Kenzie’s POV
Kakauwi lang namin ni Aliyah galing sa Perya napagod ako, grabe...
Naalala ko nanaman si kuyang nakabangga saken na cute hihi.
Humiga na ako sa kama ko, habang iniisip si kuyang nakabangga sakin hahahahaha. Habang nakatingin ako sa kisame hindi ko maiwasang maisip yung nangyari kanina. Sa kakaisip ko nakatulog na ako.
7am na, May pasok ako ng 9am - 2pm.
nagreready ako para sa school ngayon.“Kenzie!!! bumaba kana dito kakain na!!” Sigaw ni Mama na galing pa sa baba. Lakas ng boses ni mama grabe.
“Opo!!!” Sagot ko.
Pagbaba ko kumakain na sila ng kapatid ko, Hotdog ang ulam favorite ko hihi.
“Ma, baka late ako makauwi mamaya kasi may aasikasuhin ako sa school.” paalam ko kay mama.
“Sige basta magiingat ha.” sabi naman ni mama. aaaa mahal ako ni mama
“Siguraduhin mong sa school yan kenzie ha!” Sabi naman ni papa, Strict si papa. Sobrang Strikto.
“Opo.” yan nalang ang tanging sagot ko sakanya.
Natapos nako kumain, Umakyat ako ulit. Nagready para makapasok na sa school.
Nakarating na ako sa school bago mag 9. Pag pasok ko ng gate may nakasalubong ako na grupo ng mga lalaki at nakita ko yung lalaking nakabunggo sakin sa perya kahapon. Nakita niya din ako hindi ko alam kung naalala niya pa ba ako. Shux, ang cute talaga. May dimples omg...
Ang gwapo, ang tangkad, he is very masculine. Takte.Nagkatinginan kami. Eye to eye. Then, he smiled.
“MISS!!” Tawag niya sakin.
“Diba ikaw yung nabunggo ko kagabi sa perya?” Tanong naman niya.
“ahh eh, Oo, ako nga yon...” mahinhin kong pagsagot sakaniya.
“Dito ka nagaaral?” Tanong ko sakanya.
“Oo.” Sagot niya.
“Hoy xymoun tara na!” sigaw ng mga kasama niya.
Ahhh, Xymoun pala pangalan.
“Sino yun xy? Girlfriend mo? Hahahaha.” Tanong ng kaibigan niya sakanya habang tumatawa
“Naks naman xy nakachamba ah” Sinabi ng isa pa niyang kasama.
“Mga baliw! Hindi ko girlfriend yan. Nabunggo ko kasi siya kahapon sa perya, Tapos dito din pala siya nagaaral. What a coincidence.” Sagot nito sa mga kaibigan niya.
“Ahhhh grabe kapanipaniwala naman.” Sarcastic nilang sagot.
“Tara na nga!!” Pasigaw niyang sinabi sa mga kaibigan niya.
Umalis na sila at tumungo na ako sa room namin.
Nakatunganga lang ako habang iniisip siya. Si Xymoun. hindi ko na alam bakit nagkakaganto ako pag naaalala ko siya.
Dismissal na. it’s already 2:24 PM nang pinalabas kami. Ang lakas ng ulan.
Wala akong payong. Paano ako uuwi neto? mukhang matatagalan ako sa pag uwi may aasikasuhin pako.
Naghihintay ako hanggang sa tumila ang ulan nasa waiting shed ako sa labas ng school, Hindi pa din tumitigil ang ulan mag iisang oras na. Umupo muna ako sa gilid dahil may ulan pa din at wala akong dalang payong.
May tumabi sakin na lalaking may hawak na payong. Si Xymoun. Tinanong niya ako kung gusto ko sumabay sakanya.
Napasigaw ako “IKAW NANAMAN?! SINUSUNDAN MO BA AKO?” Tanong ko sakanya.
“Hindi ah! Bat naman kita susundan?” Sagot niya sakin.
“Gusto mo sumabay sa payong ko?” Tanong niya.
Dahil nanlalamig nako sa waiting shed at may kailangan pa akong asikasuhin na papeles para sa school um-oo na ako.
“Oo sige, pasabay na ako. Magiisang oras na din ako dito eh” maayos na akong nagsalita sakanya dahil sa alok niya.
A/N: sana magustuhan niyo pasensya na sa typo!!!
YOU ARE READING
Unexpectedly You
Diversos"Itigil na natin 'to." "Hindi tayo pwede." "Tama na." Mga salitang lumabas sa bibig ko nang malaman nang pamilya mong merong "Tayo". Sumuko na sa laban. Hindi tayo pwede. "Ipaglalaban kita. Kahit ayaw mo na." "Kung hindi para sayo, para saakin." Mga...