Kenzie's POV
Makapagpahinga na nga lang.
Nagpalit ako ng damit at ginamot ang sugat ko. Humiga na ako sa kama, atsaka kinuha ang cellphone ko.
Nag facebook muna ako nang biglang may nagsend ng friend request sakin.
*𝙔𝙤𝙪 𝙃𝙖𝙫𝙚 1 𝙁𝙧𝙞𝙚𝙣𝙙 𝙍𝙚𝙦𝙪𝙚𝙨𝙩*
𝙓𝙮𝙢𝙤𝙪𝙣 𝙈𝙖𝙧𝙩𝙞𝙣𝙚𝙯
𝗖𝗼𝗻𝗳𝗶𝗿𝗺 𝗗𝗲𝗹𝗲𝘁𝗲
Nagulat ako nung biglang nagsend ng friend request si Xymoun sa akin.
Cinonfirm ko yung friend request niya bilang pasasalamat na din sa pagtulong niya sa akin kanina.
Hanggang ngayon hindi pa din nawawala sa isip ko ang nangyari sa akin.
*𝙓𝙮𝙢𝙤𝙪𝙣 𝙈𝙖𝙧𝙩𝙞𝙣𝙚𝙯 𝙎𝙚𝙣𝙩 𝙖 𝙈𝙚𝙨𝙨𝙖𝙜𝙚.*
"Hi" Bungad sa akin pag bukas ko ng message niya.
"Hello" Bati ko naman sakaniya.
"Kamusta na yung sugat mo? Okay ka na ba?" Tanong nito sa akin.
"Okay naman na." Sagot ko.
"Uhm, thank you pala ulit sa kanina. Siguro kung hindi ka dumating kanina napuruhan na ako." Sabi ko sakaniya.
"Sabi ko naman sayo wala lang yun." Reply naman nito.
"Sorry pala kanina, sa pag asta ko sayo sa school." With sad face emoji. hehe
"Ah yun? hayaan mo na yun." Sagot nito.
"Libre kita bukas?Lunch. Bilang pasasalamat ko na din sa ginawa mong tulong." Sabi ko naman.
"Sure. Hehe." Sagot nito.
"Sige na, magpahinga ka na. See you tomorrow." Sabi ni Xymoun.
"Ikaw din." Sagot ko.
Hindi na siya nagreply pa. Nagreact nalang siya sa message ko ng 'heart'.
Anong ibig sabihin ng heart? Bakit heart? Ano ba kenzie. Walang meaning yun.
*Kinabukasan*
"KENZIE!!!!" Sigaw na galing sa Baba.
Ano ba naman yan, linggo ngayon bakit ang aga aga pangalan ko sinisigaw.
Nagtakip ako ng unan sa ulo, hinayaan ko yung sigaw ni mama. Ang tinis talaga ng boses pag sumisigaw.
"Kenzie, bumangon kana jan!" Umakyat na si mama. Pumasok pa sa kwarto ko.
"Bakit ba ma? ang aga aga pa." Sagot ko.
"Wag ka nang sumagot. Bumangon ka nalang jan." Sabi ni mama.
Ang seryoso. Anong meron? Tinignan ko yung cellphone ko. Punyemas, Birthday pala ng kapatid ko.
YOU ARE READING
Unexpectedly You
Random"Itigil na natin 'to." "Hindi tayo pwede." "Tama na." Mga salitang lumabas sa bibig ko nang malaman nang pamilya mong merong "Tayo". Sumuko na sa laban. Hindi tayo pwede. "Ipaglalaban kita. Kahit ayaw mo na." "Kung hindi para sayo, para saakin." Mga...