Kenzie!” Lumapit ito sa akin. Binato niya yung nanghoholdap.

“X-xymoun?” Lumapit ito sakin. Umiiyak ako, yumakap ako sakaniya sa sobrang takot ko.

“Okay ka lang ba? kaya mong tumayo?” Tanong nito sakin habang iyak ako ng iyak.

“Natatakot ako. Natapilok ako hindi ko kayang tumayo.” Sabi ko kay Xymoun.

“Halika na. Ihahatid na kita sainyo.” Sabi nito sakin habang tinutulungan akong makatayo.

Takot na takot ako sa pangyayari.  Hindi ko alam gagawin ko.

Binuhat ako ni Xymoun sa likod niya, wala akong magawa.

Nakarating na kami sa bahay namin.

“Thank you.” Pagpapasalamat ko sa pagtulong niya sakin.

“Wala yun. Sige na, mauna na ako.” Sagot naman nito.

“Sige. Ingat.” Nakangiti kong sinabi sakaniya.

Pumasok na ako sa bahay. Hirap ako maglakad.

“Sino yung naghatid sayo?” Salubon sakin ni mama.

“Anong yang hatid hatid na yan?!” Sabi naman ni papa.

Hindi manlang nila tinanong kung anong nangyari sa akin. Okay lang ako, mama at papa.

“Wala yun.” Sagot ko sakanila nagpatungo sa kwarto ko.

Nakita pala nila ako sa bintana. Napansin nilang hirap ako maglakad at may sugat ako sa binti.

“Anong nangyari sayo? Bakit may sugat ka?” Sabi ni mama.

“Wala po. Natapilok lang ako pauwi.”  Sagot ko at nagpatungo na sa kwarto.

Iniisip ko kung paano ako naabutan ni Xymoun. Hindi kaya magkalapit lang din kami ng bahay?

Nagpapasalamat ako na dumating si Xymoun. Siguro kung hindi siya dumating alanganin na ang buhay ko.

Iba na ’tong nararamdaman ko? Gusto ko ba talaga si Xymoun? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Nakauwi na kaya siya?

Makapagpahinga na nga lang.







A/N: BITIN TALAGA EVERY CHAPTER SORRY HUHU














Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now