Kenzie’s POV
Ako nga pala si Kenzie Lindsay Rivera nagaaral sa Forbes National School.
Nandito ako ngayon sa library ng school namin. Nagbabasa ng mga irereview malapit na kasi Exam namin.
Tumawag sakin mga kaibigan ko.
“Hello?” sabi ko.
“Hoy nasan kana?” Sabi ni Aliyah.
“Andito ako sa Library sumunod nalang kayo dito”
“Okay sige, Pakuha pala ako ng libro tungkol sa Anatomy science daw kasi exam namin ngayon”
“Sige, Sumunod kana dito.”
“Ok bye”
“Bye.”natapos na ang usapan namin, hinanap ko ang libro na may kaugnayan sa anatomy at bumalik ako sa kinauupuan ko at patuloy na nagreview.
“Kenzie!” tawag sakin ni Aliyah, kumakaway at napatakip ng Bibig.
“Shhhhh!!” Sabi ng Librarian.
napakalakas talaga ng bunganga neto ni aliyah.
Lumapit sakin si Aliyah at kinuha ang libro na pinakuha niya sakin. Umupo siya sa harap ko.
2:00 PM na kami natapos magreview.
Pumasok na kami sa kanya kanyang room. Hindi kami magkaklase nagkahiwalay kami dahil magkaiba kami ng strand nag-STEM siya nag-HUMSS ako.
Natapos ang Exam ng 5pm.
Nagkita kami ni Aliyah sa Milktea shop na tinatambayan namin, malapit lang din sa school namin. Pagkatapos namin uminom ng Milktea nag-aya ako sa perya na malapit lang sa bahay namin.
“oH My gOd kEnziEE!!!!!” Sigaw ni Aliyah nang makasakay kami sa vikings.
“AAAAAAA!!!!” sigaw ko naman.
natapos na ang sinakyan namin inaya ko ulit si aliyah na sumakay pa ulit umaayaw na ito. Natawa nalang ako.
“Edi wag. Magccr lang ako jan ka lang” sabi ko sakanya dahil CR na CR na ako.
Tumakbo ako papuntang CR nang may makabunggo sakin, Nahulog ako sakanya, charot. Nahulog ako sa lupa. Napatingin ako sa nakabangga sakin.
“ANO BA YAN HINDI KASI TUMITINGIN SA DINADAANAN!!” Sigaw ko dahil nga CR na CR na ako.
“Sorry, Miss!” Sabi niya at tinulungan akong tumayo.
“sa susunod kasi kuya tumingin ka sa dinadaanan mo ha?” sabi ko.
“Ako pa ang hindi nakatingin? Eh ikaw tong tumatakbo di mo tinitignan dinadaanan mo” Sabi naman nito.
grabe ang kapal ng mukha. ako na natumba ako pa may kasalanan grrr
“Wow ha, ako pa may kasalanan?! ako na nga natumba!!” Pasigaw kong sinabi sakanya.
“Nagsorry na ako diba? Tsaka wala ka namang sugat.” Sinabi niya habang kumakamot siya sa ulo niya.
“Tss.” Pasalamat ka may itsura ka kaya kong palagpasin. Hala joke lang HAHAHAHAHA
“Sorry ulit ha!!” sabi niya at umalis na ito.
Nagpatungo na ako sa CR nawala na yung kagustuhan kong magCR. Jusko Kuya bAkiT Ang gWApO mO hAhAhA.
Xymoun’s POV
Andito ako sa perya hinahanap yung kikitain ko bumili kasi ako ng 2nd hand na sapatos ipangreregalo ko sa kaibigan ko. Naglalakad ako tumitingin ako sa gilid gilid baka nandoon na. Hindi ko sinasadya nabangga ko si ate na tumatakbo. Natumba siya. Ang Cute niya haha. *harthart*
“ANO BA YAN HINDI KASI TUMITINGIN SA DINADAANAN!!” Sigaw niya sakin.
“Sorry, Miss!” Sabi ko, tinulungan ko siyang makatayo
“sa susunod kasi kuya tumingin ka sa dinadaanan mo ha?”
“Ako pa ang hindi nakatingin? Eh ikaw tong tumatakbo di mo tinitignan dinadaanan mo” Sabi ko sakanya, kahit alam kong ako may kasalanan hahaha.
Salita pa din siya ng Salita humingi nalang ako ng sorry sakanya. Ang tinis ng boses grabe ang sakit sa tenga.
“Sorry ulit ha!!” sabi ko nalang at umalis nako.
Tumingin ako ulit sakanya, Sinundan ko siya ng Tingin. Tsaka ko lang naunawan na mag ccr pala siya kaya siya nagmamadali. Jusko, Ang cute talaga!!!
Pumasok na siya sa loob ng CR, Kaya umalis na ako at hinanap ko ulit yung imemeet ko.
Nagtext yung imemeet ko.
“Boss, andito ako sa Sizzling Eatery tapat lang ng perya”
“San kana”Hindi na ako nagreply. Pumunta nalang ako.
Nagpunta ako sa Sizzling Eatery at mineet yung pinagbilhan ko.
Tinry ko yung mga pagkain sa Sizzling Eatery.
Umorder ako ng T-Bone Steak.
Pagkatapos ko Umuwi na ako.
A/N:
3 UPDATES PER WEEK LANG HAHAHAHA BUSY KASI SA SCHOOL HEHE SANA MAGUSTUHAN NYO STORY
YOU ARE READING
Unexpectedly You
Acak"Itigil na natin 'to." "Hindi tayo pwede." "Tama na." Mga salitang lumabas sa bibig ko nang malaman nang pamilya mong merong "Tayo". Sumuko na sa laban. Hindi tayo pwede. "Ipaglalaban kita. Kahit ayaw mo na." "Kung hindi para sayo, para saakin." Mga...