Chapter 4

11 1 0
                                    

Xymoun’s POV

“Sige na, Dalhin mo na. Please? hehe.”  Binigay ko sakaniya yung payong ko, baka kasi umulan. Malapit nalang din naman ako.

Kinuha na niya yung payong. Choosy pa ba siya? hMpf.

Umalis na ako lumayo ako sakaniya...

Sinundan ko lang siya ng tingin mula sa malayo hanggang sa makasakay na siya sa jeep.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Anong meron sayo, Kenzie?

Kenzie’s POV

“Haaaayyy! nakakapagod...” Sabi ko sa kisame na tinititigan ko ngayon.

Hindi pa ako nagpapalit nang damit. Grabe, pagod na pagod ako.

Ang sakit nang buong katawan ko. AaAAaaH

“May gusto kaya sakin yung Xymoun na yon?” Tanong ko sa sarili ko.

Napakatahimik ng kwarto. Isa lang iniisip ko. Si Xymoun. A-ako? G-girlfriend niya? bAkit AkO pA?

Alam ko namang hindi totoo. Pero... AaAAaaH yAan mo na nga.

Magbibihis na ako ng pantulog nang makapagpahinga na.

*Kriiiing Kriiiing*

“Aaaaa!!! ang ingay naman nang alarm clock na ’to!” 6:00 AM palang, 10 AM pasok ko ngayon. Pag sabado 10 AM - 2 PM.

“KENZIE!!!!! BANGON NA!!!” Sigaw na nanggagaling sa baba.

Si mama nanaman yon. Hindi ako sumagot.

“Kenzie! Gumising kana diyan! Kumain kana nang almusal dito! Maghain na dito!” Salita nang salita si mama. Juice colored, patulugin mo pako.

“Kenzie!! ilang beses kaba tatawagin diyan?!!” Pumasok na si Mama sa kwarto. Ang ingay napaka agang ingay naman neto.

“Gising nako ma!!! ano ba yon?!” Sagot ko habang nakatakip yung unan sa mukha ko.

“Bumangon kana diyan!!” Jusko bat kailangan naninigaw, ma? huhu

Sumagot nako kay mama kasi baka magrap nanaman. Kaynes ka ma nagbe-beauty rest pako AaRgH.

Bumangon na ako sa kama. Nagsipilyo, Naghilamos. Bumaba na ako.

“Ate!! Kailangan ko nang cartolina bili moko hehe.” Sabi nang kapatid ko. Si Samuel. Napakalikot, Chismoso pa. Lahat nalang nang ginagawa ko sinasabi kila mama. Tss. Siya nga pala si Samuel Dan Rivera.

“Bat ako? Ayos ka ah.” Pabalang kong sagot sakaniya.

“Bilhan mo na kailangan niya eh. Eto pera ikaw bumili. Maaga siya sa school niya ngayon. Hindi siya makakabili.” Sabi ni mama.

Ako nanaman jUiCE cOLOrEd.

“K.” Kinuha ko yung pera 100 pesos yon tatanggihan ko pa ba? eh cartolina lang naman bibilin hihihi.

Paalis na ako nang bahay. Dadaan ko pa sa school ni samuel tong cartolina niya. Hay nako AbALA!!! Choz nAsAkin SuKLi hIhi

Nadala ko na sa school yung Cartolina ni Samuel. Pasakay na sana ako nang Jeep nang may tumawag sakin na babae.

“Uy hehe diba ikaw yung girlfriend ni Xymoun?” Tanong niya.

Sino ba ’to? Anong girlfriend? Si Xymoun? Girlfriend??? A-ako????

OH MY GOD. NAALALA KO Y-YUNG KAHAPON. OH SH--

“Uhm--” Biglang nagring yung Phone ko.

Si Aliyah.

“Hello?” Banggit ko.

“Nasaan kana? Kanina pa ako naghihintay dito.”

“Teka lang papunta na.”

“Nasan kana nga?!”

“Basta. Papunta na!”

Binaba ko na yung tawag.

“Pasensya kana ah. Kailangan ko nang umalis.” Sabi ko kay ate gorl.

Buti nalang tumawag si Aliyah. Minsan naman pala nakakatulong ka sa buhay ko hehehe. Hulog nang langit si Aliyah.

Nakarating na ako sa Milktea shop na tinatambayan namin ni Aliyah.

“Napakatagal mo naman! 10 o’clock na time natin late ka padin” Sigaw nito sakin.

“May nangyari kasi...” Hindi ko pa pala nakkwento sakaniya oh my god.

“Ano?” Sagot niya.

“May nakilala akong lalaki nung nag perya tayo. Nabunggo niya ako nung tumatakbo ako papuntang CR. Then, Dun pala siya nagaaral sa school natin.” Kwento ko sakaniya.

“Oh tapos?” Tanong ulit nito.

“Eh kasi kahapon... Magkasama kami. Sumabay ako sa payong niya, kasi maulan kahapon diba, hinihingi ni ma’am rosario yung NSO ko ang tagal tumigil nang ulan kaya sumabay nako. Tapos, nagkita sila nung may gusto daw sakaniya. Tapos, sinabi niya don na girlfriend niya ako.” Kwento ko ulit sakaniya.

“Ay wow ano yan speed lang? HAHAHAHAHA” tanong niya.

“Tapos kanina nagkita kami nung sinabihan niya na girlfriend niya ako. Kaya tumagal.” Paliwanag ko.

“Ahhhh.” Hinila ko na siya para makapasok na sa school.

Bakit wala siya? Wala ba silang Pasok nang Saturday? Nakatambay lang sila dati sa tapat ng Canteen ah. Nasan kana Xymoun?

Biglang pumasok sa isip ko si Xymoun.

Bakit ako nagkakaganito? Anong meron sayo, Xymoun?

Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now