Xymoun’s POV
Late na ako!!
10:27 AM na. Kakatapos ko lang kumilos. Hindi na ako nakakain nang almusal.
Bakit late ako nang gising ngayon?!
*FLASHBACK*
Sinundan ko lang siya ng tingin mula sa malayo hanggang sa makasakay na siya sa jeep.
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Anong meron sayo, Kenzie?
Umalis na ako. Pumunta ako sa Arcade. Nagbasketball ako lahat nang nasa Arcade nilaro ko. Pampalipas oras.
*Riiing* *Riiing*
May tumatawag sa phone ko habang naglalaro ako.
Tinigil ko muna ang paglalaro.
“Oh? Ano nanaman?”
“Nasan ka xy? Tara out of town tayo.”
“Dito ako sa arcade.”
“Puntahan ka namin jan. Bili na din tayo nang mga pagkain sa Supermarket.”
“Sige lang.”
Binaba ko na yung phone. Kasi kung hindi, madami pang satsat yon.
Gala nanaman. Gala. Gala. Gala. Nakakapagod din pala gumala eh no.
Paglipas ng 15 mins. Dumating na sila.
“Tol!!” Sigaw ni Charles nasa escalator palang siya. Lumapit na sila sakin at umapir.
Siya nga pala si Charles Jimenez. Una kong naging kaibigan sa school. At ang isa naman si Damon Guerrero. Ang Captain Ball ng Basketball sa School namin.
“Oh ano na? tara na. Bili na tayo sa supermarket.” Sabi ko sakanila.
Nagpatungo na kami sa Supermarket. Ang dami nilang binibili. Ako palakad lakad lang, sabit lang naman ako dito hahahaha. Habang palakad lakad ako nakita ko na si Damon na kumukuha nang Alak.
Hindi pa ako nakakainom nang alak ever in my life.
Nagbayad na kami nang mga binili namin. At nagpatungo na sa Destinasyon na pupuntahan namin. Sa Cavite pala ang punta namin. May resort pala sila Damon doon. Private Resort.
Gabi na. Nilabas ni Damon ang mga alak na binili niya. Pinainom nila ako. KJ naman daw kung hindi ko iinumin. Napilitan ako. Ang pangit nang lasa. Ang pait. Nakailang Can na ako. Nahihilo na ako. Nasusuka na ako. Hanggang sa nakatulog na ako.
*END OF FLASHBACK*
POTEK.
Nasa dila ko pa din lasa nang alak. Masaya pero nakakahilo talaga. Nakakalasing.
Papunta na ako sa school. Tumakbo nako’t lahat lahat nang magagawa ko makaabot lang sa first subject.
Nakarating na ako sa School wala nang tao sa Labas. Magisa nalang akong tumatakbo sa Corridor ng School.
“Goodmorning Ms. Cruz! Sorry, I’m late. I woke up late.” Sabi ko nalang sa Teacher ko.
Pinaupo niya naman ako agad. Mabait so Ms. Cruz
2:17 na palabas palang ako nang room inaayos ko pa kasi yung mga gamit ko.
Nasan kaya si kenzie? nasa room pa kaya siya?
Naghintay ako hanggang 2:30 para maabutan si Kenzie pero wala pa din. Naisipan kong umalis na dahil nahihilo pa din ako ngayon. Ang lakas nang tama nung Alak sakin. Singlakas ng tama ko kay kenzie. Umuwi na ako at nagpahinga. Namiss ko mukha ni kenzie.
Kenzie’s POV
Ang tagal naman magpalabas neto ni Ms. Rosario.
Almost 3 o’clock na nandito pa din ako sa room. May pinagawa kasi siya samin para daw wala na kaming gagawin next week.
“Okay. Class Dismissal!” Sigaw ni Ms. Rosario.
Sakto nagring na din yung bell. Hindi na kami nagkasabay ni Aliyah kasi mas nauna siyang lumabas. Kainis ‘to si Ms. Rosario napakatagal magpalabas eh.
Nagpatungo ako sa pharmacy na malapit sa may perya. Doon din naman ang daan pauwi saamin kaya dumaan na ako. Inuubo ako at sinisipon. Feeling ko magkakasakit ako. Habang bumibili ako may pumasok sa loob nang pharmacy naka jacket. Napatalikod ako. Fully covered siya.
“68 Pesos and 25 centavos po.” Inaabot sakin nang Pharmacist pero hindi ko napapansin. May something sa lalaking pumasok eh... Parang kilala ko.
“Miss?” salita ulit nung Pharmacist. Lumingon na ako.
“Ah yes? Magkano nga ulit?”
“68 Pesos and 25 centavos po.” Inabot ko na sakaniya yung pera.
“Meron kayong hangover na gamot?” Sabi nung lalaki na kakapasok lang. Ang suspicious niya talaga. Parang kilala ko eh.
“Meron po.” Sagot nang pharmacist.
“Uhm-- Excuse me? Magkakilala ba tayo?” Tanong ko sakaniya kasi nacucurious talaga ako kung sino siya.
Hindi siya sumagot. Bumili siya nang hangover na gamot. Ako naman sinuklian na. Sabay kaming nakalabas. Sobrang hangin. Nakatingin ako sakaniya. Natanggal yung Hood ng Jacket niya. At nakita ko.
“XYMOUN?!” Gulat kong sinabi sakaniya.
“H-hello.” Pagkaway niya.
“Pumasok ka ba? Bakit hindi kita nakita kanina sa tapat nang canteen? diba dun ka lagi nakatambay?” Tanong ko.
“Uhmm. Oo, pumasok ako.” Sagot ko sakaniya.
“Eh bakit hindi kita nakita?” Tanong ko sakaniya.
“Bakit gusto mo akong makita?” Tanong niya sakin. Habang nakangiwi at tumatawa ng bahagya.
“Ahh Ehh- Hindi naman sa gusto kitang makita... Hindi lang siguro ako sanay na walang tambay sa tapat nang canteen diba hEhE.” Sagot ko sakaniya. Bakit ko nga ba kasi siya hinahanap. Tss. Ano ba ‘to? bAt akO nAgKAkAgAntO?
“Sige na, Una na ako ah.” Sabi ko sakaniya habang naglalakad nako papalayo.
Nakita ko siyang tumatawa. Ang gwapo. Bakit ka ganiyan? Ang gWAPOooOOO. Shet.
A/N: Nagustuhan niyo ba? hAHAHSHAHAHA Sorry kung matatagalan po yung mga susunod na update!!!
YOU ARE READING
Unexpectedly You
Random"Itigil na natin 'to." "Hindi tayo pwede." "Tama na." Mga salitang lumabas sa bibig ko nang malaman nang pamilya mong merong "Tayo". Sumuko na sa laban. Hindi tayo pwede. "Ipaglalaban kita. Kahit ayaw mo na." "Kung hindi para sayo, para saakin." Mga...